Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 47)

BIGLANG NABUHAYAN SI MANG PILO NANG MAKITA SI MAJOR DELGADO AT PAPAKYAWIN ANG TINDANG BALUT

May sumutsot sa magbabalut. “Balut!”

Biglang hinto sa paglalakad si Mang Pilo. Paglingon nito, nasa gawing likuran na si Major Delgado na sakay ng minamanehong owner-type jeep.

“Sir!” biglang umaliwalas ang mukha ng magbabalot.”Ilan, Sir?”

“Ilan pa ba ‘yang paninda mo?” ngiti ng opisyal sa pagtatanong.

“Naku, Sir, ‘andami pa… higit sa kalahati pa lang ang naibebenta ko,” kamot sa noo ni Mang Pilo.

“Halika, papakyawin kong lahat ‘yan,” seryosong sabi ni Major Delgado.

“T-totoo, Sir?”

“’Di ako nagbibiro…”

Inimbitahan si Mang Pilo na sumakay sa dyip ng opisyal ng pulis.

“Tayong dalawa ang uubos sa paninda mo,” ngiti uli ni Major Delgado, tumapik sa butuhang balikat ng magbabalut.  “Pero dapat, me panulak tayo.”

Pinatakbo ng opisyal ang dalang sasakyan.

“’Wag mo na ‘kong ihatid, Sir,” pitlag ni Mang Pilo sa unahang upuan ng sasakyan.

“’Di pa tayo uuwi…” ang maagap na tugon ni Major Delgado.

Dinala si Mang Pilo ng opisyal sa isang videoke bar.  Isang cubicle ang inokupahan ng magkasama.  Ang pagtataka ay isinatinig ng magbabalut.

“Ano’ng okasyon, Sir?”  anitong walang kakurap-kurap ang mga mata.

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …