Thursday , January 9 2025

News

 Mahigit P3.1-M halaga ng imported shabu nasamsam

Mahigit P3.1-M halaga ng imported shabu nasamsam

ISANG lalaking claimant ang dinakip ng mga awtoridad sa 458 gramo ng imported shabu na halagang Php 3,114,400.00 matapos ang isinagawang controlled delivery operation sa Gen. Lucban St., Barangay Bangcal, Makati City. Ayon sa mga awtoridad, ang parcel ay ipinadala sa isang nagngangalang Adrian Lagar, na ang tunay na pangalan ay Adrian Lagarde, 31, na residente ng Brgy Lucban, Makati …

Read More »

  Angat Dam sa Bulacan malapit na sa critical level

Angat Dam

Sa kabila nang mga naranasan na pag-ulan ng ilang araw, patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na nasa Norzagaray, Bulacan. Ayon  sa National Water Resources Board (NWRB), dalawang metro na lamang ang ibaba ng antas ng tubig sa naturang dam at ito ay nasa kritikal na antas na. Ang critical level ay 180 metro at hanggang kahapon …

Read More »

Pagpapalabas ng Barbie ipinapa-ban ng senador 

Barbie Francis Tolentino MTRCB

HINILING ni Sen. Francis Tolentino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na huwag payagang maipalabas ang pelikulang  Barbie sa Pilipinas. Ang pakiusap ay kasunod ng desisyon ng Vietnam na huwag ipalabas ang naturang pelikula sa kanilang mga sinehan dahil sa isang eksena na nagpapakita ng “nine-dash line” ng China. Ani Tolentino, “If the invalidated 9-dash line was indeed depicted in the movie ‘Barbie,’ then …

Read More »

Las Piñas Bahay Pag-asa ginawaran ng sertipiko ng DSWD

Las Piñas Bahay Pag-asa DSWD

INIANUNSIYO ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar na iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Level II Certificate of Accreditation para sa Bahay Pag-asa, isang youth center ng lungsod. Inihayag ng alcalde, tanging ang Las Piñas sa mga lokal na pamahalaan sa katimugang bahagi ng Metro Manila ang nakatanggap ng Level II accreditation mula sa …

Read More »

Sa Malabon
HVI HULI SA P2.1-M SHABU

shabu drug arrest

MAHIGIT P2.1 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos masakote sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Edward Rosario, alyas Nyuk, 36 anyos, auto-mechanic, residente sa Heroes …

Read More »

Kahit nasa hoyo na
KELOT NADISKUBRENG MWP INARESTONG MULI SA VALE

arrest prison

HINDI pa man nagtatagal sa loob ng detention facility, muling dinakip ng mga awtoridad ang 48-anyos lalaki matapos matuklasang wanted sa kasong panggagahasa at panghihipo sa Valenzuela City. Isinilbi ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista ang warrant of arrest laban kay Alfredo Bacaro, Jr., residente sa Sulok St., Brgy. Ugong, habang nakadetine …

Read More »

2nd chance kay Frasco  hirit ni Sen. Angara

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

HINIMOK ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang lahat na bigyan ng isa pang pagkakaton si Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Esperanza Christina Garcia Frasco kahit pumalpak at binatikos ng mga negatibong komento ang kanilang “Love the Philippines” campaign ads. Ayon kay Angara hindi dapat masayang at mabalewala ang lahat ng ginagawang pagsisikap ini Frasco ukol sa turismo ng …

Read More »

Sa pagbagal ng inflation rate
POLISIYA NG PALASYO KINATIGAN NG KAMARA

Malacañan Kamara Congress

IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbagal ng inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa ikalimang sunod na buwan ngayong 2023. Ayon kay Speaker Romualdez, ang naitalang 5.4% inflation rate sa buwan ng Hunyo ay patunay na nagbubunga na ang maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Read More »

 ‘Palihim na pagpuslit’ ni Dera sa NBI iniimbestigahan

Jad Dera NBI

SINIMULAN ng Senate committee on justice and human rights ang imbestigasyon ukol sa palihim na  paglabas sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility ni Jose Adrian “Jad” Dera. Si Dera ang co-accused ni dating Senador Leila de Lima sa natitira niyang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga na umano’y tumakas sa bilangguan at inaresto noong 21 Hunyo kasama …

Read More »

Sa pananambang sa media photog
RETRATO NG 2 SA 5 SUSPEK ISINAPUBLIKO NA NG QCPD

Nicolas Torre QCPD Joshua Abiad Suspect Photo

INILABAS ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko ang larawan ng dalawa sa limang suspek sa pananambang sa photographer ng online media na ikinamatay ng isang batang babae. Sa pulong balitaan kahapon ng hapon, ipinakita ni QCPD District Director, PBrig. Gen. Nicolas Torre III, ang larawan ng dalawa na kuha sa CCTV. Ayon kay Torre, ang isa ay ang …

Read More »

Ilang buwan bago barangay elections
TSERMAN TIKLO SA BARIL, BALA AT GRANADA

070623 Hataw Frontpage

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mga baril, bala, at granada sa ipinatupad na search warrant sa bahay ng isang opisyal ng barangay sa Guimba, Nueva Ecija. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang magkasanib na mga operatiba ng Regional Special Operations Group 3, RMFB3, at Guimba MPS na pinamunuan ni P/Lt. Colonel Jay Dimaandal, AFC, …

Read More »

Tahimik na bayan pinasok na ng mga kawatan
GOVERNMENT EMPLOYEE BINIKTIMA NG SALISI GANG

DRT Doña Remedios Trinidad Bulacan

Hindi sukat-akalain ng isang ginang na maging ang kanilang bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan ay pasukin na rin ng mga naglipanang kawatan na nambibiktima ng mga residente. Ayon kay  Jennie Castro, 53-anyos, empleyada ng PSWDO sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, siya ay naging biktima ng ‘Salisi Gang’ sa kanyang restaurant sa Pulong Sampaloc, DRT nitong nakaraang …

Read More »

3 wanted persons, 6 law violators nasakote ng Bulacan police

Bulacan Police PNP

Isa-isang nahulog sa kamay ng batas ang tatlong pugante at anim na indibiduwal na lumabag sa batas sa magkakasunod na police operations sa Bulacan kamakalawa. Sa ipinadalang ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang tatlong pugante ay arestado sa  manhunt operations na isinagawa ng tracker team Baliuag, San Miguel, at Meycauayan C/MPS. Ang mga inaresto …

Read More »

 Seguridad sa pagkain isinusulong sa Bulacan

Bulacan

Isinusulong ni Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office ang tuluy-tuloy na pagpapaunlad sa produksyon ng agrikultura sa probinsiya upang makamit ang masaganang ani at sapat na pagkain para sa malusog na buhay at kinabukasan ng mga Bulakenyo. Sa Ceremonial Transplanting para sa Provincial Techno-Demo on High Value Crops at Inauguration …

Read More »

Pabrika sinalakay ng CIDG, 4 arestado
P4-M HALAGA NG MAPANGANIB AT NAKAMAMATAY NA KATOL NAKUMPISKA

070423 Hataw Frontpage

MULING umiskor ang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 katuwang ang CIDG Bulacan PFU at mga kinatawan mula sa Food and Drug Administration (FDA) matapos makasamsam na naman ng Php4,000,000.00 halaga ng mga hindi nakarehistrong katol na “Wawang” at pagkaaresto ng apat na suspek sa ikinasang  buybust operation sa Pandi Industrial Park, Brgy …

Read More »

Pabrika sinalakay ng CIDG
PHP 4 MILYON HALAGA NG MAPANGANIB AT NAKAMAMATAY NA KATOL, NAKUMPISKA; 4 ARESTADO 

Katol

Muling umiskor ang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 3 katuwang ang CIDG Bulacan PFU at mga kinatawan mula sa Food and Drug Administration (FDA) matapos makasamsam na naman ng Php4,000,000.00 halaga ng mga hindi nakarehistrong katol na “Wawang” at pagkaaresto ng apat na suspek sa ikinasang  buybust operation sa Pandi Industrial Park, Brgy Cupang, …

Read More »

 Road rage killer sa Bulacan arestado sa Camarines Sur

arrest prison

Matapos ang may ilang buwang pagtatago ay tuluyang nahulog sa kamay ng batas ang suspek sa pagpatay ng isang binatilyo sa insidente ng road rage sa Norzagaray, Bulacan noong nakaraang taon. Ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umaresto sa suspek sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur nitong Hunyo 28. Sa naantalang ulat kamakalawa, Hulyo 1, …

Read More »

Malalaking proyekto sa Bulacan prayoridad sa trabaho ang mamamayan sa lalawigan

Alexis Castro Bulacan Northwind Global City Megaworld Crossroads Ayala Land

Ipinangako ng dalawa sa mga malalaking proyektong paparating sa Bulacan, ang Northwind Global City ng Megaworld Corporation at Crossroads ng Ayala Land Estates, Inc., na prayoridad nila ang pagbibigay ng trabaho sa mga Bulakenyo. Sa isang regular na forum kasama ang mga mamamahayag noong Biyernes na tinawag na Talakayang Bulakenyo 2023 sa pangunguna ng Provincial Public Affairs Office, sinabi ni John Marcial …

Read More »

Pelikulang Litrato ‘di gagawin ni Direk Louie kundi si Ai Ai ang bida

Ai Ai delas Alas Louie Ignacio Litrato

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAABANG-ABANG ang pelikulang Litrato, na isang passion project ni Direk Louie Ignacio, ito ang pelikulang Litrato na pagbibidahan ni Ai Ai delas Alas. Ang pelikula ay kuwento ng isang lola na may Alzheimer’s disease na ginagampanan ng Comedy Queen na si Ai Ai. Sa unang pagkakataon, si Ai Ai ay gaganap sa ganitong role. Makikita …

Read More »

Ilang cast ng Bubble Gang nagsipag-gradweyt na

Bubble Gang

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY bagong timeslot ang longest running gag show na Bubble Gang simula July 9.  Sa idinaos na preskon, nagulat kami sa bagong cast at marami ang gumradweyt. Maraming beteranong artista ang nawala na after so many years. Hindi naman nag-question ang lead actor na si Michael V. since ito ay umere.  It was a business decision ng GMA management at tumutugma sa panahon …

Read More »

3 tulak ng droga, 3 sugarol at isang pugante, siyut sa balde

Bulacan Police PNP

Arestado ng Bulacan police ang tatlong tulak ng iligal na droga, tatlong sugarol at isang pugante sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan kamakalawa. Batay sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan, ang tatlong tulak ng droga ay inaresto sa buy-bust operations na ikinasa ng Drug Enforcement Units ng Guiguinto, Angat at San Jose del …

Read More »

Sa  Porac, Pampanga
MAHIGIT PHP350K HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA, 3 TULAK ARESTADO

shabu drug arrest

May 52 gramo ng  shabu na halagang Php353,600.00 ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation (buy-bust) sa Porac, Pampanga. Ang mga operatiba ng Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit ang naglunsad ng buy bust operation sa  Brgy. Señora, Porac na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong  tulak ng iligal na droga. Kinilala ang mga ito na sina  Jeric Castro …

Read More »

Dalawang dekadang nagtago
MOST WANTED PERSON SA CAMARINES SUR, NASAKOTE SA  PAMPANGA

Arrest Posas Handcuff

 Isang lalaki na na wanted para sa kasong murder at nakatala bilang isa sa Most Wanted Person ng Camarines Sur ang arestado ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Arayat, Pampanga nitong nakaraang Miyerkules, Hunyo 28. Kinilala ni PRO3 Director PBGeneral Jose S Hidalgo Jr , ang akusado na si Leo Villamor y Camacho alyas “Leo”, 43, residente ng Brgy. …

Read More »