Monday , October 18 2021
TUCP, MAG, Rodrigo Duterte, Sara Duterte
TUCP, MAG, Rodrigo Duterte, Sara Duterte

TUCP, MAG, umalma sa palpak na gov’t (Suporta sa mag-amang Duterte bokya)

HATAW News Team

RAMDAM sa buong mundo ang hagupit ng CoVid-19 pandemic, ngunit hindi ito dapat gawing palusot ng adminsitrasyong Duterte sa nararanasang virus surge sa Filipinas resulta ng kahinaan ng gobyerno.

Kapwa inihayag ng labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at health group na  Medical Action Group (MAG), mayroong pondo  para sa ayuda at pambili ng medical supplies ngunit hindi nakararating sa tao dala na rin ng korupsiyon at kapabayaan ng administrasyon.

“Eto ang problema ngayon. Kulang na nga ng ayuda, marami ang walang trabaho, may trabaho man pero underemployed, kulang ang sahod, kulang ang oras ng pagtatrabaho. No’ng nag-lockdown, kulang ang ayuda, hindi sapat. Iba-iba, magkakaiba ang listahan ng DSWD, LGU at barangay. Ang daming issues, maraming challenges para sa mga manggagawa lalong lalo sa panahon ngayon – ang ating gobyerno especially ‘yung nasa Executive department at sa Senado, nagkakagulo. Hindi sila magkasundo” paliwanag ni TUCP Spokesperson Allan Tanjusay  na inaming “dissatisfied” ang majority ng hanay ng mga manggagawa sa Duterte administration.

Gayondin ang sentimiyento ni MAG Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana, aniya, nakababahala ang pinakabagong surge ng virus. Sa 22,000 daily cases ay nakatatakot magkaroon ng pag-collapse sa healthcare system na sinundan pa ng mass resignation ng healthworkers.

“Napaka-ironic, tayong bansa na kilala sa buong mundo bilang highest or the biggest supplier of nurses in the world and second biggest supplier of doctors in the world ay nagsa-suffer ngayon sa kakulangan.”

Pinuna  ni Fajutagana na nagagawa ni Pangulong Duterte na iutos na wala nang bidding sa pagbili ng bilyong medical supplies na pumapabor sa malalapit na kaibigan ngunit pagdating sa benefits ng heath workers ay ang daming rason.

“Bakit nade-delay ito samantala sa isang click lang ng finger ni President Duterte ay nare-release ‘yung bilyones para sa isang purchase ng PPE na inamin mismo ni Presidente Duterte na walang bidding dahil siya mismo ang nag-order. Ibig sabihin kung kaya niyang gawin ‘yun, ganoon lang pero bakit hindi magawa para sa ating health frontliners” ani Fajutagana.

Iba’t ibang trade union workers din ang nagsama- sama para wakasan na ang Duterte era, ito ay kasunod ng inaasahang pagtakbo sa 2022 presidential election ni Davao Mayor Sara Duterte.

Iginiit ng grupong Alliance of Labor Leaders for Leni Robredo at Labor Agenda na hindi na papayagan ng taongbayan na ipagpatuloy ni Mayor Sara ang kapalpakan ng kanyang ama, malinaw umano na kung ito ang mauupo ay parehas na kalbaryo sa loob ng  anim na taon din ang sasapitin ng mga Filipino.

“Workers do not deserve to suffer six more years of the same brand of politics. The reign of Duterte and his minions must come to an end,” pagtatapos ng grupo.

About hataw tabloid

Check Also

BI detainee ipina-deport kahit may pending RTC case?!

BULABUGINni Jerry Yap ANO raw kaya itong napipintong pasabog tungkol sa isang detainee ng Bureau …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga …

Quezon Province

Gob ‘sabit’ sa dinukot na ‘saksi’ sa heinous crime (‘Biktima’ gustong suhulan)

MULING mahaharap sa panibagong kasong kriminal si Quezon Province Gov. Danilo Suarez matapos ituro ng …

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

Leave a Reply