Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Busy pa ba si People’s Champ Manny Pacquiao?!

00 Bulabugin JSY

MASYADO sigurong intense ang ensayo ni people’s champ Saranggani Rep. Manny Pacquaio kaya hindi natin naririnig o nabalitaan na nagpapadala ng TULONG ang isa sa mga multi-milyonaryong Pinoy sa mga kababayan nating sinalanta ni Yolanda sa Leyte, Samar, Iloilo at Capiz.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Mommy D., ay tubong-Leyte … hindi kaya naalala ni Manny ang mga kaanak niya sa nasabing lalawigan?

O baka naman tahimik lang ang KAMPO ni PACMAN at ayaw nang ipaalam na siya ay nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng super bagyong si Yolanda?!

Sana nga…

Pero kung hindi pa, sana naman kung sino ang nasa malapit ngayon kay Manny Pacquiao ay maisipan niyang bulungan na magpadala ng tulong sa mga kababayan nating nawalan ng pamilya, nawalan ng bahay, walang pagkain at talagang walang-walang dahil winasak nga ni Yolanda.

O kaya naman, maisipan sana ni Pacquiao na kalahati ng kikitain niya sa laban niya sa Nobyembre 24 ay ipagkaloob niya sa mga biktima ng Yolanda.

Tutal naman ay hindi ‘yan makababawas sa tinatamasa niyang yaman ngayon.

O Manny, tabang-tabang gyud, kapag may time.

SALAMAT CNN!

HINDI naman tayo sa nagpapakasipsip sa mga PUTI.

Pero aminin man natin sa hindi, nakatulong nang malaki sa sitwasyon natin ang pag-uulat ni CNN broadcast journalist Anderson Cooper tungkol sa kalagayan ng mga kababayan natin sa Tacloban, Leyte pagkatapos ng pananalanta ni Yolanda.

Matapos iulat ni Cooper na … “no real evidence of organized recovery or relief effort coming from the Philippine government …” at tapusin ito sa … “Here, misery is beyond meaning …” ‘e talaga namang umulan ang reaksiyon at komentaryo ng netizens.

Kasunod nito ay bumuhos na ang mga sumuporta mula sa iba’t ibang bansa.

Ultimo mga sasakyan, ospital, mga doktor, goods, dollars, suportang moral at marami pang iba.

‘Yun nga lang maraming nakapuna sa makupad na PAGGALAW ng GOBYERNO.

Naupakan nang husto si PNOY at ang kanyang GABINETE. At mukhang hindi lang nagkasisihan, mukhang nagkaturuan pa kung sino ang may kasalanan … hehehe …

Anyway, tapos na ‘yun, at natutuwa tayo na unti-unti nang nakararating sa mga nasalanta ang TULONG mula sa gobyerno at mula sa ibang bansa …

Like after … six (6) days?!

Kung nagpasalamat tayo kay COOPER, nagpasalamat din si COOPER sa mga PINOY dahil naipakita natin sa kanila kung paano ang mabuhay.

Again, thank you, Mr. Anderson Cooper!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …