Friday , May 16 2025

Dayuhang manlalaro ipagbabawal na sa UAAP

TULUYAN nang pagbabawalan ng University Athletic Association of the Philippines ang mga dayuhang estudyante na maglaro ng basketball simula sa taong 2015.

Ayon sa pangulo ng University of the Philippines na si Alfredo Pascual, halos lahat ng mga pamantasang kasali sa UAAP ay payag sa panukalang ito.

“The NCAA has already laid down the policy setting 2015, I think, as the start of the no recruitment of foreign players … I think it is but appropriate if we follow suit in the UAAP,” wika ni Pascual.

Ilan sa mga dayuhang manlalaro sa UAAP ngayon ay sina Karim Abdul ng University of Santo Tomas, Emmanuel Mbe ng National University, Charles Mammie ng University of the East at Ingrid Sewa ng Adamson University.

Inaasahang magpupulong ang UAAP board upang pag-usapan pa ang panukalang ito.

Kapag natuloy ang panukala, si Ben Mbala ng La Salle ay magiging huling dayuhan na papayagang maglaro sa liga.

“If we ever do that, we will give a time frame for the execution of the rules. Alam namin na halos lahat have already prepared their programs,” ani NU president Nilo Ocampo.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *