KAILAN lang ay lalo pang tumanyag ang Resorts Worst ‘este’ World Manila dahil dito ginanap ang The Voice Philippines at ang naging grand winner nga ang mainstay performer nila na si Mitoy.
Pero mukhang imbes gumanda ang imahe ng ipinagmamalaking international hotel casino sa bansa na pag-aari ng isang Malaysian mogul, ‘e nababahiran ngayon ng ‘prostitusyon at droga’ ang imahe nito.
Ayon sa ating very reliable source, hinihikayat umano ng marketing agents mismo ng Resorts World Casino ang pagtambay sa Casino Mall ng mga ‘Class A’ booking girls (pokpok) para sa madaliang ‘bugawan.’
Simpleng-simple lang ang transaksiyon … tatambay sila sa Casino Mall at kapag mayroong customer ipatatawag sila para umakyat sa Maxim Hotel or Marriott Hotel.
VIP players from China at Korea an g madalas umanong customer ng marketing agents. Binibigyan pa ng ID ang bugaw para makapasok sa VIP.
Napaka-reliable ng ating source dahil ang ‘rumarampang’ bugaw ay walang iba kundi ang mga beteranong bugaloo na sina LETTY and BETTY.
Pati bugawan sa Resorts World ‘e hi-tech na rin …iPhone lang ang katapat, makapipili na ang Casino VIP players from China & Korea kung sino ang kanilang kursunada.
Pero hindi lang pala BEBOTSKY ang naibebenta ng marketing agents pati drugs meron na rin sila.
Last week, isang PM ng Resorts World ang nasibak, nabisto kasi na kahit naka-DUTY ay high na high sa drugs.
Nang imbestigahan (kuno), natuklasan na ang drug dealer ay ‘trustee’ ng management at may mataas na posisyon sa Resorts World na isang alyas E.Y. aka AYAW-AYAW.
Mismong sa opisina ng nasabing trustee nagkakaroon ng bentahan ng droga.
Minsan na raw nahuli ng Pasay police ang trustee ng Resorts World sa isang club d’yan sa Macapagal Blvd., dahil nagdala ng droga para ipagamit sa bar girls.
Na-high raw ‘yung bebot at nagsumbong sa manager kaya hayun isinumbong sa pulis.
Ang siste nakalaya rin si alyas E.Y. dahil inareglo ang mga lespu.
‘Yan lang naman po ang nangyayari ngayon sa Resorts Worst este World Casino.
Paging IACAT! Paging PDEA!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com