Tuesday , August 9 2022

Talamak na droga sa Dasmariñas, Cavite dapat nang tuldukan!

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG dapat nang mag-tandem ang mag-asawang Mayora Jenny Barzaga at Representative Elpidio “Pidi” Barzaga para labanan ang lumalalang pagkalat ng illegal na droga sa kanilang bayan, Dasmariñas, Cavite.

Mismong ang 39-anyos na apo na ni Congressman Barzaga kasama ang apat na iba pa ang natimbog ng mga awtoridad habang nagpa-pot session sa isang bahay sa Dasmariñas, Cavite.

Lima katao, nahulihan ng siyam (9) na sachet ng shabu?!

User lang ba ‘yan? O baka naman sumisistema  at nagtutulak na ang mga ‘yan.

Maraming kapitbahay o kalugar ang natatakot sa inaasal ng apo ni Mayor at Congressman dahil tuwing malalasing o mababangag sa droga, talagang naghahasik umano ng kaguluhan sa kanilang komunidad.

Kumbaga, hindi na binigyan ng kahihiyan ang kanyang lolo at lola na nagkataong punong lungsod at mambabatas sa kanilang lugar.

Sa huling balita, nakapiit na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang apo ng mga Barzaga.

Pero gusto nating linawin kung dito na magwawakas ang proliperasyon ng illegal na droga sa Dasmariñas sa pagkakakulong ng apo ng mga Barzaga.

Ibig sabihin, talamak na talaga ang walang pinipili ang salot na droga.

‘Yan po ang gutso nating sabihin sa inyo.

Kapag ‘nagtrabaho’ ang demonyong sindikato ng ilegal na droga, wala silang pipiliing biktima — lalaki at babae o LGBT; mayaman o mahirap; bata o matanda; may trabaho o wala; politiko o hindi; buo o wasak na pamilya; at baka nga kahit sa loob ng simbahan ay nakapapasok ito?!

Ganyan po kasama ang illegal na droga. Para itong tubig na kayang tumagos kahit saan.

Alam nating mabigat na tungkulin ang pagtataboy sa illegal na droga sa isang komunidad dahil tiyak maraming dugo ang dadanak.

Pero, kung ganyan na mismong ang sariling pamilya na ng mga namumuno sa isang komunidad ang nabibiktima ng droga, hindi pa ba sila kikilos?!

Ano sa palagay ninyo Mayora Jenny and Congressman Pidi?!

Panahon na para paigtingin ninyo ang laban kontra ilegal na droga!

Starlet with no manners

AKALA natin, arte lang ‘yung mga kabalahuraang  ipinakikita ng starlet na si RR Enriquez sa isang comedy show sa telebisyon.

‘Yun bang kabalahuraan gaya ng pambu-bully o ginagawang katatawanan ang isang tao gaya ng ginawa nila sa isang pasahero ng FX UV Express at kanilan pang i-post sa kanyang facebook at instagram.

Ayon mismo kay RR, ini-post lang niya dahil gusto niyang magpatawa.

Gawin ba namang katatawanan ang isang taong naghahanap ng tulog mula sa maghapong pagod sa pagtatrabaho?!

Nalimutan yata ni RR ang kasabihang — magbiro sa lasing, huwag lang sa bagong gising?!

Hay naku RR, marami nang tumimbuwang dahil sa pagbibiro sa mga bagong gising.

Buti ikaw at ang kasama mong isa pang balahura ay na-bash lang sa social networking site, ‘yung iba D-O-S talaga as in dead-on-the-spot.

Nag-sorry naman si RR at inamin naman niya ang kanyang pagkakamali sana’y ay tanggapin na ito ng kanyang mga basher.

Sana’y magsilbing aral na ito sa kanya at sa iba pa na mahilig gumawa ng ganitong klaseng pambu-bully.

Sabi nga, “some people can buy their own cars… but class can never be bought and breeding is never for sale.”

