Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

20 patay, 50 sugatan sa karambola sa 8 sasakyan

102013 road acc102013 road acc 2

NAYUPI ang bus ng Superlines na sinabing nahagip ng container van kaya nawalan ng control at sumalubong sa iba pang sasakyan sa Atimonan, Quezon, kahapon ng madaling araw habang ipinila naman sa kalsada ang mga bangkay ng mga biktima para sa kaukulang disposisyon. (ALEX MENDOZA)

UMABOT sa 20 katao ang namatay sa karambola ng walong sasakyan sa Atimonan, Quezon province kahapon ng madaling araw.

Nagkalat sa lansangan ang katawan ng mga tao makaraang magsalpukan ang tatlong pampasaherong bus, tatlong truck, isang trailer at isang jeep.

Ilan sa mga bahagi ng katawan ng tao ay nagkalasog-lasog at nagkalat sa daan.

Bukod sa mga namatay ay umaabot din sa 50 ang sugatan sa insidente.

Nangyari ang insidente sa zigzag road sa Brgy. Sta. Catalina, ayon kay Atimonan police chief, C/Insp. Jomar Yupio.

Sa inisyal na imbestigasyon, papuntang Bicol ang bus ng Super Lines nang mawalan ng kontrol at binangga ang lahat ng sasakyang nakasalubong patungong Metro Manila.

Ayon kay Yupio, nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Super Lines.

“Base sa initial report, ang Super Lines ay papuntang Bicol region nang nawalan ng kontrol at tumama sa lahat ng nakasalubong papuntang Metro Manila,” wika ni Yupio.

Sinabi ng survivor na si Jason Villanueva na patungong Maynila ang bus na kanyang sinasakyan nang salpukin ng kasalubong na bus.

Napag-alaman din naaging pahirapan ang pagkuha ng mga awtoridad sa mga bangkay na inihilera sa kalsada.

Naging hadlang sa retrieval operation ang nayuping mga sasakyan sa lugar at sa nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Ang mga sugatan ay naisugod sa anim na ospital sa Quezon.

Napag-alaman na karamihan sa mga pasahero ay mula sa Bicol partikular sa lungsod ng Naga at Camarines Norte.

Napakabilis aniya ng takbo ng bus na sumalpok sa kanila.       (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …