Friday , July 12 2024
shabu drug arrest

Umihi, nanapak ng parak
TRUCK HELPER HULI SA SHABU

PATONG- PATONG na kaso ang kinakaharap ng isang truck helper makaraang masita sa pag-ihi sa pampublikong lugar na madidiskubreng may dalang P34,000 halaga ng shabu matapos suntukin ang pulis na sumita sa kanya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Art 148 of RPC (Direct Assault) at paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang naarestong suspek na kinilalang si alyas Michael, 46 anyos, residente sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni P/Cpl. Christopher Quiao kay Valenzuela City police chief P/Col. Nixon Cayaban, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni Police Sub-Station 1 Commander P/Capt. Ronald Malana sa kahabaan ng West Service Road, Brgy. Parada, natiyempohan nila ang suspek na umiihi sa pampublikong lugar dakong 4:00 ng hapon.

Dahil paglabag ito sa umiiral na ordinansa ng lungsod, nilapitan siya ni P/SSgt. Maniling para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ngunit imbes makinig ay biglang sinuntok ng suspek ang pulis saka tumakbo.

Tumulong sa paghabol si P/SMSgt. Jigger hanggang maaresto nila ang suspek at nang kapkapan, nakuha sa kanya ni P/SSgt. Maniling ang isang pouch na naglalaman ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 5 grams at may katumbas na halagang P34,000. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

knife saksak

 ‘Iska’ hinoldap, sinaksak sa UP Diliman

SUGATAN ang isang iskolar ng bayan (ISKA) nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper nang …

071024 Hataw Frontpage

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng …

Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling …

shabu drug arrest

P.27-M halaga ng shabu kompiskado, most wanted, manunugal, arestado

NAGSAGAWA ng serye ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakompiska …

Online Sexual Exploitation of Children OSEC

4-anyos nene nangapitbahay, minolestiya ng apat na totoy

NAHAHARAP sa krisis ang pamilya ng isang 4-anyos nene na biktima ng pangmomolestiya ng apat …