Thursday , June 4 2026

Abueva Player of The week

110514 calvin abueva

ISANG dahilan kung bakit nangunguna ngayon ang Alaska Milk sa team standings ng PBA Philippine Cup ay ang mala-halimaw na laro ni Calvin Abueva.

Naging susi si Abueva sa dalawang sunod na panalo ng Aces kaya siya ang napili ng PBA Press Corps bilang Player of the Week para sa linggong Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2.

Noong Martes ay naging bayani si Abueva sa 100-98 na panalo ng Alaska kontra Talk n Text dahil sa kanyang tira kasabay ng busina.

Nagtala siya ng 26 puntos at 22 rebounds sa larong iyon.

At noong Biyernes ay tumagal lang ng sampung minuto si Abueva kontra Meralco ngunit sapat ang kanyang sampung puntos, dalawang rebounds at isang agaw sa 105-64 na pagmasaker ng Aces kontra Bolts.

Naga-average si Abueva ng 19 puntos, 9.3 rebounds at 1.6 assists bawat laro kaya tabla ang Alaska sa San Miguel Beer sa liderato sa torneo na parehong may tatlong panalo at walang talo.

Maghaharap ang Aces at Beermen mamayang gabi.

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …