WALANG nakikitang rason si Pangulong Benigno Aquino III para balasahin ang kanyang gabinete dahil kontento naman siya sa performance ng mga opisyal.
Hindi rin sisibakin ni Pangulong Aquino si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, taliwas sa ulat na nakatakda siyang palitan ng isang Imelda Fernandez na sinasabing ‘bata’ ng isang maimpluwensyang religious organization.
Maayos ang pangangasiwa ni Henares sa BIR, partikular sa pangongolekta ng buwis.
Si Henares ay isa sa napaulat na kabilang sa grupong KKK (Kaklase, Kaibigan at Kabarilan ng Pangulo) na nabigyan ng magagandang puwesto sa administrasyong Aquino.
Binigyang-diin pa ng Punong Ehekutibo na tanging ang rigodon na ipinatutupad sa Bureau of Customs (BoC) ang pagbabagong isinasagawa sa burukrasya.
(ROSE NOVENARIO)