Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 26)

SINABON NI MAYOR SI KERNEL AT MULING PAPLANUHIN ANG PAGLIGPIT KAY MARIO

Saka lang iniwan si Mario ni Delia na ayaw siyang pabayaang mapag-isa.

Maasim na maasim ang mukha ni Kernel Bantog sa pansasabon ni Mayor Rendez. Kulang na lang ay pagmumurahin ito ng galit na alkalde na panay ang dabog sa mesa, nagtatalsikan ang laway sa pag-aalsa boses. Kahit malakas ang buga ng malamig na hangin ng aircon ng pribadong tanggapan ng among pulitiko, ang mga pawis nito sa noo ay ga-munggo.

“Puro kayo palpak!” panduduro ni Mayor Rendez sa mukha ni Kernel Bantog. “Sa nangyari, imbis mawalan ng problema, nadagdagan pa!”

Napayuko ang hepe ng pulisya sa kinauupuan.

“Ano ngayon ang gagawin mo?” bulyaw kay Kernel ng alkalde na parang galit na cobra ang pangahang pisngi.

“Tutuluyan nating kasuhan ng rape-slay, Sir,” naikatwiran ni Kernel Bantog. “Pag nililitis na sa korte ang kaso, palalabasin nating nanlaban… nang-agaw ng baril. Tapos…”

“Masakit na’ng ulo ko, bahala ka na!” putol ng alkalde sa iba pang sasabihin ng hepe ng pulisya.

Parang tangang basta na lang iniwan si Kernel Bantog ng kausap.

Dobleng galit ang ipinakita ni Kernel Bantog aso-asuhang sarhento. (Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …