Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1 patay, 15 sugatan sa bumaligtad na jeep sa SLEX

Isa ang patay at 15 ang sugatan matapos bumaligtad ang pampasaherong jeep sa southbound ng South Luzon Expressway Lunes ng umaga.

Agad nasawi si Gemma Asidre ng San Pedro, Laguna na nakaupo sa dulong bahagi matapos maipit ang ulo sa pagitan ng mga bakal ng jeep.

Hawak na ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang driver na si Elmer Delgado na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Salaysay ng driver, patungo silang Alabang mula Pasay City nang pumutok ang kanang gulong sa likurang bahagi ng jeep kaya naaksidente.

Natanggal na ang jeep pero nagdulot ito ng matinding trapik habang dinala sa ospital ang mga sugatang biktima.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad si Delgado at inihahanda na rin ang mga kasong isasampa laban dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …