May posibilidad na hindi matuloy ang Hagdang Bato vs Crusis sa darating na pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) Ambassador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup sa bakuran ng Metro manila Turf Club sa Malvar,Batangas.
Sa kondisyon ni Hagdang Bato, bantulot ang kampo ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na ikasa sa Cojuangco Cup ang kanyang alaga.
Sadya nga yatang umiiwas si Abalos na makaharap si Crusis dahil higit na pinaghahandaan ng Hagdang Bato ang local race na Presidential Gold Cup ang pakarera ng Charity Sweepstakes Office.
Kahapon pinuntahan ko si Abalos paalis na siya matapos dumalo sa flag rising isang pahabol na tanong ang pinukol ng inyong lingkod kung handa na ba ilaban sa Cojuangco Cup si Hagdang Bato.
Matipid na sagot lamang ang iginanti ni Abalos “baka Hindi”.
Wala pa sa planong ni Abalos na iharap sa mabigat na laban si Hagdang Bato dahil higit na pinaghahandaan nito ang pagtatanggol sa korona sa Presidential Gold Cup.
Ang Cojuangco Cup ay may papremyo P2- Milyon na tatawid sa distansiyang 2,000 meters na bakas para sa lahat ng mananakbong local at imported.
Ang Presidential Gold Cup ay gaganapin sa buwan ng Disyembre na may distansiya 2,000 meter din na bukas lamang sa mga local runners.
Ni andy yabot