Friday , November 22 2024

Sports

Bati na sina Arum at De La Hoya

KITANG-KITA na natin ang karakter ni Floyd Mayweather Jr. Asahan mo kapag kapag pinupuri niya sa mga press release ang kanyang makakalaban na boksingero—alam niyang mananalo siya sa laban. Kailangan kasi niyang pabilibin ang mga fans na mahirap ang laban niya kaya iniaangat niya ang kalidad ng kalaban.   Sa ganoon nga namang paraan—tiyak na hindi siya mabobokya sa pay-per-view at …

Read More »

Cariaso bagong coach ng Ginebra

KINOMPIRMA ng assistant coach ng San Mig Super Coffee na si Jeffrey Cariaso na siya na ang bagong head coach ng Barangay Ginebra San Miguel. Ito’y reaksyon sa ulat ng website ng SLAM Magazine Philippines tungkol sa bagay na ito. Si Cariaso ay isa sa mga may-ari ng  nasabing magasin sa ilalim ng kanyang kompanyang Titanomachy. Papalitan ni Cariaso si …

Read More »

Air 21 dadalawahan ang San Mig

TWO-ZERO bentahe and hahabulin ng Air 21 kontra San Mig Coffee sa kanilang muling pagtatagpo sa Game Two ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinal series mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Sinilat ng Express  ang Mixers, 103-100 sa series opener noong Martes para sa kanilang  ikatlong sunod na impresibong panalo. Pumasok ang Air …

Read More »

Anthony masaya sa Air21

MASAYA si Sean Anthony sa kanyang kinalalagyan ngayon sa Air21. Nakuha ng Express si Anthony mula sa Talk n Text kasama si Eliud Poligrates kapalit ni KG Canaleta at mula noon ay naging maganda ang ipinakita ng Fil-Am forward sa kanyang bagong koponan. Nagtala si Anthony ng career-high 29 puntos para dalhin ang Express sa 103-100 panalo kontra San Mig …

Read More »

Blackwater interesado kay Taulava

NAGPAHAYAG ang team owner ng baguhang koponang Blackwater Sports ang pagnanais nitong kunin si Asi Taulava para sa una nitong kampanya sa PBA sa susunod na season. Ayon sa team owner ng Elite na si Dioceldo Sy, makakatulong si Taulava para maging malakas ang Blackwater dahil hindi pinayagan ng PBA na direktang iakyat ang ilang mga manlalaro nito mula sa …

Read More »

Winter’s Tale nakadehado

NAKADEHADO ang kalahok na si Winter’s Tale na sinakyan ni Toper Tamano sa naganap na “PHILRACOM Summer Racing Festival”. Sa unang dalawang kuwartos ay hinayaan muna ni Toper na magkabakbakan sa harapan sina Joeymeister, Handsome Prince, Matang Tubig at Malaya. Pagpasok ng ultimo kuwarto ay ginalawan na niya si Winter’s Tale, kaya pagsungaw sa rektahan ay buong-buo sila na rumemate …

Read More »

San Mig vs Air 21 (Game One)

KARANASAN ang magiging pangunahing sandata ng San Mig Coffee laban sa gutom ng Air 21 sa kanilang pagkikita sa Game One ng best-of-five semifinal round ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 8 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Ang Mixers, sa ilalim ni coach Tim Cone ay nagkampeon sa huling dalawang torneo ng PBA. Sa …

Read More »

Taulava, Anthony naghati sa PoW

DALAWANG manlalaro ng Air21 ang  napili ng PBA Press Corps bilang Players of the Week para sa linggong Abril 21 hanggang 26. Nakuha nina Asi Taulava at Sean Anthony ang nasabing parangal dahil sa kanilang kontribusyon sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup kontra San Miguel Beer kung saan dalawang beses na tinalo ng Express ang Beermen upang umabante sa semifinals. …

Read More »

