Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Totoy, nene minolestiya ng tiyuhin

LAGUNA – Arestado sa kagawad ng Pangil PNP ang 24-anyos lalaki makaraang ipagharap ng reklamo ng kanyang hipag matapos halinhinan molestiyahin ng maraming beses ang dalawa niyang pamangkin sa Sitio Gisgis, Brgy. Galalan, bayan ng Pangil, ng lalawigang ito.

Kinilala ni Senior Insp. Gerry Sangalang, hepe ng pulisya, ang suspek na si Gilbert Malto, alyas Kalbo, magsasaka, nagtangka pang tumakas ngunit agad din naaresto.

Itinago naman ang mga biktima sa pangalang Boy, 8, at kapatid na si Nene, 7, kapwa ng nasabing lugar.

Ayon kay PO3 Rhodora Ventenilla, dakong 9:30 a.m. kamakalawa nang maghain ng reklamo sa himpilan ng pulisya ang ina ng mga biktima na si Luz nang matuklasan ang naganap sa kanyang mga anak habang siya ay nagtatrabaho sa lalawigan ng Cavite.

Sinasabing sa bahay ng biyenan at ng suspek, kung saan iniwan ng ina, nangyari ang pangmomolestiya sa biktima habang pinanonood ng bold na pelikula.

Sa pahayag ni Boy, sapilitang ipinasok ng suspek ang ari sa kanyang puwitan na bagama’t masakit ay wala siyang magawa kundi umiyak na lamang. Habang ang batang babae naman ay dinadaliri umano ng suspek. Nangyayari aniya ito kapag wala sa bahay ang kanilang lola.

Dahil sa takot sa banta ng suspek, umabot ng dalawang buwan ang pangmomolestiyta ng suspek sa mga biktima hanggang magkaroon sila ng lakas ng loob na ipagtapat ito sa kanilang ina.

Kasalukuyan nang nakapiit sa Pangil PNP Locked Up Cell ang suspek. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …