Friday , November 22 2024

Opinion

Bakit si ER lang?

ITO ngayon ang reaksyon ng supporters ng pinatalsik na Laguna Governor na si “ER” Ejercito, pamangkin ni Manila Mayor Erap Estrada. Si ER ay pinatalsik ng Commission on Election sa kasong “overspending” noong nakalipas na eleksyon matapos siyang kasuhan ng kanyang kalaban sa politika sa Laguna. Ang pagpatalsik kay ER ay pinagtibay pa ng Korte Suprema sa desisyong 12-0 ng …

Read More »

Ready na ba si Binay umatras?

TATANGGAPIN kaya ni Binay ang katotohanang bumabagsak na ang kanyang popularidad sa masang Pilipino at suntok sa buwan na lang ang ambisyon niyang maging pangulo ng bansa. Ito ang tiyak na kakaharaping problema ni Binay dahil siguradong babagsak pang muli ang kanyang popularity rating sa mga susunod na survey matapos magwagi at mapaniwala ang nakararaming mamamayan sa pinagsasabi nina Senador Alan …

Read More »

Bagong obispo ng IFI

MAY bagong obispo ang Diyosis ng Kalakhang Maynila ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) sa katauhan ni Rt. Rev. Bartolome Esparter matapos siyang mahalal sa posisyon kamakailan. Si Obispo Espartero ay may doctorate sa kursong Divinity at siyang ikatlong Obispo Diyosesan ng Kalakhang Maynila. Pinalitan niya si Obispo  Gregorio De los Reyes, anak ng tagapagtatag ng simbahang IFI na si Isabelo De …

Read More »

OWWA maasahan ba talaga?

ISA sa dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno ay kung ano ang napapakinabangan  ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kung titingnan ay puro lang yata press release at walang magandang rating ang kanilang serbisyo. Sila na rin mismo ang nagsasabi na ang ating OFWs ay matatawag na buhay na bayani dahil milyon-milyong dolyares …

Read More »

Sen. Miriam, isa kang pagpapala… Palasyo/DBM buko!

AKALA siguro ng Palasyo ay kakampi na nila si Madame Senator Miriam Defensor. Maling-mali ang Palasyo sa pag-aakala kaya mabuti na lamang at nandiyan ang terror este, deretsong senator ng masa, si Defensor. Hayun sa pamamagitan ni Sen. Defensor nabuko ang estilong bulok o planong pandurugas ng Palasyo sa mamamayan sa pamamagitan ng Department of Budget Management (DBM). Batid ng …

Read More »

Korupsiyon mas matinding kalamidad ng ’Pinas

SA PAGLILIBOT sa Tacloban City habang inaalala ang pagbayo ng bagyong Yolanda, maraming karaniwang tao ang dumaraing sa hindi mailarawang kalamidad. Libo-libong buhay ang nawala, bilyon pisong impraestruktura at produktong pansakahan ang napinsala at hindi mabilang na pamilya ang nagsarkipisyong magkawatak-watak upang mapagtagni-tagni ang kanilang dignidad. Ngunit paniwalaan-dili, kapag tinanong mo ang mga taong nasa kalsada—ang tricycle dri-vers, cigarette vendors, …

Read More »

Mga ‘Palusot’ na gamot sa balikbayan box bantay-sarado ng Customs

ALAM ba ninyo mga suki and prens, kung bakit ang mga dumarating na mga balikbayan shipments or boxes ay nagiging under alert ng Customs? Ito ay dahil sa mga nahuhuling ipinagbabawal na gamot at prohibited or restricted medicines sa loob ng balikbayan boxes. Most of the balikbayan boxes na dumarating from aboard ay talagang may inihahalong assorted medicines for personal …

Read More »

5 regions niraket ni Alias Jimmy Gunban!

MAY karapatang mag-alboroto at magalit si Customs Deputy Commissioner Jesse Dellosa sa isang alias JIMMY GUNBAN. Biruin n’yo ba namang suyurin ni GUNBAN ang limang rehiyon sa ilalim ng Bureau of Customs (BOC) para sa pera-pera operations gamit ang pekeng Mission Order (MO) mula sa BOC Intelligence Group. Ang modus operandi ng grupo ni Gunban ay manakot ng mga may-ari …

Read More »

Malabong magkasundo ang mga Marcos at Aquino

SUNTOK sa buwan ang pinapangarap ni Senador Bongbong Marcos na pakikipagkasundo sa pamilya Aquino partikular kay Pangulong Noynoy, kaisa-isang anak na lalaki ni Tita Cory at Ninoy. Ito ang katotohanang dapat nang tanggapin ng sambayanan at ng mga Marcos dahil hindi ordinaryong kasalanan ng bawat isang pamilya sa isa’t isa. Sa parte ng mga Aquino, buhay ang naging kapalit ng …

Read More »

QCPD, “Diamond Jubilee” na and still alive para sa bayan

PARANG kailan lang nang italaga ako bilang police reporter sa Quezon City Police District (QCPD). Taong 1991 nang una akong tumapak sa QCPD na dating Central Police District Command (CPDC). Si Tata Romy (Gen. Romeo San Diego) yata ang Ditrict Director noon o ‘di kaya si Gen. Rodolfo “Lakay” Garcia. Bilang isang bagitong police beat reporter noon, marami-rami tayong naging …

Read More »

Hindi pa tapos ang laban sa Ozone?

MARAMI ang nagbunyi nang lumabas ang desisyon ng Sandiganbayan na guilty sa kasong graft ang pitong dating opisyal ng Quezon City at dalawang negosyante, kaugnay ng sunog na tumupok sa Ozone Disco noong Marso 18, 1996. Ang trahedya sa Ozone Disco sa Timog Avenue, Quezon City ay isa sa pinakagrabeng insidente ng sunog na naganap sa ating bansa. Ang bilang …

Read More »

IO Aldwin Pascua, ano ang authority mo na ‘mamitas’ ng id ng NCLSSA personnel at AVSEC guard!? (Attn: BI Comm. Fred Mison)

MUKHANG may ‘kalalagyan’ talaga ang pamumuro ang bagitong Immigration Officer na ang lakas mag-power trip. Nakarating na kay Bureau of Immigration – Airport Operation Division (BI-AOD) acting chief, Julius Cortes ang reklamo ni MIAA AGM-SES ret. Gen. Vicente Guerzon, Jr., laban sa isang Immigration Officer na walang iba kundi si IO Aldwin Pascua. Sonabagan!!! Ikaw na naman!? Ang reklamo ni …

Read More »

Binay out, Erap in sa 2016?

HABANG pababa nang pababa ang trust ratings ni Vice President Jojo Binay, bunga ng mga akusasyon ng katiwalian laban sa kanya at kanyang pamilya, lumilitaw ang scenario na si impeached President at ex-convict plunderer Joseph “Erap” Estrada na lang ang tatakbong presidente sa 2016. Oo, ito umano ang “Plan B” ng partido nina Binay at Erap na United Nationalist Alliance …

Read More »

BOC Depcomm Intel Ret. Gen. Jess Dellosa may paninindigan!

MARAMI ang humanga at nagpapasalamat kay Customs DepComm. Jess Dellosa dahil ipinakita niya na talagang walang sinisino kahit malapit sa kanya kapag siya’y nagkamali gaya na lang sa pagpapasibak niya kay Jarvis Cinchess sa BOC-IG. Ito’y dahil sa talamak na pangongolekta ng tara sa mga importer at broker. Hindi natin sinasabing totoo ito pero dahil sa ginawang pagmamanman ng grupo …

Read More »

Garin dapat magbitiw

MAY palagay ako na dapat magbitiw sa puwesto si Acting Health Secretary Janette Garin matapos ang walang ingat walang at pakundangang pagbisita niya kamakailan sa mga sundalong nasa quarantine sa isla ng Caballo. Kahit anong paliwanag ni Garin ay malinaw na mukhang hindi niya isinaalang-alang ang kapakananan ng bayan nang siya ay pumunta sa Caballo kasama si AFP Chief of …

Read More »

Impeachment ‘wag gawing prioridad

TOL si Valenzuela City 1st District Congressman Sherwin “Win” Gatchalian sa plano ng ilang kongresista na magsampa ng impeachment complaint sa Mababang Kapulungan ng Kongreso laban kay Vice President Jejomar Binay. Ayon kay Gatchalian sa halip na impeachment ay nararapat na mas tutukan ng Kongreso kung paano paaangatin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mabusising pagtalakay sa 2015 national …

Read More »

Sa isla dapat nakakulong ang drug lords!

TUMPAK ang ulat ng ABS/CBN TV Patrol na sa kabila ng pagkakakulong sa National Bilibid Prison (NBP) ng sentensiyadong drug lords ay malaya pa rin silang nakapagtatransaksyon ng ilegal na droga sa labas ng piitan. Ito’y dahil malaya silang nakagagamit ng communication gadgets sa loob para sa kanilang mga kontak sa labas. Ang siste ng transaksyon: Ang bibili ng droga ay …

Read More »

50 Pinoy musicians sa HK, pinahirapan sa pag-epal ni Erap

  HINDI na nga nakatulong, nakasama pa sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ang ginawang pag-epal ng damuhong ousted president at convicted plunderer na si Joseph “Erap” Estrada sa isyu ng Luneta hostage drama. Ginamit niya ang insidente bilang destabilisasyon sa administrasyong Aquino at upang makapangolekta ng P110 milyon sa mga negosyanteng Tsinoy sa ibinayad na “compensation” sa mga …

Read More »

PCSO ‘di dapat ipamahala sa politiko

MALI ang gagawing hakbang ni Pangulong Noynoy Aquino sakaling magdesisyon na maglagay ng isang politiko sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito ang isa sa pinakamasamang desisyon siguro na magagawa ng Pangulo dahil mababahiran ng politika ang serbisyo publiko na ibinibigay ng PCSO. Alam naman nating ang PCSO ay itinatag para maglingkod sa mga kapos palad at hindi sa mga politiko …

Read More »

Nangangalingasaw

NANGANGALINGASAW ang amoy ng mga palikuran sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bukod pa sa saksakan ng init kahit sa hatinggabi. Ito ang n aranasan ng inyong lingkod sa aking pagbabalik sa ating bayan mula sa iba-yong dagat. Halos lahat ng mga kasabay kong manggagawang Pilipino ay nasuya at hindi mapigilang ikumpara ang ating paliparan sa mga …

Read More »

The Condo King

labuHINDI lang pala overpriced, hacienda at bidding-biddingan king, pwede na rin palang tawaging ‘condo king’ si Vice President Jejomar Binay batay sa mga inihayag ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa Senate hearing. Ayon kay Mercado, hindi lang umano sa overpriced building at bidding-biddingan namumunini ang mga Binay. Gumagamit din umano ng dummies ang mga Binay para sa condominium …

Read More »

Kaepalan isantabi para sa sambayanan

HINDI naman siguro tanga at lalong hindi naman bobo sina Department of Health Acting Sec. Jante Garin at AFP Chief of Staff, Gen. Catapang at sa halip ay magagaling na opisyal ang dalawa. Kaya nga sila pinagkakatiwalaan ng Pangulong Noynoy. Iniupo ang dalawa sa pinakamagarbong upuan ng kani-kanilang departamento dahil sa tiwalang malaki ang kanilang maitutulong sa bansa. Pero ano …

Read More »

‘Fix-cal?’

NAKALULUNGKOT isipin na ang mala-impiyernong braso ng katiwalian ay mukhang umabot na nga sa ating mga piskal, tulad nang nakita sa pagkakaaresto kamakailan sa isang prosecutor sa entrapment operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI). Sinunggaban ng mga ahente ng NBI si Quezon City Assistant Prosecutor Raul Desembrana habang tumatanggap ng P80,000 marked money mula sa abogado ni …

Read More »