Saturday , July 27 2024

Killer ng parak sa Bulacan tiklo

NAARESTO ng pulisya ang isang hinihinalang hired killer makaraan ang dalawang taon pagtatago sa isang lugar sa San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga.

Sa ulat mula sa San Miguel PNP na pinamumunuan ni Supt. Joel Estaris, ang suspek ay kinilalang si Rogelio ‘Itching’ Orteza Saycon, nasukol sa kanyang pinaglulunggaan sa Brgy. Labane sa naturang bayan.  

Nabatid sa ulat, si Saycon ay may warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang sa isang pulis noong 2014.

Nakompiska sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre .45 pistol, mga bala, hand greanade, dalawang sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Si Saycon, nakadetine sa San Miguel Police Station, ay nahaharap sa kasong paglabag sa sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

About Micka Bautista

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *