Saturday , January 11 2025

News

Chinese nat’l dinukot ng 2 kababayan

DAHIL sa pautang, dinukot ang Chinese national ng dalawang lalaking hinihinalang kalahi niya kamakalawa sa Makati City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jiangwy Wu alias Owen Wu, 37, nanunuluyan sa Unit 1511, 15th floor, Executive Tower 1, Cityland Condominium, Dela Rosa St., Brgy. Pio Del Pilar ng lungsod. Nagtungo kamakalawa sa tanggapan ng Makati City Police ang nobya ng biktima …

Read More »

MILF hinamon ni Sen. Chiz (Sa Mamasapano case)

HINAMON ni Senador Francis Escudero ang MILF na harapin ang mga isasampa sa kanilang kaso kaugnay sa insidente sa Mamasapano, Maguindanao. Ginawa ni Escudero ang hamon kasunod ng pahayag ng MILF na walang kasalanan ang kanilang mga tauhan sa pagkamatay ng SAF 44 dahil ‘self defense’ ang kanilang ginawa at bilang rebelbeng grupo ay hindi nila kinikilala ang batas ng …

Read More »

15-anyos OSY hinalay ng kapitbahay

ISANG 15-anyos dalagita ang naging biktima ng panggagahasa ng kanilang kapitbahay sa Navotas City kamakalawa ng umaga. Halos  hindi makalakad at namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak nang dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Jean, out of school youth (OSY), ng Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod. Agad naaresto ang suspek na si Christopher Bornasal, 29, …

Read More »

2 riding-in-tandem utas sa checkpoint sa Bulacan

TATLO ang agad namatay habang isa ang idineklarang dead on arrival sa pinagdalhang ospital sa apat kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa McArthur Highway, sakop ng Brgy. Longos, sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga napatay na sina Reynaldo Dumayan ng Navotas City, Jose Mirasol at Wilson Arboleda …

Read More »

Magkalaguyo ipinakulong ng biyenan (Naaktohang nagtatalik)

GENERAL SANTOS CITY – Inaresto ng pulisya sa Malapatan Sarangani province ang isang babae at kalaguyo makaraan ireklamo ng biyenan nang maaktohan ang pagtatalik ng dalawa sa loob mismo ng pamamahay ng kanyang anak. Pursigido si Renato Labid na kasuhan ng adultery ang kanyang manugang na si Glory Labid, 25, habang concubinage kay Ranie Basalan, 40, kapwa mga residente ng …

Read More »

Truck swak sa bangin 5 patay, 30 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Umakyat na sa lima ang patay habang 30 ang sugatan sa pagkahulog ng isang forward truck sa tabi ng ilog sa Nagtipunan, Quirino kamakalawa. Ang truck ay galing sa Osmeña, Cordon, Isabela at patungo sana sa Dinadiawan, Aurora Province para sa outing ng pamilya ng balikbayan na nurse mula sa Egypt na si Norilyn Rapada-Calahi na …

Read More »

Wish ni Erap pabor kay GMA sinopla ng palasyo

SINOPLA ng Palasyo ang birthday wish ni ousted president, convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na “house arrest” para kay dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., mainam na ipaubaya sa hukuman ang pagpapasya hinggil sa hirit na house arrest para kay Arroyo na kasalukuyang naka-hospital arrest bunsod ng kasong plunder. …

Read More »

Sigalot sa West PH sea muling idudulog ni PNoy sa ASEAN

MULING aapela ng tulong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay ng patuloy na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. Panawagan ni Aquino sa nalalapit na ASEAN Summit sa Malaysia, bumuo ng susunding Code of Conduct sa nasabing sigalot. Ito’y sa harap nang walang patid na reclamation projects ng China sa Kagitingan …

Read More »

Beterinaryo tinadtad ng saksak, todas

NATAGPUANG walang buhay at tadtad ng saksak sa katawan ang isang beterinaryo sa tinutuluyang apartment sa 5th Avenue sa Grace Park, Caloocan nitong Linggo. Kinilala ang biktimang si Dr. Gavino Ubas, 60 anyos, tadtad ng saksak sa katawan nang matagpuan dakong 10 a.m. Hindi pa tukoy kung sino ang suspek sa pagpaslang. Sinusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) …

Read More »

MILF training camp sa Iligan City binaklas

  BINAKLAS ng militar at tribong Higaonon ang sinasabing training camp ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Rogongon, Iligan City. Una nang inireklamo ng Higaonon ang panghihikayat ng MILF sa kanilang mga ka-tribu na sumapi sa rebolusyunaryong grupo. Dagdag ng tribo, itinayo ang pasilidad sa bahagi ng kanilang ancestral domain. Noong Enero huling nagsanay sa kampo ang mga …

Read More »

Lolo patay sa Pasig fire

NAMATAY ang isang 66-anyos lalaki makaraan masunog ang kanyang bahay sa kanto ng Pipino at Napico Streets, Brgy. Manggahan, Pasig City nitong Sabado. Ayon kay Pasig Fire Marshall Chief Inspector Roy Quisto, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Federico Macali sa ikalawang palapag ng kanilang nasunog na bahay. Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog. Nasa P700,000 ang tinatayang halaga ng …

Read More »

Climate change responsibilidad ng lahat

BUNSOD nang kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang panganib na maaaring idulot ng climate change sa pama-magitan ng komprehensibong national policy, ang mga lalawigan at munisipalidad ay dapat gumawa ng mga hakbang kung paano lalabanan ang mapaminsalang phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan Jr., inventor, businessman, executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Aniya, kailangang kumilos upang mapahupa ang climate …

Read More »

8 katao naospital sa amoy ng muriatic at chlorine

OSPITAL ang kinahantungan ng walo katao kabilang ang dalawang pulis, nang makalanghap ng usok mula sa pinaghalong muriatic acid at chlorine makaraan ang masayang paliligo sa isang resort kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City. Isinugod sa Alabang Medical Clinic ang magkapatid na sina Eusebio Lowaton Jr., 39, at Eugene Lowaton, 32, kapwa miyembro ng Philippine National Police; gayondin sina …

Read More »

31st Balikatan Exercises sinimula na

PORMAL nang sinimulan ang sampung araw na Balikatan Exercises o ang taunang pagsasanay militar ng tropang Filipino at Amerikano, ayon sa Palasyo. Inihayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ito ang ika-31 edisyon ng Balikatan mula nang simulang isagawa noong 1951 alinsunod sa Mutual Defense Treaty ng Filipinas at Estados Unidos. Layunin aniya nito na makamit ang katiwasayan at …

Read More »

Sapat na supply ng matibay na coins dapat tiyakin ng BSP

ISANG consumer advocate ang umapela sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tiyakin ang sapat na supply ng barya o coins na de-kalidad at matibay upang hindi kapusin at mawala sa sirkulasyon na lubhang makaaapekto sa mga mamimili at mga pasaherong umaasa rito sa pang araw-araw na buhay. Sa isang panayam sa Quezon City kahapon, ipinahayag ni Rodolfo “RJ” Javellana, …

Read More »

Temperatura sa PH inaasahang tataas pa

INAASAHANG tataas pa ang maitatalang temperatura sa bansa. Ito’y kasunod ng naitalang 36.2 degrees Celsius na temperatura sa Metro Manila nitong Sabado, na pinakamataas na nairekord sa kasalukuyan. “Painit nang painit na po ang panahon kasi papalapit na po’ng Mayo,” ani PAGASA weather forecaster Manny Mendoza. May posibilidad aniyang umabot sa 40 degrees Celsius ang maitatala dahil na rin sa …

Read More »

15 DLTB bus sinuspinde sa aksidente sa E. Samar

SINUSPINDE ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 15 bus ng DLTB kaugnay ng aksidente sa Eastern Samar. Matatandaan, lima ang namatay habang walo ang nasugatan sa banggaan ng isang DLTB bus at isang pampasaherong van sa Quinapondan. Giit ng LTFRB, out-of-line o kolorum ang naaksidenteng bus dahil San Pablo City, Laguna-Pasay City lang ang awtorisadong ruta nito. …

Read More »

IFJ naalarma sa magkasunod na aresto vs PH journalists

http://www.ifj.org/nc/news-single-view/backpid/1/article/second-filipino-journalist-arrested-in-libel-case-in-as-many-weeks/ NAGPAHAYAG ng pangamba ang international media group kaugnay sa isa pang pag-aresto sa isang Philippine journalist dahil sa kasong libel. Labis na naalarma ang International Federation of Journalists (IFJ) kaugnay sa pag-aresto kay Elmer James Bandol habang patungo siya sa kanyang trabaho nitong Miyerkoles ng umaga. Sinabi ng IFJ, ito ang pangalawang pag-aresto sa journalist sa loob lamang ng …

Read More »

Resignasyon ni Espina nakabitin pa

ni ROSE NOVENARIO KINOMPIRMA ni Pangulong Benigno Aquino III na nagbitiw na si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina. Sa ambush interview kay Pangulong Aquino sa inagurasyon ng school building sa Tarlac National High School sa Tarlac City kahapon, sinabi niya na nagsumite ng resignation letter si Espina ngunit hindi pa niya tinatanggap dahil magkakaroon ng …

Read More »

NBI pinuri ng Palasyo sa liquid ecstacy raid

PINURI ng Malacañang ang NBI sa matagumpay na operasyon laban sa sindikato ng illegal drugs na gumagawa at nagbebenta ng “date rape drug” o liquid ecstacy sa Mandaluyong City. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang matagumpay na operasyon ng mga kagawad ng NBI ay bahagi ng pangkalahatang layunin ng pamahalaan na malansag ang iba’t ibang grupo at indibidwal na …

Read More »

Ginang patay sa tusok ng metal fence (Sa anti-drug raid)

CEBU CITY – Nagmistulang barbecue ang isang ginang nang matusok ang katawan sa matulis na kabilya na ginawang metal fence sa gitna ng anti-drug raid sa Sitio Mahayay, Brgy. Calamba, Lungsod ng Cebu kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Maria Lisa Diaz, live-in partner ng suspek na target sa police operation. Tumalon si Diaz mula sa bubong upang hindi mahuli …

Read More »

Kotse niratrat 1 patay, 2 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Iniimbestigahan ng Santiago City Police Office ang dalawang anggulo sa pamamaril kamakalawa ng gabi ng mga suspek na sakay ng van at motorsiklo sa isang kotse sa Batal, Santiago City. Namatay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ang dating nasa #7 sa drug watchlist ng SCPO na si Armando Francisco, 46, residente ng Sitio …

Read More »

2 kelot itinumba sa P’que City

  PATAY ang dalawang lalaki makaraan tadtarin ng bala mula sa kalibre .45 baril kahapon ng madaling-araw sa Paranaque City. Namatay noon din sina Bernard Mortalla, 24, at Christian Podasas, 21, kapwa walang trabaho at residente ng Manalili St., Purok 3, Brgy. Central Bicutan, Taguig City. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan …

Read More »

Kaso ng Pinay na bibitayin idinulog sa int’l org

DUMULOG ang militanteng grupong Gabriela sa isang international organization para mailigtas ang Filipina na nasa death row sa Indonesia. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, nagpadala na sila ng liham sa Women in Parliaments Global Forum (WIP). Hiling nila sa mga kababaihang mambabatas na makiisa sa pakiusap kay Indonesian President Joko Widodo para bigyan ng clemency ang Filipina …

Read More »