Saturday , June 15 2024
Rosanna Roces

Sisi, ‘wag ibunton kay Osang

BUONG akala yata ni Rosanna Roces ay off the hook o iwas-pusoy siya kahit itinanggi niya sa kanyang Facebook account ang pagiging kabit umano ng convicted drug lord sa NBP na si Vicente Sy.

Maliwanag na kasong human trafficking ang kahaharapin ni Osang sa pag-aming nagdadala siya roon ng mga bayarang babae para sa kanyang parokyano.

Pero huwag din sanang ibunton ang sisi kay Osang. Kung walang nagpapapasok sa kanya sa bilibid (dahil may ibinibigay na “pampadulas” sa mga nakatalagang jail guard), wala sanang naipupuslit na human commodity doon.

Kasuhan din dapat ang mga kawani ng NBP na pumapayag na labas-masok lang doon si Osang.

Hindi na bago ang mga babaeng nakalulusot sa kanilang entry sa mga piitan. May balita noon na habang nakabilanggo ang isang male personality ay malayang nakadadalaw ang kanyang nobyang aktres.

Na ewan kung dalaw lang ang pakay ng babae, o maaaring sinasamantala niya ang panahong wala siyang “dalaw” (regla) kaya puwede siyang magpa-chorva!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …

Joshua Garcia Carlo Aquino Charlie Dizon

Joshua hinanap sa kasal nina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED Rni Rommel Gonzales REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *