Wednesday , December 17 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Sikat na personalidad sa Tate sumasailalim ng chemotherapy

COMPASSIONATE (mapang-unawa)—sa halip na sympathetic—ang tono ng aming kuwento tungkol sa isang sikat na babaeng personalidad na balitang nakikipagbuno sa sakit na kanser. Nitong taon lang kasi na-detect na nasa mataas na stage na pala ang kanyang karamdaman. Palibhasa may kaya kung kaya’t sa ibang bansa siya sumasailalim ng chemotherapy. Gayunman, hindi sagabal ang kanyang sakit sa pagsipot sa mga …

Read More »

Konsiyerto ng TOP Boy Band, kasado na

MAGKAKAROON ng first anniversary major concert ang kauna – unahang Grand Winner ng reality boyband search na T.O.P via T.O.P (Top One Project)  in Concert sa October 28, 8:00 p.m. sa Music Museum na magiging panauhin sina Aicelle Santos at Kim Domingo. Ang Top Boyband ay binubuo nina Mico Cruz, Miko Manguba, Adrian Pascual, Louie  Pedroso and Joshua Jacobe na …

Read More »

Mark, ‘di na raw magdo-droga

“AYAW ko ng tumira ng droga!” Ito ang pahayag ni Mark Anthony Fernandez pagkaraang mahulian umano ng isang kilong Marijuana. Maaalalang dati ng nangako si Mark Anthony na hindi na muling gagamit ng ipinagbabawal na gamot noong mga panahong palabas na ito sa pagkaka-rehab na ang kanya mismong amang si late Rudy Fernandez ang nagpa-rehab sa kanya. Taong 2004 nang …

Read More »

Sisi, ‘wag ibunton kay Osang

Rosanna Roces

BUONG akala yata ni Rosanna Roces ay off the hook o iwas-pusoy siya kahit itinanggi niya sa kanyang Facebook account ang pagiging kabit umano ng convicted drug lord sa NBP na si Vicente Sy. Maliwanag na kasong human trafficking ang kahaharapin ni Osang sa pag-aming nagdadala siya roon ng mga bayarang babae para sa kanyang parokyano. Pero huwag din sanang …

Read More »

Mark, inihabilin ni Rudy kay Jinggoy

HINDI na kataka-taka kung isa sa mga naunang sumaklolo kay Mark Anthony Fernandez nang madakip ito ng mga awtoridad sa Pampanga kamakailan ay si Senator Jinggoy Estrada. Si Jinggoy ang nag-provide ng abogado para kay Mark who, at the time of arrest, ay walang legal counsel. Bukod sa inaanak din ni Jinggoy, inihabilin pala ng matalik nitong kaibigang si Rudy …

Read More »

Pagsasama nina Kim at Gerald, tuloy pa rin

HOW true na pinalamig lang ang mga basher ni Kim Chiu at mga KIMXI na hindi pabor na magsama sa isang proyekto sina Gerald Anderson at Kim? Ayon sa source, hindi pa raw siya umuurong sa balik-tambalan nila ni Gerald. Tuloy pa rin daw ang KimErald sa isang serye? May changes din daw sa cast dahil pinalitan na rin daw …

Read More »

Maja, may ka-text na nagpapaligaya ng kanyang puso

WALANG bitterness si Maja Salvador sa napapabalitang pagdi-date ngayon nina Bea Alonzo at ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson. Hangad daw niya ang ‘happiness’ ng bawat tao lalo na kay Bea. Wala raw siyang karapatan na pigilan ito. Hindi raw ba siya nasasaktan? “Kung hindi pa ako naka-move on, siguro na-hurt ako. Pero it’s been what? It’s been almost two years. …

Read More »

Zanjoe at Sam, nagmakaawa sa kani-kanilang GF

UMAMIN sina Zanjoe Marudo at Sam Milby na minsan ay nagmakaawa rin sila sa mga girlfriend nila na sila na lang ulit. Hindi na binanggit ni Zanjoe kung sino ‘yun pero nasabi niyang ‘ngayon lang’ kaya obvious na si Bea Alonzo ‘yun. Pero naka-move on na si Zanjoe dahil aniya, bumalik na ulit ang puso niya. Meaning nasa normal siyang …

Read More »

Ang ma-nominate kaming 3 nang sabay-sabay ay katumbas ng isang tropeong pagkapanalo — Sylvia

POST ni Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook account noong Linggo ng hapon, “Ang ma-nominate ako ay isa ng malaking karangalan as Best Supporting Actress (‘Ningning’), pero ang ma-nominate ako na kasabay pa ang mga anak ko na sina Arjo as Best Supporting Actor (‘FPJAng Probinsyano’) at Ria Atayde as New Female Actress (‘Maalala Mo Kaya’) ay katumbas ng isang tropeong …

Read More »

Jen, handang hintayin ni Dennis (Kahit 6 na taon bago magpakasal)

FINALLY, inamin na ni Dennis Trillo na willing siyang maghintay kay Jennylyn Mercado kapag handa nang magpakasal ang aktres. Sa launching ng Ultimate album ni Jennylyn under Ivory Records ay tinanong namin kung kailan niya planong mag-asawa at sinagot niya ng, ‘6 years or more?’ Naikuwento namin kay Jennylyn ang sinabi ni Dennis na willing siyang maghintay sa kanya at …

Read More »

Pauline Cueto, kakanta ng theme song ng Radyo Nobela

NAKA-CHAT ko kahapon ang talented na recording artist na si Pauline Cueto at masaya niyang ibinalita na naging viral ang kanyang cover songs ni Michael Jackson. “Happy po ako, nag-viral po kasi ako sa Filipino Vines. First time din po ito nangyari na mag-viral po sa mas open pa na crowd. Eto po yung nag-cover ako ng I Just Can’t …

Read More »

Joshua Garcia, pinuri ang galing sa seryeng The Greatest Love

MARAMI ang pumupuri sa galing na ipinapamalas lately ng young actor na si Joshua Garcia. Naging bahagi siya ng pelikulang Barcelona na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Siya rin ang gu-maganap na apo ni Sylvia Sanchez sa TV series na The Greatest Love. Sa dalawang proyektong nabanggit, parehong positive ang feedback sa kanyang acting. Bukod sa pagiging guwapings, …

Read More »

3 Taiwanese, Chinese patay sa Pampanga

NATAGPUANG patay ang isang Chinese national at tatlong hinihinalang Taiwanese nationals sa dalawang bayan ng Pampanga nitong Martes ng umaga. Bandang 6:30 a.m. nang makita ng isang magsasaka ang bangkay ng isang babae at dalawang lalaki sa madamong bahagi ng megadike sa Brgy. Dolores, Bacolor, Pampanga. Nakabaon ang kalahati ng katawan ng isang bangkay, naka-packaging tape ang mga paa at …

Read More »

De Lima, 7 pa kinasuhan ng drug trafficking

nbp bilibid

SINAMPAHAN ng kasong drug trafficking o paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Department of Justice (DoJ) si Senator Leila De Lima dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Base sa 62-pahinang reklamo na inihain ni Volunteer Againts Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez, sinabi niyang ginamit …

Read More »

Pamangkin ni De Lima inaresto ng NBI

NBI

KINOMPIRMA ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pag-aresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Jose Adrian Dera alyas Jad de Vera. Ayon kay Aguirre, inaresto si Dera kamakalawa ng gabi sa isang hindi tinukoy na lugar sa Quezon City at kasalukuyang nasa kustodiya na ng NBI para sa interogasyon. Inaresto siya dahil sa mga kasong …

Read More »

Ronnie Dayan ipinaaaresto ng Kamara (NBP probe muling bubuksan)

IPINAAARESTO na ng House committe on justice si Ronnie Dayan, ang sinasabing bagman at dating driver-bodyguard ni Senator Leila de Lima, makaraan ang bigong pagdalo sa pagdinig sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons. Ang hakbang ay pinangunahan ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas at ito ay sinuportahan ng 12 mambabatas. Noong Oktubre 1, pinadalhan ng subpoena si Dayan …

Read More »

Negosyong ‘karne’ ni Osang sa Bilibid inamin ni Sy

INAMIN ng high-profile convict na si Vicente Sy nitong Lunes ang pagdadala ng kanyang kaibigang si Rossana Roces ng mga babae sa New Bilibid Prison (NBP) para sa kanya at sa ibang kapwa preso. Ginawa ni Sy ang pag-amin sa harap ng House inquiry kaugnay sa sinasabing illegal drug trade at iba pang anomalya sa loob ng national penitentiary. Nitong …

Read More »

Mark Anthony inilipat na sa Pampanga Provincial Jail

INILIPAT na sa Pampanga Provincial Jail ang aktor na si Mark Anthony Fernandez. Ito’y kasunod ng apela ng kampo ni Fernandez na ilipat siya sa provincial jail dahil siksikan ang mga preso sa Angeles District Jail na dating pinagkulungan sa kanya. Nasa 20 preso lang ang kapasidad ng Angeles District Jail ngunit nasa 102 ang nakakulong dito. Naaresto kamakailan ang …

Read More »

Dalagita hinabol ng gumagalang ‘killer clown’ (Sa Ilocos Sur)

VIGAN CITY – Nagdulot ng takot sa mga residente ang pinaniniwalaang paghabol ng isang naka-custome ng clown sa isang babae sa Brgy. Ayusan Norte, Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa. Ayon kay Brgy. Kagawad Bernard Dasugo, chairman ng committee on peace and order sa naturang barangay, pauwi na ang biktima galing sa panonood ng volleyball tournament nang may nakita siyang nakaupo …

Read More »

3,600 tserman, 6,000 pulis sa narco-list

NAGPAAWAT si Pangulong Rodrigo Duterte kay National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagpapalabas ng narco-list. Ayon sa Pangulo, hindi muna niya mailalabas ang narco list na nagsasangkot sa ilang indibidwal sa operasyon ng illegal drugs dahil hinihintay pa niya ang clearance na ilalabas ng national security na kasalukuyang bumubusisi sa listahan. Sinabi ng Pangulong Duterte, sa oras na bigyan na …

Read More »

Aktor sugatan, 1 pa patay sa tandem

MASUSING iniimbestigahan ng Pasig City Police kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagbaril sa aktor na si John Wayne Sace at kasamahan niya kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Pasay. Patuloy na inoobserbahan sa Rizal Medical Center si Sace na tinamaan ng bala sa bewang makaraan barilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Sagad, Pasig City. Habang binawian ng buhay …

Read More »

Pribatisasyon ng gov’t hospital ikakansela

KAKANSELAHIN ng Malacañang ang lahat ng kontratang pinasok ng administrasyong Aquino na magsaspribado sa mga pampublikong pagamutan sa buong bansa. Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Palasyo, paninindigan ng gobyernong Duterte ang pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. Mantsado aniya ng kaipokritohan ang administrasyong Aquino na ipinangalandakan ang slogan na nagsilbi sila sa “laylayan ng lipunan” o ang …

Read More »

‘Pinas, hindi magmamakaawa sa ayuda ng US at EU — PDP Laban

NANINIWALA si PDP Laban National Capitol Region Policy Group head at Membership Committee NCR chairman Jose Antonio Goitia na makakakaya ng Filipinas kahit alisin ng United States at European Union ang kanilang multi-lateral assistance sa bansa kung tutol sila sa kasalukuyang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa krimen at ilegal na droga. “Buo ang pananalig ng PDP Laban na …

Read More »