Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lord of War angat sa grand Sprint Championship

Posibleng paboran ng publikong karerista ang Lord of War laban sa anim na iba pang mananakbo sa pagsikad ng 2013 Philracom Grand Sprint Championship na gaganapin sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang Lord of War ang itinuturing na bihasa sa maikling karera, na inaasahang higit na makakakuha ng suporta sa mga mananayang karerista.

Makakalaban ng Lord of War sina C. Bisquick, Sharpshooters, Tiger Run, Don Albertini, Fierce and Fiery at Si Senior.

Hindi rin matatawaran ang husay ni Fierce and Fiery at Si Senior na lubhang nakitaan ng mahusay na tiempo sa mga naunang laban nito.

Inaasahan din ng maraming tagasubaybay ang C. Bisquick at isa rin sa magiging banta para sa nasabing titulo.

Inaaahan sa pagbukas pa lang ng pintuan ng starting gate ay magiging mahigpit na ang labanan ng mga sprinters.

May nakalaan na P1,000,000. Ang naturang pakarera mula sa Philracom na ang tatanghaling kampeon ay pagkakalooban ng P600,000.

Ang nasabing pakarera ay matutunghayan sa darating na Linggo sa SLLP.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …