Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yaya tiklo sa pagdukot sa batang alaga (Humingi ng P1-M ransom)

080714 arrest crime money pabuya

DAVAO CITY – Arestado ang isang yaya makaraan dukutin ang 2-anyos batang kanyang inaalagaan at humingi ng P1 milyon sa mga magulang ng biktima.

Kinilala ang suspek na si Marites Laxamana Magno, 23-anyos, residente ng Maitom, Sarangani Province.

Napag-alaman, inilabas ng suspek ang batang si Ashley kamakalawa ng umaga ngunit hindi na bumalik hanggang nakatanggap ng text message ang lola ng biktima na si Emeresiana Del, 62-anyos, residente ng Block 6, Lot 1, Apple St., Juliville Subdivision, Brgy. Tigatto Buhangin, Davao City.

Nakasaad sa naturang text message ng suspek ang paghingi ng P1 milyon bilang ransom.

Agad dumulog at humingi ng tulong sa mga awtoridad ang kaanak ng bata at mabilis na plinano ang paghuli sa suspek.

Ayon kay Supt. Manuel Pepino, OIC-DCPO director, mula sa P1 milyon ay pinakiusapan ng pamilya na ibaba sa P10,000 hanggang maging P1,000 na lamang ang naipadala.

Nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga establisimento na pinadalhan ng pera at napag-alamang na-withdraw ng suspek ang pera sa isang branch sa Babak, Island Garden City of Samal.

Nadakip ng mga kasapi ng Anti-kidnapping Crime unit sa entrapment operation Sasa wharf ang suspek nang pabalik na mula sa Samal.

P1-M NG MAG-ASAWA NATANGAY NG TANDEM

AABOT nang mahigit P1 milyong cash at personal na gamit ang natangay mula sa mag-asawang negosyante ng mga holdaper na riding-in-tandem habang lulan ng kotse sa kanto ng Plaridel-Pulilan Road, sakop ng bayan ng Plaridel sa Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Jeffrey Cruz, 38, at Eufrocina Cruz, 34, residente ng Brgy. Tukod, sa bayan ng San Rafael, sa nasabi ring lalawigan.

Ayon sa imbestrigasyong ng pulisya, sakay ang mag-asawa ng isang kotse at patungo sa bayan ng Bocaue makaraan mag-withdraw sa isang banko sa bayan ng Baliwag, nang harangin ang kanilang sasakyan pagsapit sa intersection ng nabanggit na daan.

Hindi nakapalag ang mag-asawa nang tutukan sila ng baril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at sapilitang kinuha ang dala nilang salapi kasama ang kanilang mga personal na gamit at pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi nabatid na direksiyon. (DAISY MEDINA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …