Sunday , December 22 2024

171 death toll sa Visayas quake 1,581 aftershocks

UMABOT na sa 171 ang bilang ng mga namatay sa 7.2 magnitude na lindol, iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa kanilang 6 a.m. update, ayon sa NDR-RMC, 1,581 aftershocks na ang naitala simula nitong Martes, 29 ang malakas na naramdaman.

Sa 171 bilang ng mga namatay,  karamihan ay mula sa Bohol, ayon sa NDRRMC.

Kabilang dito ang mga residente ng mga bayan ng Cortes at Sagbayan, at bayan ng loon, na hindi mapuntahan makaraan ang lindol.

Sa 171 na namatay, 159 dito ay mula sa Bohol, 11 mula sa Cebu at isa sa Siquijor.

Umabot naman sa 375 ang sugatan habang 20 ang hindi pa natatagpuan.

Makaraan ang lindol

SINKHOLES SA BOHOL DUMARAMI

NAGBABALA ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Phivolcs sa mga residente ng Bohol na huwag galawin ang lumalabas  na  tubig sa ilang sinkhole na natukoy sa kanilang lugar.

Ayon sa MGB, sa inisyal nilang pag-aaral, kasama ang Phivolcs, lumalabas na phosphate liquid substance ito na maaaring maging mapanganib sa tao o kung mapupunta sa tubig ay posibleng magdulot ng fishkill.

Halos anim na sinkholes na ang nakita ng Phivolcs at MGB at ilan dito ay may lawak na hanggang 20 talampakan.

Paliwanag ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, normal ang pagkakaroon ng sinkhole pagkatapos ng lindol ngunit kung malalaki at marami ito ay mapanganib para sa publiko.

Paniwala ni Solidum, maaari pang madagdagan ang mga butas na ito sa lupa dahil tuloy-tuloy pa ang aftershocks.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *