Saturday , December 14 2024

Monthly allowance ng pulis, guro ibabalik ni Lim

BUKOD sa mga libreng serbisyo medikal na ibinibigay ng anim na ospital ng Maynila na itinatag sa ilalim ng kanyang termino para sa mahihirap na taga-lungsod, tiniyak din nang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim, ibabalik niya ang buwanang allowances ng mga pulis at guro sa oras na siya ay alkalde na muli.

Sa ginanap na caucus sa Plaza Noli sa Sampaloc kamakalawa ng gabi na dinaluhan ng mahigit sa 2,000 residente, nagpahayag din si Lim ng sentimyento na noong panahon niya ay ipinatigil ng Commission on Audit (CoA) ang pagbibigay ng nasabing allowance sa mga guro at pulis ngunit ito ay pinayagan naman noong si deposed President Joseph Estrada na ang nakaupo.

“Nung panahon ko, ibinawal ng CoA ‘yung allowances ng pulis at teachers. Ngayon, pinayagan. Bakit ganun? Sa panahon ko hindi puwede, tapos sa panahon ni Erap puwede? Eh di pagbalik ko, ibabalik ko din ‘yung mga allowance na ‘yun. Puwede naman pala eh,” pagbibigay-diin ni Lim sa caucus, na dinaluhan din ng kanyang mga kandidato para fourth district Councilor na sina Karen Rigor, Joseph Silva, Pete Galero at Bimbo Quintos, siyang nag-organisa ng nasabing pulong kasama si Barangay Chairperson Guia Castro.

Habang sinabi ng chief of staff ni Lim na si Ric de Guzman, noong panahong si Lim ang alkalde, ipinatigil ng CoA ang nasabing allowances ng mga guro at pulis dahil sinasabing labag ito sa batas at isang uri ng ‘double compensation’ dahil sila ay national employees na nakatatanggap na ng sahod at mga benepisyo mula sa national government.

Ani De Guzman, sa unang termino ni Lim noong 1992, si Lim ang kaunaunahang alkalde na nagbigay sa mga guro at pulis ng allowance na P2,000 kada buwan. Nang muli siyang umupo bilang alkalde ng 2007, dinagdagan ni Lim ng P500 ang allowance ng mga pulis. Sa ilalim din ng administrasyon ni Lim, ang mga principal ng mga pampublikong paaralan sa lungsod ay binibigyan niya ng mula P20,000 hanggang P40,000 kada buwan bilang emergency fund na maaaring gamitin ng paaralan sa mga pangangailangan nila.

Ipinaliwanag ni De Guzman na hindi ‘mandatory’ o  obligasyon sa bahagi ng pamahalaang-lungsod ang nasabing mga allowance at ito ay ibinibigay nang kusa depende kung kaya ng pondo, hanggang sa nagpalabas  ang CoA ng audit observation memo na may petsang Nobyembre 21, 2011 pati na rin sa ibang lungsod na ipinahihinto ang financial assistance sa mga pulis at guro.

Binanggit din sa nasabing memo ang Salary Standardization Law, nagsasabing walang pondo ang maaaring gamitin para sa honoraria, allowances o iba pang uri ng compensation para sa ano mang government official o employee, liban na lamang sa partikular na pinapayagan sa ilalim ng batas. 

About Leonard Basilio

Check Also

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Science City of Muñoz Welcomes DOSTs Regional Science, Technology, and Innovation Week

Science City of Muñoz Welcomes DOST’s Regional Science, Technology, and Innovation Week

Science City of Muñoz, Nueva Ecija – The Department of Science and Technology (DOST) Region …

DOST R02 Successfully Conducts Two-Day Enhancing Science Communication Training

DOST R02 Successfully Conducts Two-Day Enhancing Science Communication Training

The Department of Science and Technology (DOST) Region 2, through its Science and Technology Information …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *