Friday , November 22 2024

May delicadeza pa ba si COMELEC Commissioner Grace Padaca?

00 Bulabugin JSY
MABILIS lang palang nalusutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca ang bench warrant na inisyu ng Sandiganbayan laban sa kanya nang hindi siya dumalo sa kanyang nakatakdang arraignment nitong nakaraang Oktubre 17.

Dahil sa kanyang hindi pagdalo, kinansela nina Associate Justices Gregory Ong at Jose Hernandez ang kanyang piyansa at nagpalabas ng arrest warrant.

Pero to the rescue naman pala agad ang PNoy appointees na sina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang .

Agad umanong nagpasaklolo si TANG sa Supreme Court upang makuha niya ang chairmanship sa Third Division ng Sandiganbayan mula kay Associate Justice Jose Hernandez upang maibasura ang arrest warrant laban kay Padaca.

Kaya bago pa man maihain ang arrest warrant kay Padaca nitong nakaraang Martes, ang dalawang justices na sina Ong at Hernandez ay natadyakan na para ilipat sa ibang dibisyon.

Aray, ang sakit!

Ang natira ay si Associate Justice Samuel Martires na nanatiling senior member ng dibisyon, next in rank sa bagong chairman na si Tang.

Bukod d’yan binitbit na rin ni Tang si Associate Justice Alex Quiroz bilang junior member ng dibisyon.

Kaya nitong proceedings nakaraang Martes, agad pinaboran ni Tang ang petisyon ni Padaca na ibasura ang arrest warrant at hayaan siyang makapaghain muli ng piyansa.

Wow!

Ganyan lang pala kabilis kapag ALYADO ng Pnoy administration ang maghahain ng petisyon para pigilin ang isang arrest warrant.

Sukdulang baliktarin at paikutin ang mga tao sa Supreme Court at sa Sandiganbayan basta huwag lang makulong si Commissioner Grace Padaca sa P25-million graft and malversation cases.

Naalala pa natin nang sumampa ang nasabing kaso ni Commissioner Padaca, agad nagpaluwal si PNoy ng P70,000 para sa kanyang piyansa habang si Interior Secretary Manuel Roxas II sinamahan pa siyang magbayad.

Tsk tsk tsk …

Mukhang malakas pa sa 7.2 magnitude na lindol ang POWERS ni Commissioner Padaca sa administrasyon.

Hindi maikakaila na malaking isyu na naman ‘yan sa administrasyon ni PNoy.

Unsolicited advice lang Commissioner Grace, hindi ba pwedeng mag-LEAVE ka muna para hindi naman makompromiso ang PNOY administration?!

Akala natin e sina Chairman SixTONG este Sixto Brillantes at Commissioner Elias Yusoph lang ang walang delicadeza d’yan sa Comelec, aba ‘e meron pa palang iba.

Aba, ‘e, mag-PRACTICE naman kayo ng DELICADEZA!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *