Sunday , June 30 2024
Dragon Lady Amor Virata

 ‘Yabang’ na serbisyo, ibigay sa mga nasunugan!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

ISANG trahedya ng sunog ang dinanas ng aking mga kababayan sa Cavite City na tinupok ng apoy ang napakaraming kabahayan.

Mga kawawang pamilya na apektado ang naroroon sa Ladislao Diwa Elementary School, nagpalipas ng magdamag, matapos maganap ang sunog araw ng Sabado.

Napakalakas ng hangin dahil malapit sa dagat, lumakad ang apoy sa ilang barangay na sakop.

Ngayon dapat patunayan ng mga kandidato sa nalalapit na eleksiyon ang kanilang ‘yabang’ na tutulong sa panahon ng kagipitan sa kanilang constituents.

Ngayon ninyo patunayan na meron kayong ibubuga sa serbisyo-publiko. Sa sariling bulsa kayo dumukot! Pagkain, damit at kumot ay mga pangunahing pangangailangan. Sa aking batchmates na nasunugan, lima sila, mga pamilya nila, nakikiramay po ako sa trahedyang naranasan ninyo.

CAVITE CITY ‘DI NA KILALA

Mistulang nawala na sa mapa ang Cavite City.

Noong Sabado kasagsagan ng nagaganap na sunog, sakop ang Caridad, Cavite City, inere ng isang reporter ng GMA-7 na ang sunog ay nagaganap sa Noveleta, Cavite City hindi po siyudad ang Noveleta, munisipalidad ‘yan.

Ang Cavite City ay siyudad! Sana naging resourceful ang reporter ng GMA-7, hindi basta ere nang ere sa TV.

About Amor Virata

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Bukod sa West Philippine Sea  
NCR, LUZON PENETRATED NA RIN NGA BA NG CHINA?

YANIGni Bong Ramos BUKOD sa West Philippine Sea (WPS), hindi nakapagtataka kung penetrated na rin …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Wanted ngayon: DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG gaano kabilis tinalikuran ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

Sipat Mat Vicencio

Sara mag-ingat sa pambobola ni Imee

SIPATni Mat Vicencio NGAYONG pormal nang nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang Secretary ng …

Sipat Mat Vicencio

Dapat bang suportahan ni Digong si Imee sa halalan 2025?

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ni Senator Imee Marcos at halatang ginagamit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang ‘mischievous’ na misis ng Pangulo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO mag-weekend, isang pahayag kontra kontrobersiya ang umalingawngaw mula …