DAHIL sa mga bagong patakaran ng PBA tungkol sa pagpili ng Most Valuable Player, wala na sa kontensiyon para sa parangal ang rookie ng Alaska na si Calvin Abueva.
Ayon sa Operations Director ng PBA na si Rickie Santos, tanging ang mga nanalo bilang Best Player of the Conference na lang ang puwedeng manalo bilang MVP.
Nakuha ni Jason Castro ng Talk ‘n Text ang BPC sa Philippine Cup kasunod si LA Tenorio sa Commissioner’s Cup at Arwind Santos sa Governors’ Cup.
Nangunguna si Santos na may 30.3 statistical points habang kasunod si Tenorio na may 28.1 at Castro na may 26.8 naman.
Tanging Rookie of the Year na lang ang puwedeng kunin ni Abueva para sa PBA Leo Awards na gagawin bukas sa Mall of Asia Arena simula alas-6 ng gabi bago ang Game 4 ng PBA Governors’ Cup Finals sa alas-8. (James Ty III)