Laspag na laspag na ang LRT

KANINANG umaga mga 11am yata ‘yun sumakay ng LRT ang asawa ko papuntang EDSA Rotonda station. Tatlong beses daw tumirik ang LRT 1 una sa D. Jose station, pangalawa sa Central Terminal station, pangatlo bago dumating ng V. Cruz. Punong-puno raw ang LRT halos magkapalit-palit na sila ng mukha. ‘Yan naman talaga ang tunay ng pagkalaspag ng mga tren ang overloaded wala nang iba. Kahit saan anggulo natin tingnan ‘yun ang dahilan. Halimbawa kotse brand new ang tama sakay n’yan 4 lng o 5 di ba? Kung sasakyan mo ng 10 sa araw-araw di ba malalaspag agad? Buwisit! Juan po. #+63909481 – – – –

Aroganteng barker/konduktor ng jeep sa Star Mall Crossing

GOOD am po sir. D2 po sa Star Mall Crossing, me kondoktor ng jeep biyaheng Cardona, Crossing ilalim Star Mall, ang pangalan ng jeep ay NANAY LITA, kulay green po un jeep, bigla n lang po nagalit un kondoktor sa pasaherong lalaki na wala nman pong dahilan, habang cya ay nagpapasakay ng pasahero ay kinakalampag nya ang gilid ng jeep at nagmumura pa pag d umaayos ng upo ang pasahero, para wala ng gulo pinababa nlang un lalaki, nagbibigay ng tikit na babae, tama po ba ang inasal ng kondoktor ng jeep sa pasahiro, sana mabasa ito ng operator ng jeep, kahapon po e2 naganap sa Star Mall. ‘Wag npo ninyo ilagay ang c.p. no. #ko

#+63915355 – – – –

1602 ni alias Nardo Putik sa Pro-3

Putok na putok sa Pampanga ngayon, ang hari ng crooked gambling na color games at dropballs na si alias ‘Nardo Putik’ sa Sitio Casava sa San Matias, Sto. Tomas, Pampanga. Katakot-takot ang lamesa ng sugalan ang ipinalatag ni Nardo Putik sa teritoryo ni Pampanga Gov. Lilia Pineda.  

Alam na kaya ng officer-in-charge ng PNP sa Region 3 na nagkalat rin sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pampanga ang sugal na color games at dropballs ni alias Nardo Putik na ang mga capitalista ay sina Boy Lim, Michael Taba at Normang Topak?

Fyi C/Supt. Ronald Santos,pabisita mo sa mga tauhan mo ang bayan sa Cassava, San Ma-tias sa Sto. Tomas, Pampanga; San Jose, San Fernando, Pampanga; sa Cabalantian, Bacolor, Pampanga at ang nasa Barangay Pirig sa Mexico, Pampanga.

Ayos!

Reklamo sa MPD PS-2

Sir Jerry, ireklamo po namin ang mga tauhan ni MPD PS2 Col. Jack Tuliao na wala po ginawa kundi mangbangketa ng mga huli nila dito po sa Asuncion Divisoria. Ganun din po ang mga lakad ng mga operatiba ng Delpan PCP sa Parola compound sir. Sana turuan ng leksyon ni MPD DD kernel Rolando Nana ang mga Pulis niya sa Divisoria. #+63916818 – – – –

MPD-DPIOU nagpapakilala na raw?

Sir for info, nagpapakilala na ho ang grupo ng MPD-DPIOU under ng MPD-DID Intel Division sa mga source of income sa Maynila. May go-signal kaya ni Director Nana ‘yan? Bagyo daw kc cla sa city hall. #+639183375 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Dragon Lady Amor Virata

Walang paradahan, hindi puwedeng bumili ng sasakyan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGING epektibo kaya ang inihaing panukala ni dating speaker …

Sipat Mat Vicencio

Tibay ni Carding

SIPATni Mat Vicencio SA GITNA ng nagsasalimbayang unos at maladelubyong sitwasyon sa loob ng Malacañang, …

Leave a Reply