UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil sa matinding init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon sa buong bansa Sa isang Virtual Press Conference sinabi ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, naitala ang naturang peak demand forecast matapos lumagpas sa 13,917 average demand ng Luzon grid. Dagdag ni Lotilla, …
Read More »‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian
MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na nagbabayad ng hanggang P2 milyon ang ilang mga dayuhang mag-aaral sa Cagayan para sa mga college degrees o dahil sa sistemang diploma mill. Matatandaang hinimok ni Gatchalian ang Commission on Higher Education (CHED) upang imbestigahan ang mga naturang ulat. Unang ibinahagi ni Dr. Chester Cabalza, …
Read More »Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy
ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% ng kanilang loan portfolio para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) para makatulong na mapanatili ang operasyon ng maliliit na negosyo sa bansa. Sa kanyang isinumiteng Senate Bill No. 2632, nais ni Estrada na atasan ang lahat ng lending institutions na maglaan ng …
Read More »Saguisag pumanaw, senado nagluksa
INILAGAY sa gitnang-hati (half-mast) ang bandila sa harap ng gusali ng senado bilang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Senador Renato “Symbol” Saguisag. Kabilang sa naunang nagpahatid ng kanilang panghihinayang at pakikiramay ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senadora Nancy Binay, Grace Poe, Senador Francis “Chiz” Escudero, at Robin Padilla. Si Saguisag ay malapit sa mga Binay dahil nagkasama sila …
Read More »
Sa ‘bangayang’ VP Sara vs FL Liza
PBBM ‘PINAHIHIRAPAN’ NG 2 BEBOT – ESCUDERO
NANAWAGAN si Senadora Cynthia Villar na itigil ang kahit anong namamagitang sigalot sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at First Lady Liza Marcos. Ayon kay Villar, kung siya ang asawa ng pangulo, gagawin niya ang lahat para maging matagumpay ang presidente. Binigyang-linaw ni Villar, hindi niya pipiliing makipag-away at sa halip ay gagawa siya ng mga proyekto para mahalin …
Read More »AFP modernization suportado ni Padilla
“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo na ng Philippine Navy para sa pagtatanggol sa ating teritoryo.” Ito ang pangako ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla matapos bisitahin sa BRP Tarlac sa Subic ang mga empleyado ng Senado na lumalahok sa Basic Citizen Military Course (BCMC) noong Lunes ng hapon. “Ang ibig …
Read More »Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634
ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine General Hospital (PGH), ang premiere government-run hospital ng bansa. “Bilang pinakamalaking pampublikong ospital sa bansa at tanging national referral center para sa tertiary cases, dapat nating tiyakin ang pagbibigay ng PGH ng mataas na kalidad na serbisyong medikal at pangkalusugan. Ang mga nangyaring sunog sa …
Read More »
Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD
ni ALMAR DANGUILAN SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang grupong Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers Para sa Karapatan sa Paggawa (Manibela) dahil sa sinabing perhuwisyong idinulot ng dalawang araw na transport strike sa lungsod. Ang mga ikinaso ng QCPD laban sa Manibela ay ang tatlong bilang ng mga paglabag sa B.P. 880 …
Read More »
Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO
UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang nakatanggap ng livelihood assistance ngayong linggo mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang pamamahagi ng tulong, na isinagawa noong 16-19 April 2024, ay may layuning mapagaan ang mga hamon na kinakaharap ng lalawigan …
Read More »
Cayetano nanguna sa pasinaya
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC
PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa inagurasyon ng bagong MRI and CT scan equipment. Ayon kay Dr. Sonia Gonzalez, PCMC Executive Director, ang naturang bagong kagamitan ay malaking tulong upang lalo pang maitaas ang serbisyo sa healthcare services at infrastructure para sa mga batang Pinoy. Kasunod ng kanyang papuri sa naging …
Read More »Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy
SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Nasa 381 benepisaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. Nag-iiba ang halaga depende sa buwan ng aplikasyon o renewal ng …
Read More »Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian
MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) sa pag-angat sa kalidad ng edukasyon at upang maipatupad ang panukalang decentralization sa education governance. Nakasaad ang mungkahi ni Gatchalian sa 21st Century School Boards Act (Senate Bill No. 155). Una rito, imamandato sa local school boards ang pagdisenyo at pagpapatupad ng mga polisiya sa …
Read More »
Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs
KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) dulot ng pagbaha kamakailan, nanawagan si Senador Manuel “Lito” Lapid sa pamahalaan na marapat igawad ang lahat ng tulong sa kanilang mga naulila. Ayon kay Lapid, ang pagbaha po sa Dubai, UAE ay isang malagim na paalala ng patuloy na …
Read More »“KAMI NAMAN” inilantad sa Kalikasan, Kabataan, Kagitingan youth music festival.
Natapos na ang misteryo tungkol sa malalaking “Kami Naman” murals na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa bansa nang ito ay ilantad sa katatapos na “Kalikasan, Kabataan, Kagitingan” youth music festival sa Montalban Sports Complex, sa lalawigan ng Rizal. Hatid ng Students’ Actions Vital to the Environment and Mother Earth (SAVE ME) Movement, tampok sa youth music festival ang mga …
Read More »
Para sa 2025 national and local elections
COMELEC, MIRU SYSTEM CONTRACT KINUWESTIYON SA KORTE SUPREMA
HINILING ng isang dating kongresista sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang kontratang nilagdaan sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec) at Miru Systems na magsisilbing automated election provider sa nakatakdang senatorial at local elections sa taong 2025. Dahil dito naghain ng petisyon sa Korte Suprema si dating Caloocan City representative Edgar Erice na naglalayong pigilan ang implementasyon ng P18-bilyong kontrata …
Read More »Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente
“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong sitwasyon matapos ang aksidente.” Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., makaraang isugod sa ospital nang maaksidente habang nagso-shooting. Nakatakdang isailalim sa operasyon si Revilla dahil sa Achilles tendon rupture na kaniyang nakuha dahil sa mabilis na pagtakbo sa isang eksena sa ginagawa …
Read More »
Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO
“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang tagumpay ay hindi lamang nakikita sa medalya, sa maiuuwing premyo o sa tropeo na inyong nakamit. Sinasalamin din natin ang masasayang alaala at mga kaibigang mabubuo ninyo sa kompetisyong ito. Enjoy every game, give it all—win or lose!” Ito ang makahulugang mensahe ni Bulacan Governor …
Read More »
Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad ng irigasyon upang mapabuti ang seguridad sa pagkain ng bansa sa gitna ng patuloy na paglobo ng populasyon. “Kung hindi sisimulan ng gobyerno ang isang komprehensibong programa sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura, magiging mahirap para sa bansa na makamit ang seguridad sa pagkain, lalo …
Read More »
Sa Digong-China gentlemen’s agreement
‘CAUCUS’ SAGOT NI TESDAMAN
Sa hiling na imbestigasyon ni Hontiveros
ni NIÑO ACLAN WALA pang katiyakan dahil ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva kanila pang pag-uusapan sa isang caucus sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso ang kahilingan ni Senadora Risa Hontiveros na imbestigahan ang sinabing gentlemen’s agreement sa pagitan ng China at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Villanuea, kailangang matukoy …
Read More »3.2-M backlogs sa plastic cards ng LTO makokompleto na
INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na makokompleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw. Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, muli silang nakatanggap ng 600,000 piraso ng plastic card na ginagamit sa pag-imprenta …
Read More »
Bakit hindi pa naaaresto?
QUIBOLOY MAPANGANIB — HONTIVEROS
NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na isang mapanganib na tao si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) appointed son Pastor Apollo Quiboloy kung kaya’t nagbabala na dapat maaresto ng awtoridad sa lalong madaling panahon. Ipinagtataka ni Hontiveros, sa kabila na dalawang warrant of arrest ang inilabas laban kay Quiboloy ay patuloy na nakalalaya at maituturing na pugante sa batas. “Pugante si …
Read More »
‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI
INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan ang pangangailangang ng Filipinas na mag-import ng agricultural products kapag masagana ang ani. Kapag mayroon tayong mga produktong kasalukuyang inaangkat natin, sinabi ni Villar, agaran tayong makapagbibigay ng “ready market” sa ating mga magsasaka. Sa kanyang mensahe sa Philippine Food and Beverage Expo 2024, tinukoy …
Read More »Enterprise-based education & training nakatutugon sa kawalan ng trabaho
BILANG REAKSIYON sa pagbaba ng unemployment rate noong Pebrero, binigyang-diin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pangangailangan na i-institutionalize ang enterprise-based education and training program para mapalakas ang pagsusumikap ng gobyerno na makapagbigay ng marami pang trabaho para sa mga Pinoy. Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng unemployment rate mula 4.5% o 2.15 milyon noong Enero …
Read More »Kapitanang inireklamong ‘nambastos’ ng kabataan, isinumbong sa Taguig mayor
UMAPELA sa mga kinauukulan ang ilang residente ng East Rembo, Taguig City kay Mayor Lani Cayetano para silipin at imbestigahan ang sinabing walang habas na pagmumura at paninigaw ng isang kapitana ng barangay sa mga kabataan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. East Rembo. Ayon sa mga residente, dumating ang kapitana sakay ng kanyang sasakyan at nadaanan ang mga kabataan sa …
Read More »Digital transformation ng sektor ng edukasyon muling isinulong sa Senado
SA GITNA ng patuloy na pagpapatupad ng blended learning sa gitna ng matinding init, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa digital transformation ng sektor ng edukasyon, bagay na aniya’y makatutulong din sa kahandaan ng mga guro na magpatupad ng remote learning. “Kailangang paghandaan natin ang posibleng mas mainit pang panahon sa mga susunod na taon lalo …
Read More »