Psycho

MATAPOS na  maungusan ng Rain Or Shine ang Meralco, 97-96 sa overtime upang makausad sa semifinals ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s cup noong Sabado ay humingi muna ng paumanhin si coach Joseller “Yeng” Guiao sa mga taong kahit paano’y naapektuhan at nasaktan nang tawagin niyang ‘Mongoloid’ si Cliff Hodge ng Bolts. Ang insidente ay naganap sa dulo ng Game …

Read More »

Mga illegal na Bookies ng karera tuluyan ipatigil at ang ang kaligtasan basketball tournament

Muling lumobo ang bentahan sa takilya ng mga Off-Track-Betting Stations (OTB) ng ipatigil ang mga ILLEGAL BOOKIES sa loob ng Maynila. Malaking epekto sa sales ng tatlong karerahan dito sa ating bansa kung nag-ooperate ang mga ILLEGAL BOOKIES ng mga kilalang Gambling Lord sa Maynila. Ang karamihan na mananaya sa karera ng kabayo ay sa illegal bookies tumataya dahil binibigyan …

Read More »

Floyd wala na sa hulog — Media

PAGKARAANG dominahin ni Manny Pacquiao si Timothy Bradley nitong buwan ng Abril sa MGM Grand sa Las Vegas para manalo via unanimous decision—muling nagpalabas ng pahayag si Floyd Mayweather sa media  sa naging performance ni Pacman. Ayon kay Floyd, pinanood niya ang laban ng dalawa at bahagya siyang na-impressed sa naging laro ni Manny. “Congratulations: [Pacquiao] was the better man,” …

Read More »

Taulava: Hindi pa ako laos

SA PANALO ng Air21 kontra San Miguel Beer sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup, pinatunayan ni Asi Taulava na kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga mas batang sentro sa liga. Noong Biyernes ay nagtala si Taulava ng 16 puntos, siyam na rebounds at tatlong supalpal para dalhin ang Express sa dramatikong panalo kontra sa Beermen upang umabante sa semifinals. …

Read More »

Air21, Blackwater sasabak sa Dubai

KINOMPIRMA ni Air21 head coach Franz Pumaren kahapon na lalaro ang kanyang koponan sa 2014 Dubai Invitationals na gagawin mula Agosto 20 hanggang 27 sa Dubai, United Arab Emirates. Makakalaban ng Express ang iba pang mga club teams mula sa Malaysia, China, South Korea, Japan, Lebanon at India. “This will be an integral part of our preparation (for next season). …

Read More »

Buking si Floyd

TAMA ang kasabihan na ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig. Habang daldal nang daldal at depensa nang depensa itong si Floyd Mayweather Jr. tungkol sa pag-iwas niya kay Manny Pacquiao—lalo siyang nadidiin. Kung noong una ay lagi nang may dahilan itong si Floyd para maiwasan si Pacman na hindi nagmumukhang duwag—ngayon ay buking na buking na siya. Pagkaraang dominahin …

Read More »

Armoury naitala ang ikaanim na panalo

Naitala ang ikaanim na panalo ng kabayong si Armoury at hinete niyang si Cris Reyes nung isang gabi sa pista ng SLLP. Sa largahan ay mabilis na umarangkada ang kanilang tambalan dahil sa angking tulin na namana sa kanyang mga magulang na sina Stone God at Spear Heads. Pagsungaw sa rektahan ay inalalayan na lamang ni Cris ang kanyang sakay …

Read More »

Alaska, Meralco handa sa game 2

PINAGHANDAAN ng Alaska Milk at Meralco ang resbak ng mga kalaban sa magkahwalay  na Game Two ng best-of-three quarterfinals ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Makakatunggali ng Aces ang San Mig Coffee sa ganap na 5:45 pm samantalang maghaharap uli ng Bolts ang Rain Or Shine sa 8 pm main …

Read More »

Martial Arts ilalarga

INAASAHANG dadagsa  ang tinatayang aabot sa 1,000 kababaihang atleta at sports enthusiasts sa World Trade Center sa Pasay City bukas para sa kauna-unahang Women’s Martial Arts Festival. Layuning makahikayat ng mga Pilipina na sumali sa sports, ang one day event na tatakbo mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Magsisilbing demo sport at tatampukan ng kompetisyon at clinics sa …

Read More »

Pinay gymnast umusad sa Youth Olympics

ISA pang Pinoy ang nakasikwat ng tiket para sa gaganaping 2014 Summer Youth Olympics matapos ang matikas na kampanya sa Junior Asian Championship Artistic Gymnastics kamakailan sa Tashkent, Uzbekistan. Umarya para sa pinakamalaking torneo tampok ang mga batang atleta na may edad 16-anyos pababa si US-trained Pinay Ava Verdeflor, kasalukuyang No.1 junior gymnast ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP), …

Read More »

PacMan lalaro sa Kia?

INAMIN ni PBA Media Bureau head Willie Marcial na tinanggap ng opisina ng liga ang ilang mga tawag tungkol sa ulat na umano’y lalaro ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao para sa baguhang Kia Motors na isa sa tatlong bagong koponan sa liga sa susunod na season. Ngunit walang maibibigay na sagot ang PBA tungkol sa bagay na ito. …

Read More »

Barbosa 2nd place sa Bangkok Chess

SUMALO sa unahan si Pinoy GM Oliver Barbosa matapos makipaghatian ng puntos kay super GM Francisco Pons Vallejo sa ninth at final round sa katatapos na 14th Bangkok Chess Club Open 2014 sa Thailand. Nagtala sina No. 4 seed Barbosa (elo 2580) at top seed Vallejo (elo 2693) ng Spain ng parehong 7.5 puntos matapos ang kanilang 17 moves ng …

Read More »

Pinoy GMM makikilatis sa Extreme Memory Tournament

MAKIKILATIS sa isang bigating torneyo ang tatlong Grandmasters of Memory (GMM) ng bansa na sina Mark Anthony Castaneda, Erwin Balines at Johann Abrina. Naimbitahang lumahok ang tatlo sa Extreme Memory Tournament 2014 sa Abril 26-27 sa Dart Neuroscience Convention Center, San Diego, California. Makakaharap nila ang mga top mind athletes ng mundo kabilang ang world No.1 na si Johannes Mallow …

Read More »

Nakangiti si Jarencio

SA dulo ng elimination round schedule ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s cup ay kitang-kita na nagi-improve naman ang performance ng Globalport sa ilalim ni coach Alfredo Jarencio. May ilang mga laro na muntik na silang manalo subalit kinapos sa endgame o kaya ay naubusan ng suwerte kung kaya’t nanatiling winlesss sa unang walong games nila. Pero bago natapos ang …

Read More »

SMB kontra Air 21

NAIS ng San Miguel Beer na makaiwas sa playoff kung kaya’t itotodo nito ang lakas kontra Air 21 sa kanlang sagupaan sa  PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ang Beermen ay may 7-2 karta at sumesegunda sa Talk N Text na nagtapos nang may 9-0. Sa ilalim ng tournament rules, …

Read More »

Freeman magiging problema namin — Guiao

INAMIN ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao na mahihirapan ang kanyang koponan sa pagsagupa nito kontra Barangay Ginebra San Miguel sa huling araw ng eliminations ng PBA Commissioner’s Cup sa darating na Linggo, Abril 20. Ang larong ito ay magiging unang pagsabak ni Gabe Freeman para sa Gin Kings bilang bagong import kapalit ni Josh Powell. llang beses …

Read More »

GM Gomez sumiksik sa unahan

NAGWAGI si Pinoy GM John Paul Gomez habang nabigo naman si GM Oliver Barbosa sa round four sa nagaganap na 14th Bangkok Chess Club Open 2014 sa Thailand Lunes ng gabi. Sinaltik ni No. 6 seed Gomez (elo 2524) si IM Aleksandar Wohl (elo 2355) ng Australia matapos ang 25 moves ng Pirc upang manatiling malinis sa apat na laro. …

Read More »