PULOS kasinungalingan ang lumabas sa bibig niย AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang sa pagdinig kamakalawa ng Senado. Pinalabas niya na may malaking sablay ang PNP-SAF kaya nalagasan ng 44 miyembro sa Mamasapano incident. Waring nalimutan niya ang mga lumabas sa mismong bibig niya sa mga pahayag sa radyo at telebisyon mula noong Enero 26 na may ceasefire at nilulutong peace agreement kaya hindi sumaklolo ang Western Mindanao Command sa SAF troopers.