Sunday , December 22 2024

Red Lions tutulong sa mga biktima ng bagyo

IMBES na isang bonggang street party, magsasagawa na lang ng pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda ang San Beda Red Lions bilang selebrasyon sa kanilang muling pagkakampeon sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 89 noong Sabado.

Sinabi ng team manager ng koponan na si Jude Roque na nakikisimpatiya ang buong komunidad ng San Beda sa mga nasalanta ng bagyo kaya magiging simple na lang ang kanilang selebrasyon na gagawin sa kanilang kampus sa Miyerkoles, Nobyembre 20.

“We will have a mass at the San Beda campus on Wednesday after which we will have a simple lunch with the players. Then we will help all the volunteers in packing relief goods for the typhoon victims,” wika ni Roque.

Tinalo ng San Beda ang Letran, 60-56, noong Sabado sa Game 3 ng finals na ginanap sa Mall of Asia Arena sa pangunguna nina Art de la Cruz at Ola Adeogun.

“This is perhaps the sweetest title we won because this is the first time a San Beda team won four straight NCAA titles,” ani Roque. “We also went through a very long season and we won with a lot of role players unlike in our past teams where we had a lot of scorers.”

Tanging si Rome de la Rosa ang mawawala sa San Beda sa susunod na taon kaya kompiyansa si Roque na ipagpapatuloy ng Red Lions ang kanilang paghahari sa NCAA.

Sinabi rin ni Roque na hindi magpapahinga ang Red Lions nang matagal pagkatapos ng kanilang paghahari sa NCAA dahil anim sa mga manlalaro ni coach Boyet Fernandez ay lalaro na para sa North Luzon Expressway sa PBA D League simula ngayon.

Bukod dito, maghahanda rin ang Red Lions para sa Philippine Collegiate Champions League kung saan pasok sila sa Final Four kasama ang UAAP champion na De La Salle University.

“We haven’t won the PCCL title yet and that will be our goal this year,” pagtatapos ni Roque.

Sa kabilang banda, nalungkot ang pambatong sentro na si Raymond Almazan sa pagkatalo ng Letran sa finals.

Ayon kay Almazan, pagkakataon sana niya upang maging maganda ang pag-alis niya sa Knights upang maglaro sa Rain or Shine sa PBA.

“Sayang pero talagang hindi para sa amin ang titulo,” ani Almazan.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *