PROMDIni Fernan Angeles NANANAWAGAN ang mga katutubong magsasaka at mga residente ng Sitio San Roque, Barangay Pinugay Baras, Rizal kay incoming President Ferdinand Marcos, Jr., na tulungan sila laban sa panggigipit ng isang pamilyang pumoposturang tagapangalaga ng kalikasan gamit ang kuwestiyonableng Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng isang pumanaw ng Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). …
Read More »Kagulat-gulat na anunsiyo ni Parañaque newly elected mayor
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata FIRST time in history sa local government ng Parañaque, na halos lahat ng department heads noong panahon ni former Mayor Edwin Olivarez ay pinagsisibak sa kanilang puwesto. Marahil gusto ni newly elected Mayor Eric Olivarez ay mga bagong opisyal sa kanyang administrasyon — kumbaga, bagong mukha! Marami ang na-shock sa anunsiyo ni Mayor Eric …
Read More »‘Butas ng karayom’ ang papasukin ni Bongbong
SIPATni Mat Vicencio ANG pormal na panunumpa ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang ika-17 pangulo ng Filipinas ay sinasabing hudyat ng isang magulo at watak-watak na pamahalaan na kinakailangang paghandaan ng bagong lider ng bayan. Umaasa ang mahihirap na mamamayan kabilang ang mahigit 31 milyong bumoto kay Bongbong na magiging maginhawa ang kanilang buhay dahil na rin sa inaasahang maayos …
Read More »Paalam, PRRD
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DALAWANG araw na lang at magwawakas na ang administrasyong Duterte. Sa kabila ng paulit-ulit na pagpuna ng Firing Line sa ilan sa kanyang mga naging polisiya at desisyon, sa nakalipas na anim na taon ay karaniwang inilalahad ng Presidente sa salitang kalye, ipinagpapasalamat natin ang payapang pagtatapos ng kanyang termino, alinsunod sa Konstitusyon. Bagamat …
Read More »Laban vs COVID, let’s do it again
AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING magulang ang nagnanais na sana ay matuloy ang 100 porsiyentong face-to-face classes para sa school year 2022-2023. Isa lang ang nakikita kung bakit gusto ng mga magulang ang face-to-face classes…mas marami pa rin daw matutuhan ang mga bata kapag kaharap mismo nila nang personal ang kanilang mga guro kaysa online classes o module style. Siyempre, …
Read More »Work from home para tipid pa rin
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DAHIL marami sa ating kababayan ang pumapalag sa walang tigil na pagtaas ng gasolina at diesel, hindi sapat na maging araw-araw ang kanilang biyahe papunta sa kanilang trabaho dahil sa taas ng lahat ng produkto at pasahe — na sa kasulukuyan ay nakabinbin pa rin — ang kahilingan ng transport groups na gawing P15 …
Read More »Pretty Boy Goyo
PROMDIni Fernan Angeles ANG langgam nga naman, dumadayo kung saan may pulot pukyutan. Ito ang kuwento tungkol sa nagbabadyang umpugan sa pagitan ng mga Muslim na agresibong nagsulong sa kandidatura ng tinaguriang Bad Boy ng Pelikulang Filipino at isang kasador ng senador na kilalang super-close sa paretirong Pangulo. Kuwento ng ating kasangga sa Senado, umuusok sa galit ang ilong ng …
Read More »Sindikatong laglag pangalan
PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang usapang SOP sa mga proyektong nakukuha ng mga kontratista sa pamahalaan. Kung ilang porsiyento, depende sa halaga ng proyekto – o di naman kaya’y sa takaw ng kausap na taong gobyerno. Pero sa Department of Education (DepEd), iba ang kostumbre ng isang sindikatong nagpapakilalang ‘pasok’ kay incoming Vice President Sara Duterte na itinalaga …
Read More »Hunyo 12 pekeng araw ng kalayaan
USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakohan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayon man hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya. Mayroong huwad o hilaw na pahayag. Nitong nakaraang 12 Hunyo, ginugunita ng pamahalaan ang ika-124 taong deklarasyon ng Artaw ng Kalayaan …
Read More »Mga bastos sa FB swak na sa kulungan
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon na ang mga FB users na ginagamit ang social media sa mga kalokohan ay mapapatawan ng parusa, at ang mga biktima nito ay gagawaran ng hustisya. Kabilang dito ang child pornography, ang mga larawan na hindi kanais-nais, o may kabastusan. Dahil sa batas na Data Privacy Act na …
Read More »Iyaking Hunyango
PROMDIni Fernan Angeles SA ITINAGAL-TAGAL ko sa pagiging peryodista, hindi ko na rin mabilang kung ilan ang aking pinuna. May mga politiko, negosyanteng mapagsamantala, mga abusadong pulis at maging ang mga bigating sindikato. Aaminin ko, kinabog ako sa una kong libelo. Dangan naman kasi nagbanta ang may-ari ng peryodiko, mawawalan ako ng trabaho pag natalo kami sa kaso. Buti na …
Read More »Bakit KRYSTALL Herbal Oil ang gamit ni Lola Ising?
Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Myra Gunaw, 57 years old, naninirahan dito sa San Ildefonso, Bulacan, at nagtatrabaho bilang caregiver. Dati po akong manggagawa sa isang malaking pabrika ng sapatos na may kilalang brand. Pero lumipat po ng planta sa Taiwan ang shoe company at kami pong mga …
Read More »Dapat na nga bang hubarin ang masks?
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA ISANG pribadong chat, sinabi ng isa kong kaibigan, “Ang titigas talaga ng ulo ng mga Cebuano!” Bago pa ito magmukhang paninitang pangrehiyon, gusto kong linawin na ang pahayag na ito ay naibulalas ng isang lantay na Bisaya – isang edukador – na nakatuon sa ating pangkabuuang pagkakakilanlan bilang mga Filipino. Siyempre pa, ang …
Read More »COVID sa MM tumaas nang bahagya, gera vs virus dapat panatilihin
AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman nakaaalarma ang sinasabing kaunting pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, pero nararapat sigurong lahat ay maging vigilante o mapagbantay na ulit. Huwag nang hintayin pang ang kaunting bilang ay biglang lumobo dahil sa pagbabalewala sa maliit na bilang. Ang nararapat nga rito mga kabayan, kaunti man ang pagtaas ay dapat ituring …
Read More »Sahod tumaas, pasahe tumaas, anong silbi?
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TUMAAS nga ang sahod ng manggagawa, ang minimum wage. Walang tigil naman ang pagtaas ng mga produkto, dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ngayon, piso hanggang P15 ang inihihirit na taas-pasahe ng ibang public transport, anong silbi ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa? Useless! Walang silbi, ang ibig kong …
Read More »Trapong pakipot
PROMDIni Fernan Angeles HINDI sapat ang katagang pakipot para ilarawan ang abogadong kongresistang si Rodante Marcoleta. Dangan naman kasi, masyadong paimportante na tila ba walang mas magaling sa kanya. Unang lumutang ang kanyang pangalan sa talaan ng mga itatalaga sa iba’t ibang departamento. Kabilang sina Atty. Vic Rodriguez na hinirang na executive secretary, Benhur Abalos na isinoga sa Department of …
Read More »Takot sa sariling multo
USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NANGANGAMBA umano si Senadora Risa Hontiveros dahil sa pagtatalaga ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., kay Vice President-elect Sara Duterte Carpio bilang susunod na kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd). Ayon sa impormasyon na nakalap ng inyong lingkod, ang pangamba ni Hontiveros ay batay sa kanyang paniniwala na babaguhin ni …
Read More »Huwag si Agnes please
PROMDIni Fernan Angeles KONTING KEMBOT na lang, inaasahang makokompleto na ng susunod na Pangulo ang talaan ng mga karapat-dapat italaga sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan. Kabilang sa mga tanggapang mayroon nang Sekretaryo ang Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DoJ), Department of Finance (DOF) at National Economic Development Administration (NEDA). Pero …
Read More »Mga vloggers sa Palasyo
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. May nagulat pa ba nang buksan ng papasok na administrasyon ang pintuan ng Malacañang press room sa mga vloggers? Inihayag noong nakaraang linggo ng incoming press secretary na si Trixie Angeles na nasa “to-do” list niya ang pagbibigay ng media accreditation sa mga vloggers na pinapaboran ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Para sa …
Read More »Serbisyo ng QC-LGU, inilapit ni Mayor Joy sa taga-QC
AKSYON AGADni Almar Danguilan Kadalasan kapag panahon ng eleksyon, maririnig ang reaksyon mula sa mamamayan na magaling lang ang mga kandidato sa panahon ng kampanya – lumalapit at bumababa sila sa mamamayan para mangampanya o naalala lang ang mamamayan sa panahon ng halalan. Kapag manalo, ‘ika nila ay nakalimutan na sila ng mga kandidato at kakalimutan na rin ang kanilang …
Read More »Technical smuggling, lagot sa container monitoring policy ng PPA!
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BABANTAYAN ang mga iskedyul, loading, unloading, release at movement ng mga container van, bukod sa ang pagkakaroon ng container identification, accountability at protection program, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 04-2021 na nagtatakda ng polisiya sa pagpaparehistro at pagmo-monitor ng mga container sa pamamagitan ng technology solution. Sabi ni G. Eugenio Ynion, president/CEO ng …
Read More »Marcoleta sa DOE, bangungot ni BBM
PROMDIni Fernan Angeles MALIBAN sa ilang kagawaran, halos buo na ang gabineteng magsisilbing katuwang ni incoming President Ferdinand Marcos, Jr., pagsapit ng takdang araw na hudyat ng simula ng kanyang administrasyon. Buo na ang economic team at maging ang ilang mga departamentong ipinagkatiwala sa mga hindi kaalyado. Gayonpaman, kapuna-punang wala pang naaitatalaga ang susunod na Pangulo para sa Department of …
Read More »Kampanilya detililing
PROMDIni Fernan Angeles SA NALALAPIT na pag-upo ni Ferdinand Marcos, Jr., bilang ika-17 Pangulo ng bansa, higit na kailangan niyang makapagtalaga ng mga henyo at sinsero sa kani-kanilang larangan. Ang totoo, maraming natuwa nang buksan ni Marcos Jr., ang mga posisyon sa gabinete sa mga taong labas sa talaan ng kanyang mga kaalyado. Sina Benjamin Diokno sa Department of Finance …
Read More »Sindikato ng droga, muling binigo ng QCPD
AKSYON AGADni Almar Danguilan Muling pinatunayan ng Quezon City Police District (QCPD) na well deserving ang pulisya sa mga natatanggap na parangal kaugnay sa kampanya laban sa ilegal na droga lalo na sa pagdurog sa malalaking grupo ng sindikato ng droga. Katunayan, noong Abril 2022, si QCPD Director, PBrig. Gen. Remus Medina, ay pinarangalan ng Congressional award para sa Outstanding …
Read More »Sablay kung itatalaga si Marcoleta sa DOE
PROMDIni Fernan Angeles HINDI pa man nakakapanumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa, gusto agad pasabitin si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa proseso ng paagtataalaga ng Sekretaryo. Bulong ng impormante, ginagapang umano ni outgoing Energy Secretary Alfonso Cusi na tiyaking kakampi niya ang uupong Energy Secretary. Partikular na tinukoy ng impormante ang napipisil at itinutulak na ipalit sa kanyang pwesto bilang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com