This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
THE WHO ang abogado sa legal division ng Quezon City Hall, na hanep kung kumita ng kamal-kamal na kuwarta.
Kuwento ng alaga kong Hunyango, parang buwitre raw kung mamerhuwisyo si SIR na nakatalaga sa isang departamento ng QC Hall dahil talaga namang pinahihirapan nang husto ang taxpayers.
Bulong sa atin, laging inaabangan ng halimaw na abogado ang mga taxpayer na nagkakaproblema sa kanilang permit dahil ‘di raw barya-barya ang hinihinging pang-areglo sa papeles.
Nalintikan na!
Sumbong pa, halos ‘di na nagagampa-nan ni SIR ang kanyang trabaho sa legal division dahil mas inaatupag raw ang pagiging fixer sa kanilang departamento.