Thursday , November 14 2024

Pabrika ng plastic perhuwisyo sa mga residente ng Bustos, Bulacan (Attention: DENR Sec. Ramon Paje)

00 Bulabugin JSY
NAGTATAKA ang mga residente sa Barangay Catacte sa Bustos, Bulacan kung paanong nabigyan ng permit ang isang plastic factory sa kanilang area gayong residential at agricultural area sila bukod pa na isang beses lang nagsagawa ng public hearing sa mga residente.

Bukod sa hindi tamang ZONING, ang pabrikang PHIL KOR CORP., na pag-aari ng isang Koreano ay nagbubuga ngayon ng napakabahong amoy at labis na nakapeperhuwisyo sa mga residente.

Tatlong linggo pa lamang nag-o-operate ang PHIL KOR pero kapansin-pansin na karamihan sa matatanda at mga batang residente sa nasabing barangay ay nagkakaubo, nagkasipon, mayroong nagkahika habang ang iba naman ay nagkaroon ng malalang allergy at iba pa ay nasusuka at nahihilo.

Talagang grabe ang perhuwisyong inabot ng mga taga-Catacte dahil sa POLUSYON na ibinubuga ng pabrikang Phil Kor.

Ang nasabing pabrika ay nagre-RECYCLE ng mga lumang plastic na ginagawang batya, banyera, planggana at iba pang kagamitan na yari sa plastic.

Sa isang beses na public hearing, napapayag umano ang mga residente sa pagtatayo ng nasabing pabrika dahil tiniyak umano ng isang Engr. Noel ng nasabing kompanya na hindi maglalabas ng polusyon.

At bilang pampalubag-loob, ang mga residente na malapit sa naturang pabrika ay pinagbibigyan nila ng mga plastic na batya, banyera, palanggana at iba pang gamit sa bahay.

Inakala ng mga residente na magkakaroon pa ng inspeksiyon bago tuluyang payagang buksan ang nasabing pabrika pero nagulat na lang sila nang mamalayan nilang nag-o-operate na pala at naamoy na nila ang napakabahong amoy ng nilulusaw na plastic.

Dahil dito agad nilang inireklamo kay Barangay Chairman ADRIANO GUINTO ang operasyon ng nasabing pabrika pero patuloy umanong iginigiit ng isang Engr. Noel na ‘inayos’ na nila ang barangay.

Ipinagmamalaki rin umano ni Engr. Noel na protektado din sila ng mga tauhan ni DENR Region 3 Director AXIOM DISCOCHO.

Nanawagan ang mga residente ng Barangay Catacte kay Mayor ARNEL MENDOZA na masusing imbestigahan ang operasyon ng nasabing pabrika at agad ipasara kapag napatunayang labis na napeperhuwisyo ang kalusugan ng mga mamamayan gayondin ang kanilang kapaligiran.

Engr. Noel, huwag mong UBUSUIN ang pangalan ng mga opisyal sa Bulacan at baka MASILAT ka d’yan!

Tingnan natin ang POWER ng NAMEDROPPING mo!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *