TUTUGISIN ng Air 21 at Barangay Ginebra ang ikalawang panalo kontra magkahiwalay a karibal sa PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City . Magkikita ang Express at Barako Bull sa ganap na 2:45 pm at magsasagupa ang Gin Kings at Meralco sa ganap na 5 pm. Ang Air 21 ay nanalo …
Read More »Pagbenta ng Air21 sa NLEX tsismis lang – Alvarez
KUNG si Air21 board governor Lito Alvarez ang tatanungin, hindi pa aalis sa PBA ang Express. Nagbigay ng reaksyon si Alvarez tungkol sa umano’y pagbenta ng prangkisa ng Air21 sa North Luzon Expressway (NLEX) para sa susunod na PBA season. Hindi pa kasi binabayaran ng NLEX ang P100 million franchise fee sa PBA at binigyan ito hanggang sa Hunyo 7 …
Read More »Blatche handa na sa pagdating sa Pilipinas
MALAPIT na ang pagdating ng sentro ng Brooklyn Nets na si Andray Blatche sa Pilipinas upang maging naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas. Bumisita si Blatche sa Philippine consulate sa New York City noong isang araw upang pumirma ng sworn affidavit na inaprubahan ni New Jersey notary public Cynthia Raia. “My intention is to mingle with Filipinos and embrace the …
Read More »So umarangkada sa live rating
UMALAGWA ang live rating ni Pinoy super grandmaster Wesley So kaya paniguradong aakyat ang kanyang world ranking pag inilabas na ng FIDE ang rating lists sa Hunyo. May standard rating na 2731 ang 20 anyos na si So subalit ang kanyang live rating ay pumalo sa 2744.4 matapos sungkitin ang titulo sa 49th Capablanca memorial 2014 na ginanap sa Havana, …
Read More »Mr. Tatler kinailangan ng alarm clock
Ayon sa aking mga nakausap na BKs sa ilang OTBs at maging sa website ng mga karerista ay sobrang hirap na talagang makipagsapalaran sa karera ngayon, lalo na kung ang koneksiyon ay naghahari sa isang pista na gamit ang iba’t-ibang pangalan pero iisa lang ang may-ari na nasa likod. Gaya na lamang nung isang beteranong klasmeyt natin na nakatabi ko …
Read More »RoS kontra SMB
IKALAWANG sunod na panalo ang puntirya ng Alaska Milk kontra sa Globalport sa PLDT Home Telpad PBA Governors Cup mamayang 5:45 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Magbabawi naman sa kanilang kabiguan ang Rain Or Shine at San Miguel Beer na magtutuos sa ikalawang laro sa ganap na 8 pm. Tinalo ng Acers ang Beermen, 94-87 noong Linggo …
Read More »Laban ni Donaire mapapanood sa ABS-CBN
Isang mas determinadong Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. ang makikipagbakbakan sa “Featherweight Fury” ng Top Rank Promotions sa Cotai Arena ng The Venetian Macao-Resort-Hotel na ipapalabas via special telecast ng ABS-CBN sa Linggo (June 1) ganap na 10:15 AM. Hahamunin ni Donaire (32-2) ang kampeong si Simpiwe “V12” Vetyeka (26-2) para sa World Boxing Association (WBA) featherweight title ni …
Read More »Sprint tournament
DALAWANG kabiguan kaagad ang sinapit ng Meralco Bolts sa unang tatlong playdates ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup. Naungusan sila ng Barako Bull sa kanilang unang game noong Linggo. At noong Miyerkules ay dinaig sila ng Talk N Text, 105-99. Ang Governors Cup ay tinaguriang isang ‘sprint’ tournament kasi maikli nga ang ang elimination round nito. oo’t pareho lang …
Read More »San Mig vs Barako Bull
ITATABI na muna ng San Mig Coffee ang pagod at ang pagdiriwang at pagtutuunan ng pansin ang pagtugis sa Grand Slam sa pagkikita nila ng Barako Bull sa PBA Governors Cup mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Magbabawi naman sa kabiguang sinapit sa nakaraang conference ang Talk N Text sa pagkikita nila ng Meralco Bolts sa …
Read More »Blatche pupunta sa Senado
NANGAKO si Gilas Pilipinas coach Vincent “Chot” Reyes na dadalo sa Senado ang sentro ng Brooklyn Nets na si Andray Blatche na nais na kunin bilang naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas. Sa hearing ng Senate Committee on Sports and Recreation noong Lunes, sinabi ng mga Senador sa pangunguna nina Jinggoy Estrada, Bam Aquino at Sonny Angara na dapat pumunta …
Read More »Malaking kawalan si Cariaso sa San Mig
MALAKING bagay din para sa San Mig Coffee at kay head coach Tim Cone ang pagkawala sa coaching staff ni Jeffrey Cariaso na ngayon ay nasa Barangay Ginebra San Miguel na. Si Cariaso ay ninombrahan bilang head coach ng Gin Kings kapalit ni Renato Agustin simula sa kasalukuyang Governors Cup. Isang malaking promotion ito para kay Cariaso na walong conferences …
Read More »Pacers isinukbit ang game 1
SINANDALAN ng Indiana Pacers ang kanilang home-court advantage kaya naman naka-una sila sa Game 1, Eastern Conference Finals ng 2013-14 National Basketball Association, (NBA) kahapon. Kumana ng 24 puntos at pitong assists si Paul George upang kaldagin ng Pacers ang two-time defending champions Miami Heat, 107-96. ‘’This is just a fun matchup,’’ wika ni forward George. ‘’It’s one that we’ve …
Read More »Ginebra kontra Globalport
DALAWANG dating imports ang muling magpapakitang-gilas sa magkahiwalay na laro ng PBA Governors Cup mamayang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ipaparada ng Rain or Shine si Arizona Reid sa duwelo nila ng Air 21 sa ganap na 5:45 pm. Sasandig naman ang Globalport kay Leroy Hickerson sa laban nila ng Barangay Ginebra San Miguel sa 8 pm …
Read More »So kampeon sa Capablanca tourney
NALAMPASAN ni Pinoy super grandmaster Wesley So ang 10th at final round kahapon upang sungkitin ang titulo sa naganap na 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba. Hindi nagtagal sa upuan si 20-year old So (elo 2731) dahil isang mabilis na draw ang naging labanan nila ni GM Zoltan Almasi (elo 2693) ng Hungary. Umabot lang sa 12 moves ng …
Read More »Yap ‘di makapaniwala na siya ang MVP
WOW! Salamat! Iyan ang mga unang katagang namutawi sa labi ni James Yap matapos na ideklara ng PBA Press Corps sa pangunguna ni secretary Waylon Galvez (na nagdiwang ng kanyang birthday noong Biyernes) na siya ang napiling Holcim Most Vauable Player of the Finals ng katatapos ng PBA Commissioner’s Cup noong Huwebes. Nagulat si James sa pangyayari. Hindi siya handa, …
Read More »Kid Molave, malaya magkakasubukan
Sa kabila ng hindi kagandahan sa arangkadahan at makailang beses din na nasalto ay nalusutan ang lahat ng iyan ni jockey John Alvin B. Guce para maipanalo ang kabayong si Kid Molave sa unang leg ng 2014 PHILRACOM “Triple Crown Stakes Race” (TCSR) na naganap nung isang hapon sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Kaya naman ang lahat …
Read More »So pinasuko ang Cuban GM
PINAYUKO ni super grandmaster Wesley So si Cuban GM Leinier Perez Dominguez kahapon upang mapalakas ang tsansa na makuha ang titulo sa nagaganap na 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba. Pinisak ni Pinoy woodpusher So (elo 2731) ang top seeded na si Dominguez (elo 2768) sa 64 moves ng Sicillian English Attack upang ilista ang 5.5 points at masolo …
Read More »Gerald Anderson inisnab ang laro sa Filoil
HINDI sumipot ang aktor na si Gerald Anderson sa laro ng kanyang koponang Holy Trinity College kontra University of the Philippines kahapon sa Filoil Flying V Pre-Season Premiere Cup sa The Arena sa San Juan. Ayon sa head coach ng Wildcats na si Pol Torrijos, may biglaang iskedyul ng taping si Anderson para sa kanyang teleseryeng Dyesebel ng ABS-CBN si …
Read More »Kia makikipag-usap sa PBA (Tungkol kay Pacquiao)
PORMAL na hihiling ang Kia Motors sa PBA para pagbigyan si Manny Pacquiao na makapasok nang libre sa liga bilang playing coach ng baguhang koponan na sasabak sa darating na PBA season. Sinabi ng team manager at business manager ni Pacquiao na si Eric Pineda na magpapadala siya ng sulat kay Komisyuner Chito Salud para makipagpulong sila sa Board of …
Read More »Ibaka ‘di lalaro sa West Finals
SASABAK ang Oklahoma City Thunder sa Western Conference Finals subalit hindi naman nila makakasama sa basketball court ang pambato nilang power forward na si Serge Ibaka. Nagkaroon ngt injury si Ibaka nang talunin nila ang Los Angeles Clippers, 104-98 sa Game 6 sa nagaganap na National Basketball Association (NBA) second round playoffs. Left calf injury isang grade 2 sprain ang …
Read More »NCAA may bagong iskedyul
SIMULA ngayong taong ito ay magkakaroon ng bagong iskedyul ang mga laro ng National Collegiate Athletic Association (NCAA). Gagawin ang mga laro ng men’s basketball tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes mula alas-12 ng tanghali at alas-2 ng hapon samantalang mga laro sa juniors basketball ay gagawin tuwing alas-10 ng umaga at alas-4 ng hapon. Bukod dito ay magkakaroon ng isang …
Read More »ABL walang koponang Pinoy
KINOMPIRMA ng isang opisyal ng ASEAN Basketball League na walang koponan mula sa Pilipinas ang lalaro sa bagong season ng liga na magbubukas sa Hulyo. Ayon sa nasabing opisyal, kapos na sa panahon ang ABL para kumbinsihin ang mga kompanya sa Pilipinas para magkaroon ng koponan sa nasabing regional league. Naging kampeon sa ABL ang San Miguel Beer noong isang …
Read More »So kapit tuko sa unahan
DALAWANG magkasunod na tabla ang sinulong ni Pinoy grandmaster Wesley So upang manatili sa unahan matapos ang round 7 ng nagaganap na 49th Capablanca Memorial 2014 sa Havana, Cuba kahapon. Nakapagtala ng 4.5 points si So (elo 2731) papasok ng eighth round habang solo sa segundo puwesto si top seed Leinier Perez Dominguez (elo 2768) ng Cuba. Tabla ang laro …
Read More »San Mig balik-trabaho (Pagkatapos ng Commissioner’s Cup)
SANDALI lang ang magiging selebrasyon ng San Mig Super Coffee pagkatapos na magkampeon ito sa katatapos na PBA Commissioner’s Cup. Ito’y dahil sasabak muli sa aksyon ang Super Coffee Mixers sa Governors’ Cup kontra Barako Bull sa Mayo 21. Tatangkain ng tropa ni coach Tim Cone na idepensa ang kanilang titulo sa huling torneo ng PBA ngayong ika-39 na season …
Read More »Gerald Anderson lalaro sa Filoil Tourney
KINOMPIRMA ng head coach ng Holy Trinity University ng General Santos City na si Pol Torrijos na lalaro sa kanyang koponan ang aktor na si Gerald Anderson sa susunod na laro ng Wildcats kontra University of the Philippines sa Filoil Flying V Pre-Season Premiere Cup sa Sabado, Mayo 17, sa The Arena sa San Juan. Ayon kay Torrijos, dating manlalaro …
Read More »