ITO ay depende sa eksaktong lokasyon ng punongkahoy sa kinatitirikan ng bahay. Mainam na mabatid ang wasto at eksaktong detalye sa feng shui dilemma, para sa mabisang pagpili ng feng shui cures.
Ang punongkahoy ba ay nasa harap ng front door at nakaharang dito? Ang puno ba ay nasa bandang kanan ng bahay o sa kaliwang bahagi ng bahay? Gaano ito kalapit sa bahay?
Walang sino mang magnanais na magkaroon ng puno nang napakalapit sa bahay. Hindi ito basta feng shui concern lamang, ngunit common sense din. Sa pagbibigay ng sapat na breathing room sa bahay gayundin sa punongkahoy, isinusulong mo rin ang good feng shui energy at safe home environment.
Kung ang puno ay nasa harap ng main/front door, ito ay ikinokonsiderang challenging feng shui, dahil sa pamamagitan ng front door nasasagap ng bahay ang Chi, o energy nourishment. Kung may nakaharang sa harap ng pintuan, ito ay magdudulot ng sagabal sa feng shui enegy absorption, na maaaring sa kalaunan ay magresulta sa respiratory problems sa mga nakatira sa bahay.
Kung ang puno ay nasa kaliwa ng front door (habang ikaw ay nakatingin mula sa loob ng pintuan), ito ay maaaring magdulot ng maswerteng feng shui dragon energy, lalo na kung ang puno ay mataas at madahon, at may powerful presence.
Kung ang puno ay nasa kanan (habang nakatingin mula sa loob ng front door), at higit na mataas kaysa puno sa kaliwa, ito ay maaaring magdulot ng bahagyang unbalance energy sa bahay. Sa unbalance energy na ito, ang yang/masculine energies ay mas mahina sa yin/feminine energies. Sa practical level, maaaring ang lalaking nakatira sa bahay sa imbalance na ito ay maaaring magkulang sa supportive energy.
Ang feng shui cures ay depende sa specific details ng lokasyon ng puno. Kung ang puno ay nasa harap ng main door, kailangang magsumikap na makabuo ng very strong feng shui front door, gayundin ay dapat gumamit ng protective feng shui cures sa labas ng pintuan.
Kung ang puno ay nasa kanan (habang nakatingin mula sa loob ng bahay), maaaring kailangang bawasan ang taas nito, upang makabuo nang higit na balanseng enerhiya para sa bahay.
Sa feng shui, mainam na ang puno na nasa kaliwang bahagi ng bahay ay bahagyang mas mataas kaysa nasa kanan.
Lady Choi