Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Skyway, Mr.Bond wagi sa 4th leg Juvenile Stakes Race

Naging kapanapanabik ang huling yugto ng Juvenile Fillies at Colts Stakes race na pakarera ng Philippine Racing Commission sa tagpong naganap sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Linggo.

Muling pinasaya ni Hermie Esguerra ang kanyang mga tagahanga ng magwagi ang kanyang alagang si Mr. Bond matapos biguin ang mga kalaban sa  katatapos na 4th Leg Juvenile Colts Stakes race.

Tumataginting na P.9 milyon ang naiuwi ni Esguerra sa pagwawagi ni Mr.Bond matapos talunin ang paboritong si Matang Tubig ni Manny Santos, na pumangalawa sa laban habang pangatlo ang Young Turk at pang apat ang defending champion ni Cong Jici Lapus na River Mist.

Ang Mr.Bond ay pinatnubayan ni Jockey Jeff Zarate na sadyang nagbigay ng magandang laban sa Colts Division. Nagwagi naman ang Skyway laban sa katunggali nitong si Australian Lady sa tagpo ng 4th Leg Juvenile Fillies Stakes race matapos ang mahigpit na laban sa distansiyang 1,500 meters.

Pumangatlo ang defending champion na Up and Away habang pumangatlo ang Winters Tale.

Tumanggap din ng trophy at P.9 milyon ang Skyway.

Ang mga naturang nagwagi at contender sa Colts  at Fillies division ay maghaharap sa nalalapit na Juvenile Championship sa darating na Disyembre.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …