Sunday , November 24 2024

News

Sa Magpet, Cotabato
ESKUWELAHANG NAHAGIP NG LANDSLIDE NILISAN  
6 sa 10 silid-aralan idineklarang hindi ligtas

Flood Baha Landslide

NAGPASYANG lisanin ng mga opisyal ng isang high school sa bayan ng Magpet, lalawigan ng Cotabato ang kanilang paaralang nasa tuktok ng burol matapos tamaan ng landslide noong isang linggo bunsod ng malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga estudyante at mga empleyado. Pahayag ni Rovelyn Isogon nitong Biyernes, 14 Hulyo, Punong-guro ng Bongolanon National High School, …

Read More »

Hubad na retrato ibinebenta online
KAMBAL NA PASLIT, 2 BATA NASAGIP MULA SA SARILING MGA MAGULANG

lovers syota posas arrest

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang apat na batang magkakapatid, kabilang ang kambal na paslit, na pinaniniwalaang dumanas ng pang-aabusong sekswal habang ‘isinusubasta’ online ng kanilang sariling mga magulang sa Brgy. Taculing, lungsod ng Bacolod, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 14 Hulyo. Ayon kay P/Capt. Christine Cerbo, OIC ng Women and Children Protection Desk (WCPD) – Bacolod, pinangunahan ng Women …

Read More »

Suspek sa ‘Salilig hazing case’ tiklo sa Laguna

hazing dead

NASAKOTE ng pulisya nitong Huwebes, 13 Hulyo, sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, ang isa sa mga suspek sa kaso ng hazing na nauwi sa pagkamatay ng isang estudyante ng Adamson noong Pebrero na si John Matthew Salilig. Sa ulat ni P/Col. Harold Depositar, Provincial Director ng Laguna PPO, kay P/Brig. Gen. Carlito Gaces, Regional Director ng PRO4-A, kinilala …

Read More »

Nene patay sa bungkos na buko ng Niyog

Coconut

ISANG 7-anyos batang babae ang namatay matapos matamaan ng isang bungkos ng buko mula sa puno ng niyog sa liblib na barangay ng Mua-an, sa lungsod ng Kidapawan, lalawigan ng Cotabato, nitong Biyernes ng hapon, 14 Hulyo. Kinilala ni P/Capt. Razel Enriquez, deputy police chief ng Kidapawan CPS, ang biktimang si Shikayna Aguirre, 7 anyos, nakatakdang pumasok bilang Grade 2 …

Read More »

Sa Bulacan,
3 TULAK, 2 MANYAKIS NAKALAWIT

Bulacan Police PNP

NADAKIP ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga at dalawang indibidwal na may kasong pang-aabuso nitong Sabado, 15 Hunyo, sa patuloy na pagsisikap ng pulisya na masawata ang kriminalidad sa Bulacan. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, naaresto ang tatlong suspek sa droga sa serye ng drug …

Read More »

Katrina Paula pinasinungalingan relasyon ni Sabrina kay Rico

Katrina Paula Claudine Barretto Rico Yan Sabrina M

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IGINIIT ni Katrina Paula na walang katotohanan ang tinuran ni Sabrina M kamakailan at nasulat dito sa aming pahayagan na nagkaroon ang kanyang kaibigan ng relasyon sa namayapang aktor na si Rico Yan. Sa guesting ni Katrina sa show ni Tita Cristy Fermin, ang Cristy Ferminute na napakikinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at napapanood sa One PH YouTube channel kasama si Romel …

Read More »

PRRD, Ong, at Tulfo pasok sa Magic 12 ng senatoriables

Rodrigo Duterte Willie Ong Erwin Tulfo

HINDI pa rin matawaran ang popularidad at tiwala ng taong bayan kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahilan upang mapanatili nito ang pagiging numero unong kandidato para sa 2025 Senate Race batay sa latest PAHAYAG 2023-Q2 survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia, Inc.  Sa kabila ng bahagyang pagbaba ng popularidad mula sa 55% sa previous quarter na 51%, patuloy pa …

Read More »

Customer first:  
MORE POWER NAGPATUPAD NG IKALAWANG YUGTO NG BILL DEPOSIT REFUND

MORE Power BILL DEPOSIT REFUND

NAGPATUPAD ng ikalawang yugto ng Bill Deposit Refund para sa kanilang “eligible consumer” ang More Electric and Power Corporation (More Power), ang electricity provider sa Iloilo City. Ang kusang pagsasauli ng Bill Deposit ay sariling inisyatiba ng More Power bilang pagpapakita  ng pagpapahalaga sa kanilang consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob …

Read More »

Gusali gigibain
83 NBI DETAINEES ILILIPAT SA BUREAU OF CORRECTIONS

071123 Hataw Frontpage

ILILIPAT pansamantala sa Bureau of Corrections (BuCor) ang 83 detainees ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil gigibain ang NBI main building kasama ang detention facility sa Maynila upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng bagong gusali. Pinangunahan nina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., at NBI Director Medardo G. De Lemos ang simpleng seremonya para sa exchange of symbolic …

Read More »

Sa Nueva Ecija
MAGSASAKA TINAMBANGAN, TODAS

dead gun police

Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng apat kataong lulan ng motorsiklo sa Llanera, Nueva Ecija kamakalawa. Kinilala ni Police Colonel Richard Caballero, provincial director ng Nueva Ecija PPO, ang biktima na si Elemito dela Cruz y Avendania, 55, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Casile, Llanera. Sa mabilis namang pag-aksiyon kasunod ang isinagawang hot pursuit operation ay naaresto ng …

Read More »

2 madulas na pugante swak sa kulungan

arrest, posas, fingerprints

Nagwakas ang matagal na pagtatago sa batas ng dalawang lalaki na may mga kinakaharap na kaso sa hukuman nang maaresto ang mga ito sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Ang akusadong si Vincent Paul Lanaria ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig ay naaresto ng tracker team ng Bulacan 2nd Provincial Force Company sa bisa ng Bench Warrant of Arrest para sa …

Read More »

Tatlong beses nang natiklo,
TULAK MULING NASAKOTE SA P1.3-M SHABU

Tatlong beses nang natiklo, TULAK MULING NASAKOTE SA P1.3-M SHABU

NADAKIP sa ikatlong pagkakataon ang isang 40-anyos lalaki na nakompiskahan ng 200 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa isang buybust operation sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Nicolas Torre III ang suspek na si Ruben Madarang, 40, residente sa Project 8, Bahay Toro, Quezon City. Nabatid, ito ang ikatlong …

Read More »

Naispatan sa Maynila, Palawan
C-17 GLOBEMASTER SA PH KINUWESTIYON NI MARCOS

071023 Hataw Frontpage

KINUWESTIYON ni Senador Imee Marcos ang panibagong presensiya ng ilan pang C-17 Globemaster ng US Air Force sa Maynila at Palawan. Isinagawa ito ni Marcos isang araw makaraang maglabas ng statement ang Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan niya hinggil sa kaparehong military plane na lumapag sa Maynila noong nagdaang linggo pero hindi nai-coordinate ng mga flight planner ng …

Read More »

Publiko pinag-iingat sa scammers

scam alert

UMAPELA sa publiko ang isang kompanya na mag-ingat sa mga nagpapakilalang Board of Directors at opisyal na umano’y konektado sa kanila gamit ang mga penekeng dokumento. Sa isang public Advisory, sinabi ng kompanyang Xinguang Realty Corporation na may office address sa No. 338 Latina St., Pulang Lupa Dos Las Piñas City, nagawa umanong palitan ang Certificate of Incorporators na nasa …

Read More »

Sa Bulacan
TUBIG SA 2 DAM BUMABA NA SA OPERATING LEVEL

TULUYAN nang bumaba sa minimum operating level ang tubig sa dalawang dam na matatagpuan sa Brgy. San Mateo, sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan. Ayon sa ulat mula sa Pagasa, nasa 179.99 metro na lamang ang tubig sa Angat Dam na mas mababa sa 180-metrong minimum operating level. Dagdag sa pahayag ng Pagasa, mas mababa ito ng 0.46 meter …

Read More »

Patok na local brands tinukoy sa Pahayag 2023-Q2 survey

PAHAYAG 2023-Q2 PuBLiCUS Asia

BATAY sa pinakahuling PAHAYAG 2023-Q2, na pinamahalaan ng PuBLiCUS Asia Inc., at isinagawa sa pagitan nitong nakaraang 7-12 Hunyo 2023, inalam ang sentimiyento at nagugustohan ng mga Filipino consumer sa hanay ng iba’t ibang lokal na produkto. Lumabas sa 31 Filipino restaurants at fast food chain brands, ang Jollibee ang nanguna sa nakuha nitong 74% rating, kasunod ang Mang Inasal …

Read More »

UPLIFTING URBAN GARDENERS, TRANSFORMING LIVES
SM group, partners launch urban farming initiative

KSK SAP Urban Gardening SM North EDSA

IN A BID to uplift communities and promote environmental consciousness, the SM group has recently rolled out its Urban Farming initiative through the SM Foundation’s Kabalikat sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture Program (KSK-SAP). The program, which commenced on July 7 at SM North EDSA, will also be introduced in 21 SM Supermalls nationwide. Rooted in the vision of the late …

Read More »

Ayon kay Gob Fernando:
MGA KOOPERATIBA ANG PUNDASYON NA MAGSASALBA NG EKONOMIYA

Daniel Fernando Cynthia Villar PFCCO

 “ISANG paraan upang makamit ang holistic approach tungo sa pang matagalang progreso ang pagtitiwala sa ating mga lokal na negosyo at kooperatiba dahil sila ang pundasyon at lifeblood ng pagsasalba ng ating ekonomiya.” Sa kanyang talumpati sa Philippine Federation of Credit Cooperatives (PFCCO) National 11th Annual General Assembly at 2023 Educational Forum na ginanap sa Clark Marriott Hotel sa Pampanga, …

Read More »

Mga tulak, kriminal, kawatan inihoyo

Bulacan Police PNP

Sa masigasig na pagsisikap ng Bulacan police ay humantong sa pagdakip ng mga indibiduwal na sangkot sa iba’t-ibang krimen sa lalawigan kamakalawa. Ang matagumpay na operasyon ng pulisya ay nagresulta sa pagkaaresto ng mga tulak, wanted na kriminal at kawatan. Ayon sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na sa ikinasang drug …

Read More »

 Mahigit P3.1-M halaga ng imported shabu nasamsam

Mahigit P3.1-M halaga ng imported shabu nasamsam

ISANG lalaking claimant ang dinakip ng mga awtoridad sa 458 gramo ng imported shabu na halagang Php 3,114,400.00 matapos ang isinagawang controlled delivery operation sa Gen. Lucban St., Barangay Bangcal, Makati City. Ayon sa mga awtoridad, ang parcel ay ipinadala sa isang nagngangalang Adrian Lagar, na ang tunay na pangalan ay Adrian Lagarde, 31, na residente ng Brgy Lucban, Makati …

Read More »

  Angat Dam sa Bulacan malapit na sa critical level

Angat Dam

Sa kabila nang mga naranasan na pag-ulan ng ilang araw, patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam na nasa Norzagaray, Bulacan. Ayon  sa National Water Resources Board (NWRB), dalawang metro na lamang ang ibaba ng antas ng tubig sa naturang dam at ito ay nasa kritikal na antas na. Ang critical level ay 180 metro at hanggang kahapon …

Read More »

Pagpapalabas ng Barbie ipinapa-ban ng senador 

Barbie Francis Tolentino MTRCB

HINILING ni Sen. Francis Tolentino sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na huwag payagang maipalabas ang pelikulang  Barbie sa Pilipinas. Ang pakiusap ay kasunod ng desisyon ng Vietnam na huwag ipalabas ang naturang pelikula sa kanilang mga sinehan dahil sa isang eksena na nagpapakita ng “nine-dash line” ng China. Ani Tolentino, “If the invalidated 9-dash line was indeed depicted in the movie ‘Barbie,’ then …

Read More »

Las Piñas Bahay Pag-asa ginawaran ng sertipiko ng DSWD

Las Piñas Bahay Pag-asa DSWD

INIANUNSIYO ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar na iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Level II Certificate of Accreditation para sa Bahay Pag-asa, isang youth center ng lungsod. Inihayag ng alcalde, tanging ang Las Piñas sa mga lokal na pamahalaan sa katimugang bahagi ng Metro Manila ang nakatanggap ng Level II accreditation mula sa …

Read More »

Sa Malabon
HVI HULI SA P2.1-M SHABU

shabu drug arrest

MAHIGIT P2.1 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos masakote sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Edward Rosario, alyas Nyuk, 36 anyos, auto-mechanic, residente sa Heroes …

Read More »