Monday , August 8 2022

Napakalaking private army ang ibubunga ng BBL

00 pulis joeyTADHANA na siguro ang nagtakda sa #fallen SAF 44 para mabunyag sa publiko ang nilalaman ng isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito’y masasabi natin na medyo paghiwalay ng ilang bayan sa Mindanao sa ating Konstitusyon at pamumunuan ng mga opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Bubuwagin nito ang dating nilikhang Automous Region for Muslim Mindanao (ARMM) na dating pinamunuan ng Wanted ngayon na si Nur Misuari ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa BBL, ang MILF country ay magkakaroon ng sariling pulisya, sariling Commission on Audit sa kanilang revenue, sariling Comelec, sariling korte, etc… na maaring lumikha ng napakalaking private army sa bansa.

Sabi nga ng mga eksperto sa batas at Konstitusyon, iligal itong pagkakabalangkas sa BBL. Hindi anila ito dapat payagan ni PNoy. Dahil malaking gulo daw ito kapag nagkataon.

Kaya naman sa pagkakabulgar ng mga nilalaman ng BBL, umangal ang marami, bagay na mag-atrasan ngayon ang maraming mambabatas, pati ang co-authors nito ay nagsi-withdraw tulad nina Senador Bongbong Marcos at Alan Peter Cayetano.

Dahil hindi naman ako abogado, wala gaanong alam sa mga batas at ang tanging pinakikinggan ay ang ating puso at damdamin ng mamamayan, hindi rin ako pabor sa BBL.

Kung talagang kapayapaan ang hangad ng MILF, ibaba nila ang kanilang mga armas at mamuhay ng mapayapa tulad ng mga Kristiyano at ibang relihiyon sa Mindanao.

Dahil habang nanggugulo ang mga private army tulad nga nitong MILF, MNLF, BIFF, Abu Sayyaf ay hindi makapapasok ang mga proyekto ng gobyerno at investors sa bahaging ito ng Pilipinas.

Ang tunay na kapayapaan ay ang pagbaba ng mga armas, paglusaw sa private armies. Yakapin ang mga batas ng Pilipinas at walang dadanak nadugo. Yan ang PEACE!

Sa BBL, sa tingin ko ay walang mapapalang peace hangga’t nakatutok ang mga baril ng organized private armies na ito.

At sa BBL, lalong mawawalan ng kapangyarihan ang gobyerno na arestuhin ang mga terorista o wanted sa batas na nagtatago sa teritoryo ng MILF at MNLF.

NO to BBL!!!

Pakinggan natin ang damdamin ng mamamayan: Sinungaling ang kumander ng MILF

– Ka Joey, napanood ko sa breaking news report: Ayon sa commander ng MILF, nakasalubong nila ang mga SAF na nagtatago sa maisan at binaril daw ng SAF ang dalawang kasamahan ng MILF kaya daw nagkaputukan. Imposible talagang mangyari iyon. Kung sa tulay palang yong mga MILF at nagkaputulan na, bakit walang patay sa tulay? Hindi na makaporma yong MILF kung sa tulay sila, imposible. Malaking kasinungalingan yan. Ang makaopagtestigo dyan ay iyong isang SAF na survivor. Yun lang ang makapagsasabi ng totoo. Mga sinungaling mga morong MILF na yan. Niloloko lang nila ang gobyerbo. Marunong sila gumawa at mag-imbento ng kwento. Sana po makarating ang message na ito sa ating kinauukulan. Wag ituloy ang BBL nila, kahit pa isuko nila ang teroristang si Usman. Huwag tayong magtiwala sa MILF. Mga traydor sila. Wala pa nga ang BBL ay nagkakanlong na sila ng mga terorista. Paano na kung may BBL? Baka maging pugad na ng mga wanted ang Muslim Mindanao. – 09101763…

Hayaang maipasa ang BBL para mag-ubusan ang moros

– Sir Joey, ang mga tao nagsasabi na itigil ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law ay mga tao na mahihina ang utak. Di ba nila alam na kung matutuloy ito medyo mababawasan ang kaguluhan sa Mindanao? Kung maaprubahan ang BBL sila na ang magpapatupad ng batas. Kung hindi sila sumunod sa batas nila, di sila na ang mag-ubusan para walang madamay. – 09202486…

Kotong cops sa Metro Manila ang atasang humuli kay Usman

– Payo ko lang kay PNoy na kung magpapadala ulit ng police sa paghuli kay Usman ay ang ipadala niya doon ay ang mga kotong cops sa Metro Manila laluna mga intel ng Muntinlupa. -09101431…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Dragon Lady Amor Virata

Walang paradahan, hindi puwedeng bumili ng sasakyan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGING epektibo kaya ang inihaing panukala ni dating speaker …

Sipat Mat Vicencio

Tibay ni Carding

SIPATni Mat Vicencio SA GITNA ng nagsasalimbayang unos at maladelubyong sitwasyon sa loob ng Malacañang, …

Leave a Reply