Friday , July 19 2024

SAF hinikayat ni Cayetano para sa ‘transformative’ role sa bansa

PARA kay Senator Alan Peter Cayetano, maaaring makakuha ng inspirasyon ang ating mga kababayan mula sa Biblia kung paano makakamit ang tunay na pagbabago.

Ito ang mensahe ni Cayetano nang magsalita siya sa closing ceremony ng PNP-Special Action Force (SAF) Command Course Class 123-2023 kung saan inihawig niya ang salaysay sa Biblia tungkol sa pag-akay ni Moises sa mga Israelita palabas ng Egypt.

Iniugnay ito ni Cayetano sa konteksto ng PNP-SAF ngayon at sinabi na nananatili ang maraming hamon sa ating bansa.

“When the SAF was created, you were a transformative answer to the challenges of that era. [Yet] 40 years later, we are challenged not only by terrorism and crime, but we are still facing the mindset na hindi natin ito kaya,” wika niya sa event na ginanap nitong Biyernes, 22 Hunyo, sa Santa Rosa City, Laguna,

Nanawagan si Cayetano sa PNP-SAF na muling pagtibayin ang kanilang pangako bilang isang “transformative force” sa lipunan.

“Ipakita natin ang purpose natin, ang batas ay para sa lahat. No one will be left behind. Ang law enforcement ay hindi lang para sa inyo, kundi para sa bawat Filipino,” wika ng senador.

Kabilang si Cayetano sa mga nanumpa ng tungkulin at nagsuot ng black beret na simbolo ng kanilang dedikasyon na lumaban at mamatay para sa bansa. Aniya, patunay ito sa patuloy niyang pagsuporta at paninindigan kasama ang PNP-SAF.

“I’d like to make it a personal commitment to you today na ‘yung  kailangan ninyong sweldo, benefits — including educational, health insurance, at housing — ay dapat mas pagtibayin at ayusin ng gobyerno,” pangako ng senador.

“Because, yes, some of you will be mothers and fathers or already are, but you cannot be thinking of two things. You cannot be focusing on how to increase your finances and then focusing na 24/7 naka-duty kayo,” dagdag niya.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, sinabi ni Cayetano na isasapuso niya ang pangakong ginawa niya kasama ang puwersa.

“Thank you from the bottom of my heart. Malaman po masyado ang binasa ko sa inyong pledge. Ibabaon ko po ‘yon, iuuwi ko ‘yon. Every single time that I will stand up at the session hall, committee hearing, and everytime I am called to do my duty, I will remember that pledge to give honor to Class 123 of 2023 and to the SAF in general. God bless you!” wika ng senador. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

071824 Hataw Frontpage

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming …

071824 Hataw Frontpage

Sa ‘tungki ng ilong’ ng gov’t hospital  
UTAK NG ‘KIDNEY FOR SALE’ ITINANGGING HEAD NURSE PERO EMPLEYADO NG NKTI

ni ALMAR DANGUILAN INAMIN ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) na kanilang empleyado sa loob …

From Heart to Hand, Celebrating with Purpose and a Mission

From Heart to Hand, Celebrating with Purpose and a Mission

In a heartfelt act of compassion and generosity, Ms. Anna Donita S. Tapay transformed her …

Meet the mascots, SOLIDO and SCIGLAT

Meet the mascots, SOLIDO and SCIGLAT!

SOLIDO stands firm with the HANDA Pilipinas theme on Climate and Disaster resilience. It represents …

Bridging the Language Barries Translation Workshop ng Translation & Interpretation Division (BTA-BARMM), Matagumpay

Bridging the Language Barries: Translation Workshop ng Translation & Interpretation Division (BTA-BARMM), Matagumpay!

Matagumpay ang Bridging the Language Barries: Translation Workshop ng Translation & Interpretation Division (BTA-BARMM) na …