Friday , November 22 2024

News

MPD off’l, pulis sinibak sa ikinadenang inmates

SINIBAK ang isang jail official at isang pulis sa Manila Police District (MPD) na itinurong responsable sa pagkakadena sa apat na akusado na nasipat ng HATAW photojournalist habang ibinababa sa headquarters para ilipat sa Manila City Jail nitong Martes ng hapon. Ayon kay MPD Director C/Supt. Rolando Nana, ini-relieve niya si Integrated Jail chief PCInsp. Danilo Soriano  at ang jailer …

Read More »

PNoy takot mag-sorry — Miriam (Dahil sa nagbabantang kaso)

NANINIWALA Sen. Miriam Defensor-Santiago na nagmamatigas na humingi nang paumanhin si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) makaraan mapatay ang international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Enero 25. Ayon kay Santiago, umiiwas at takot si Aquino na mag-sorry upang maiwasan ang …

Read More »

First air cargo inspection portal pinasinayaan ng CEB at Cargohaus (Sa NAIA T3)

PINASINAYAAN ng Philippine leading carrier, Cebu Pacific (PSE: CEB), katuwang ang Cargohaus, ang Smiths Detection CIP-300 air cargo inspection portal, sa NAIA Terminal 3, kahapon. Ang air cargo inspection portal ay kauna-unahan na ini-lagay sa airport sa Asia. Ito ay priority use ng Cebu Pacific Air para sa lahat ng transhipment cargoes na ikinakarga sa international flights patungo at mula …

Read More »

Aguinaldo bagong CoA chairman

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon si Atty. Michael Aguinaldo bilang bagong chairman ng Commission on Audit (CoA) kapalit nang nagretirong si Grace Pulido-Tan. Si Aguinaldo ay nagsilbing deputy executive secretary for legal affairs mula noong Abril 2011. Kabilang sa mga naging trabaho niya sa Palasyo ang pagrepaso sa mga panukalang batas sa Kongreso at kasong administratibo na iniapela …

Read More »

MILF report malaking kalokohan — Sen. Alan

BINATIKOS ni Senador Alan Peter Cayetano ang isinumiteng report ng Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay ng madugong sagupaan sa Mamasapano. Tinawag ng senador na kalokohan ang naturang report at maraming butas. “Pinalaki lang ho ako na bawal magmura kaya hindi ako magmumura sa report na ‘to, pero napakalaking kalokohan po kasi unang-una gobyerno pa may kasalanan at sila pa magko-complain,” …

Read More »

17 konsehal, 100+ staff ng Makati ‘di makasasahod ngayong Marso  

HINDI makasasahod ang 17 konsehal ng Makati City at 120 staff nila nga-yong katapusan ng Marso dahil sa isyu ng pagkakaroon ng dalawang alkalde ng lungsod.  Ayon kay Councilor Mayeth Casal-Uy, hindi pinirmahan ni acting Ma-yor Romulo “Kid” Peña ang tseke para sa kanilang sahod dahil iginigiit na siya ang acting ma-yor ng lungsod.  Sa bise alkalde nakaatas ang pag-awtorisa …

Read More »

Walang Pinoy sa bumagsak na German plane sa France — DFA

WALANG Pilipino sa 150 pasahero at crew na pinangangambahang namatay sa pagbagsak ng German plane sa France. Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose, batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa embahada ng Filipinas sa Paris, walang Filipino sa listahan ng mga pasahero ng Lufthansa Germanwings flight 4U 9525. Una nang naiulat na 144 pasahero at anim na crew ang sakay ng …

Read More »

18-anyos dalagita nakatakas sa manyak na kidnaper

NAKATAKAS ang isang 18-anyos dalagita sa isang manyakis na dumukot sa kanya sa Marikina City kamakalawa ng gabi. Ayon kay PO3 Vanessa de Guzman ng Marikina PNP Women’s and Children’s Desk, itinago ang biktima sa pangalang Lorna, 18-anyos. Kwento ng biktima, dakong 8 p.m. naglalakad siya sa Gil Fernando Avenue, Sto. Niño sa lungsod nang huminto sa tapat niya ang …

Read More »

8 manyak pila-balde sa dalagita

MAAGANG napariwara ang puri ng isang 15-anyos dalagita makaraan halinhinang gahasain ng walong kabataan sa isang abandonadong kubo sa Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Agad naaresto ng pulisya ang mga suspek na sina Jaymark Alfonte, 18; Ariel Cierva, 22; Albert Cierva, 21; Rowell Capistrano, 21; Resty Talangan, 20; Delfin Beraquit, 19; at  dalawang menor de edad …

Read More »

3 drug pusher tiklo sa shabu at baril

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga elemento ng Anti-illegal Drug Force ng San Fernando Police, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency-3 (PDEA-3) ang isang lalaki at dalawang babaeng hinihinalang notoryus na drug pusher sa buy-bust operation sa Brgy. Quebiawan, City of San Fernando. Sa ulat ni Supt. Rechie Duldulao, hepe ng San Fernando Police, sa tanggapan ni Senior …

Read More »

Jeepney bumaliktad 2 patay, 10 sugatan (Sa Zamboanga City)

ZAMBOANGA CITY – Dalawang pasahero ang namatay habang hindi bababa sa 10 ang sugatan makaraan bumangga sa poste ng koryente ang isang public utility jeepney (PUJ) hanggang bumaliktad sa highway ng Brgy. Pasobolong sa Zamboanga City kahapon. Ayon kay Supt. Ariel Huesca, hepe ng Zamboanga City Public Safety Company (ZCPSC), papunta sa sentro ng lungsod ang naturang sasakyan dakong 8 …

Read More »

Iniwan ng GF binatilyo nagbigti

KALIBO, Aklan – Dinamdam ng isang 17-anyos binatilyo ang pakikipaghiwalay ng kanyang girlfriend kaya nagbigti sa puno ng mangga sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa Brgy. Polocate, Banga, Aklan kamakalawa. Ayon sa mga kaanak ng biktima, nitong mga huling araw ay kalimitang nakatingin sa malayo at bakas ang kalungkutan sa mukha ng biktimang hindi muna pinangalanan, residente ng naturang …

Read More »

54-anyos mister sinaksak ng 65-anyos misis (Tumangging magmasahe)

LA UNION – Sugatan ang isang lalaki makaraan saksakin ng kanyang misis nang tumanggi ang biktima na masahiin ang suspek kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin, lungsod ng San Fernando. Kinilala ang biktimang si Edwin Obra, 54, habang ang salarin ay mismong misis niyang si Isabelita, 65-anyos. Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago matulog ang mag-asawa kamakalawa ng gabi, hiniling …

Read More »

PH ex-Ambassador sa Nigeria guilty sa malversation

HINATULANG guilty ng Sandiganbayan si dating Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa para sa tatlong counts ng kasong malversation of public funds. Ito’y kaugnay ng maanomalyang paggamit ng dating opisyal sa US$ 80,478.80 o P3,749,948.98 na Assistance to Nationals stand-by funds. Ayon sa desisyon ng Sandiganbayan, 10 hanggang 17 taon makukulong si Umpa kaakibat ang habambuhay na diskwalipikasyon sa pagbabalik-gobyerno. …

Read More »

Jeane Napoles nagpiyansa sa P17.8-M tax evasion case

NAGLAGAK ng piyansa sa kasong tax evasion si Jeane Catherine Napoles, anak ng itinuturong utak ng bilyong-pisong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles. Oktubre 2013 nang kasuhan ng tax evasion si Jeane ng Bureau of Internal Revenue (BIR) bunsod nang hindi pagbabayad ng buwis para sa mga ari-arian sa loob at labas ng bansa. Setyembre 2014 nang aprubahan ng …

Read More »

 ‘Barbie’ sumalang sa witness stand vs Pemberton

SA ikalawang araw ng murder trial ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, tumestigo si alyas Barbie, itinuturing na star witness ng prosekusyon. Akusado si Pemberton sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong Oktubre 2014. Kaugnay nito, kontento ang pamilya Laude sa pagsalang ni Mark Clarence Gelviro alyas Barbie sa witness stand, na itinuro …

Read More »

Sanggol namatay sa meningococcemia (Sa CamSur)

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-buwan sanggol dahil sa sakit na meningococcemia sa Fernando, Camarines Sur, ayon sa report na natanggap ng Department of Health (DoH). Ayon sa DoH, noong Marso 17 namatay ang sanggol at dahil positibo sa sintomas ng meningococcemia ang biktima ay agad inilibing at binigyan ng prophylaxis ang mga naging close contact. Samantala, iimbestigahan ng Philippine …

Read More »

LRT operation ititigil sa Semana Santa

PANSAMANTALANG ititigil ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT ) Line 1 at Line 2 sa Semana Santa (Abril 2 hanggang Abril 5), pahayag ng pamunuan ng LRTA kahapon. Sinabi ng tagapagsalita ng LRTA na si Atty. Hernando Cabrera, mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay ay walang biyahe ang kanilang mga tren sa LRT Line 1 at …

Read More »

Ligtas ang lahat sa Earth Hour — Roxas

KASABAY ng pakikiisa ng buong Pilipinas sa ‘Earth Hour’ ngayong Marso 28, siniguro ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nakaalerto ang buong Philippine National Police (PNP) laban sa mga krimeng maaaring maganap sa dilim. Ayon kay Roxas, gumagalaw ang pulisya alinsunod sa OPLAN Lambat-Sibat, ang mas pinalawak na taktika ng PNP laban sa krimen, sa pamamagitan ng …

Read More »

 ‘Songs for Heroes Benefit Concert’ para sa “SAF-44” tagumpay!

MANILA, Philippines – ANIM na milyong piso ang nalikom sa matagumpay na benefit concert na ‘Songs for Heroes’ sa Mall of Asia (MOA) noong Marso 19 para sa mga napaslang at mga nasu-gatang kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police (SAF-PNP) matapos ang kanilang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Ang proyekto ay sa kagandahang loob ni Bro. …

Read More »

2 coco farmer nangisay sa koryente

KALIBO, Aklan – Patay ang dalawang lalaki nang makoryente habang nangunguha ng niyog sa Altavas, Aklan kamakalawa. Kinilala ni PO3 Venus Olandesca ng Altavas PNP station, ang mga biktimang sina Joseph Lorempo, 44, residente ng Man-up, Batan, at Ali Gonzaga, 46, ng Poblacion, Altavas. Base sa report, habang nangunguha ng niyog si Lorempo ay nahulog ang isang bunga sa linya …

Read More »

Parusa ikinasa vs S’matic (Accuracy ng 2013 polls ipinahamak ng Smartmatic —Koko)

MAAARING mapatawan ng sanctions ang Smartmatic-TIM dahil sa pagkakaroon ng digital lines sa electronic images ng mga balota noong 2013 elections na nakaapekto sa accuracy ng vote count ng naturang halalan. Ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel, co-chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Elections Systems, kapag hindi naipaliwanag at naremedyohan ng Smartmatic-TIM ang problema ng digital lines, dapat …

Read More »

PNoy may pananagutan sa Fallen 44 — De Lima  

AMINADO si Justice Secretary Leila de Lima na may pananagutan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao. Gayonman, binigyang-diin niya na ang pananagutan ng Pangulo ay hindi maituturing na kriminal. “That is an error in judgment that one can only know from hindsight. …

Read More »

Pribatisasyon sa P92-B Coco Levy funds tuloy na  (Pandarambong ni Aquino at Coco Levy MAFIA — KMP)

WALA nang makaaawat sa Palasyo sa pagsasapribado ng coco levy funds na umaabot sa halagang P92-B sa kabila ng akusasyon ng ilang farmers’ group na iskema ito nang pandarambong ng administrasyong Aquino. Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.,  ayon kay Agricultural Modernization and Food Security Assistant Francis Pangilinan, ikinakasa na ang resolusyon na lilikha sa isang multi-sectoral stakeholders …

Read More »

P.1-M reward vs nagpainom ng asido sa traffic enforcer

MAGBIBIGAY ng halagang P.1 milyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa sino mang makapagtuturo sa tatlong holdaper na nagpainom ng asido sa hinoldap nilang traffic enforcer sa Caloocan City. Ayon kay Tolentino, dapat agad madakip ang mga suspek upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni MMDA traffic constable Alfredo Barrios. Nais din ni Tolentino na magsagawa nang …

Read More »