WALA bang magawa ang mga pulis at alkalde laban sa ilegal na sugal? Sa hilagang bahagi ng Metro Manila, namamayagpag ang gambling operators na sina Buboy Go, Mario Bokbok, Nancy, at Jun Moriones. Tuloy ang paghahari-harian sa Malabon ni Buboy Go, na kapatid ng isang retiradong pulis-Maynilla, at ipinangangalandakang malakas ang kapit niya kay Mayor Antolin “Lenlen” Oreta. Mapatutunayan kaya …
Read More »SILG Senen Sarmiento ibinubugaw at ipinangongolektong ni Charlie at ni Clayd
HINDI pa man nag-iinit ang puwet ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento, ‘e hayan at mayroong ilang mangongolektong na ibinubugaw siya sa mga ilegalista. Isang alyas Charlie na taga-Murphy ang nag-iwan pa umano ng numero sa mga operator ng club, illegal gambling at sugal lupa. Isang alyas Clayd at isa pang alyas Manong …
Read More »Nagtatalunan na ang mga trapo
HABANG papalapit ang filing ng candidacy, nagtatalunan na rin ang mga trapo (traditional politician) mula sa kanilang mahinang partido tungo sa kampo na may winnable presidentiable. Oo, matapos magdeklarang tatakbong presidente ang nangunguna sa survey na si Senadora Grace Poe, biglang nagtalunan sa kanyang kampo ang mga trapo mula sa mahihinang partido. Bagama’t walang sariling partido si Poe, at matatandaan …
Read More »Ang Republic Act 9225 of 2003
MARAMI pa rin ang hindi nakauunawa kung bakit hindi kwalipikado si Senadora Grace Poe para maging pangulo ng bansa. Sa aking palagay ay may dalawang dahilan kung bakit hindi pwede si Aling Grace na maging pangulo ng ating republika. Una, isinuka na niyang minsan ang pagiging Filipina kapalit ng pagiging Amerikana; at pangalawa ay ang R.A. 9225 of 2003 o …
Read More »Serg inggit na inggit kay Chiz
TINAWAG ni Sen. Serg Osmeña na isang uri ng gimik ang sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ang kanilang partido ni Sen. Grace Poe para 2016 presidential elections ay tatawaging “Partido Pilipinas.” Kung titingnan mong mabuti, may punto naman talaga si Osmena sa kanyang puna kay Chiz dahil wala naman talagang matatawag na “Partido Pilipinas” maliban sa LP, NP, UNA, …
Read More »Umiikot na ang ambisyosong si Ex-Energy Sec. Jericho Petilla
IIKOT na raw ang asenso, sabi ni dating Energy Secretary Jericho ‘Ikot’ Petilla. Aba ‘e paikot-ikot na ang mga tarpaulin kung saan-saan. Ano ba ang pinaiikot mo, Mr. Petilla?! Baka naman pinaiikot mo lang ang ulo ng sambayanan?! Aba, gaano ka ba katagal naging Energy Secretary? ‘E ni hindi mo man lang naibaba ang presyo ng koryente at lalong hindi …
Read More »Crackdown vs ‘tong’ syndicate na Baclaran 7 iniutos ni Mayor Edwin Olivarez
PINALALARGA na ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang imbestigasyon laban sa ‘TONG SYNDICATE’ na kung tawagin ay Baclaran 7, na nagpapasok ng illegal vendors kabilang na ang foreign traders kapalit ng kanilang itinatakdang ‘TARA.’ Sa impormasyong nakalap, nabatid na tumatabo nang halos P1 milyon ang nasabing sindikato mula sa tong at tara na kinokolekta nila sa mga illegal vendor …
Read More »‘LP’ kay Senator Grace Poe na rin (Pagkatapos magdeklara)
ALAM nating lahat na nitong Miyerkoles ng gabi ay nagdeklara na si Senador Grace Poe na siya ay tatakbong presidente sa Mayo 2016. Matagal nang pinag-uusapan ang pagtakbo ni Poe. May malaking bilang ng mga mamamayan ay inaasahan ‘yan. Ang ginawa ni Poe ay isang kompirmasyon na tatapatan niya ang dalawang pre-sidentiable na nagpalipad-hangin as in papansin (wala naman kasing …
Read More »Atenista, utak ng AlphaNetworld pyramiding scam?
Lintik din ang raket ng Atenistang si Juluis Allan G. Nolasco, presidente at chief executive officer ng AlphaNetworld Corporation. Laway lamang ang puhunan niya at daan-daang katao na ang nagoyo sa pagbebenta ng pioneering share sa kanyang kompanya na wala namang produkto. Inireklamo si Nolasco ng pyramiding scam ng isa sa kanyang mga nabiktima na si Emmanuel Estrella pero hindi …
Read More »Kakainin mo ba uli ang isinuka mo?
IYAN ang tanong ko sa inyo mga kababayan dangan kasi ay nagdeklara na si Senadora Grace Poe ng kanyang pagnanasa na maging pangulo ng bayan na kanya nang minsan ay itinakwil. Bukod pa sa katotohanang ito ay hindi pa malinaw kung talagang kwalipikado siyang sumali sa karera para sa pinakamataas na poder ng ating republika. Taon 2001 nang manumpa ng …
Read More »Binay at Grace ang maglalaban
NGAYONG pormal na nagdeklara si Sen. Grace Poe ng intensiyon na tumakbo bilang pangulo ng bansa, maliwanag na si Vice President Jojo Binay ang mahigpit niyang makakalaban sa darating na 2016 elections. Sa kabila ng sinasabing malawak na organisasyon at makinarya ang Liberal Party, mananatiling nasa pangatlong puwesto lamang si Interior Sec. Mar Roxas sa mangyayaring presidential derby ng tatlong …
Read More »UP Los Baños students mas matitikas at may paninindigan
PINABILIB tayo ng mga estudyante ng UP Los Baños. Sa lahat yata ng mga estudyanteng nakaharap ni Vice President Jejomar Binay, sila lang ang bukod tanging nagkalakas ng loob na isalang sa question and answer portion ang kontrobersiyal na opisyal. Hindi sila ‘yung taga-palakpak, taga-tango at yeheeey lang basta-basta. Gagawin nila ang mga bagay na ito sa tamang rason. Ibang-iba …
Read More »Treasure hunting sa Tuguegarao City tuloy-tuloy pa rin! (Attention: DENR Sec. Ramon Paje)
HINDI natin maintindihan kung bakit hindi maawat-awat sa paghahanap ng ginto ang mga nagpapakilalang treasure hunters diyan sa Tuguegarao City. Ito raw ‘yung “Operation Treasure Ginto” na ang pangunahing hinahanap ay mga ginto umanong naiwan ng mga Japanese straggler sa bahaging iyon ng lalawigan ng Tuguegarao. Itinuturo ng mga residente sa nasabing lugar na ang nasabing paghuhukay ay sa utos …
Read More »Sina Atienza at Bagatsing ang gumigiba kay Erap
TINGNAN n’yo… ang mga taong humila kay Erap para pumasok sa Maynila ang sila ngayong gumigiba sa dating Presidente na alkalde ngayon ng Lungsod para naman sa kanilang ambisyon sa 2016 elections. Oo, ibang-iba ang takbo ngayon ng politika sa Maynila. Sina dating mayor at kasalukuyang partylist representative Lito Atienza, at last termer 5th District Congressman Amado Bagatsing na silang …
Read More »Dynasty ng smugglers, ‘unli’ smuggling sa BoC
HINDI lamang pala sa politika, kundi pati sa larangan ng smuggling ay nauso na rin ang dynasty. Ito ang masaklap na katotohanan, sa kabila ng magkakahiwalay na kampanyang inilunsad ng ilang nagdaang pamahalaan kontra smuggling sa loob ng ilang dekadang nakalipas. Ang mga smuggler ay wala nang ipinagkaiba sa mga politiko na kapwa nakapagtatag ng kanilang dynasty. Dumating na tayo …
Read More »Leni Robredo, hamon tatanggapin (Bilang vice president)
NAGLATAG na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ng mga kondisyon para tanggapin niya ang alok bilang pambato ng Liberal Party sa pagka-bise presidente. Ayon kay Cong. Robredo, makukuha ng Liberal Party ang matamis niyang “oo” kapag naramdaman siya lang ang karapat-dapat at natatanging kandidato para sa posisyon. “Kailangan indispensable, that I am the only one who can fill that …
Read More »Biguin ang private army ng mga politiko
KAPAG dumarating ang panahon ng eleksiyon, isa sa mga problemang madalas na kinakaharap ng taumbayan ang malaganap na private army na ikinakanlong ng mga tiwaling politiko. Ang problema sa private army ay hi-git na malubha kung ikokompara sa problema ng vote buying at iba pang anyo ng pandaraya ng mga politiko sa araw mismo ng halalan. Hindi lingid sa kaalaman …
Read More »Ayong Maliksi gaano katotoong kumpadre ang ilang gambling lord?
UMALMA sa pinakahuling aksyon ni PCSO Chairman Ayong Maliksi ang ilang bigtime gambling lord ng bansa patungkol sa kampanya laban sa STL cum jueteng operations. Ayon sa ating sources, hindi naiiba si Maliksi sa mga kilalang kaalyado ng Pangulong Aquino na nagpapatupad ng tinaguriang ‘selective justice.’ Selective din umano ang PCSO chairman sa kampanya laban sa illegal gambling partikular ang …
Read More »No Opening Policy on balikbayan boxes
SENATE BILL NO. 2927 will prohibit the BUREAU OF CUSTOMS from random Inspection of BALIKBAYAN boxes regardless of the value & contents and will seek exemption. Maganda na rin siguro ito para sa mga taga-customs, para makaiwas sa mga reklamo laban sa kanila ang ating mga kababayan na nasa ibang bansa tungkol sa kanilang missing item or items na ipinadadala …
Read More »May throat cancer ba si Duterte?
Totoo nga kaya na may kanser sa lalamunan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at ito ang dahilan kaya siya umatras sa pampanguluhang halalan sa 2016? Ito ang ibinunyag ng isang mamamahayag sa social media kamakailan. Si Duterte ay ayaw raw payagan ng kanyang pamilya na tumakbo para pangulo dahil lalala ang kanyang “throat cancer” na posibleng maging terminal bunga …
Read More »Serbisyo ni Bistek sinasabotahe… teacher’s allowance, delayed!
ILAN buwan na lang eleksiyon 2016 na… at sa tuwing napag-uusapan ang halalan, maraming ‘trapo’ riyan na sumasakay sa isyu hinggil sa pagbubuwis ng buhay ng mga guro mulang public schools sa araw ng eleksiyon. Totoo, maraming guro na rin ang napatay dahil sa eleksiyon – biktima sila ng karahasan na pinaniniwalaang kagagawan ng mga talunang kandidato. Sa tuwing nagiging …
Read More »Takot ibulgar ang mga utak sa 14 car smuggling sa Batangas port
ITO ang mahirap sa mga nasa pamahalaan natin. Kapag mataas na mga tao ang kahit pa criminal syndicate hirap ibulgar ang mga pangalan sa media. Pero kapag pipitsugin, todo bandera sa mga dyaryo. Natatandaan ba ninyo ang nasabat mismo sa Puerto ng Batangas na nagiging notorious bilang bagsakan ng smuggled articles, lalo ng mga high-end sports vehicles (dahil malayo ito …
Read More »Brgy. Capt. Busabos ang tingin sa media
THE who ang isang ‘barangay chairman’ diyan sa Metro East na bukod sa nangingilag sa interview sa kanya, ang lakas pa raw mang-insulto ng mga mamamahayag. Bilang patunay, isang radio reporter ang nakaranas ng magaspang na asal kay German este Chairman, na itago na lang natin sa pangalang “Remembering Antipatiko”or in short R.A. Kasi naman ‘di talaga malimot ng nasabing …
Read More »Unang pagsubok kay bagong DILG Secretary Mel Senen Sarmiento
MUKHANG kahit bago pa lang sa kanyang posisyon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary MEL SENEN Sarmiento ay haharap na siya sa mga komplikadong kaso na hindi naiayos ng nagdaang administrasyon. Gaya na lang ng reklamo ng mga Tayabasin laban sa kanilang mayora este mayor na si Dondi Silang. Kung hindi tayo nagkakamali, matagal nang suspendido …
Read More »Linisin sa obstructions ang kalye, luluwag ang trapik
PANGUNAHING problema na talaga ngayon sa Metro Manila ang grabeng trapik araw-araw. Ito’y dahil lumalaki ang ating populasyon, dumami ang mga sasakyan at paliit nang paliit naman ang ating mga kalye dahil sa obstructions at mga hukay ng DPWH art Maynilad na nakabinbin! Kaya ang suggestions natin ay linisin sa obstructions ang mga kalye, bawiin sa mga pasaway na negosyante …
Read More »