Friday , December 13 2024

Pinas lubog sa kahirapan — UP Profs (Noong panahon ni Marcos)

KAIBA sa deklarasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bansa sa ilalim ng pamumuno ng kanyang amang si Ferdinand Marcos ay hindi ang ‘ginintuang siglo’ ng Filipinas kundi isang panahon ng malubhang kahirapan na halos kalahati ng kabuuang populasyon ay lugmok sa paghihikahos hanggang mapatalsik sa poder noong 1986.

Sa pahayag na nilagdaan ng mga miyembro ng mga propesor at guro sa Department of History ng University of the Philippines na inisyu noong Marso 28, mariing pinasinungalingan ng mga guro ang tinawag nilang ‘alamat at panlilinlang’ sa likod ng mga nagsasabing ang bansa sa ilalim ni Marcos ay ‘panahon ng kapayapaan at kaunlaran.’

Ayon pa sa mga guro, “batbat ng krisis sa ekonomiya ang bansa sa mga taon na si Marcos ang pangulo” at ang “pinakahayag na palatandaan nito ang lawak ng kahirapan.”

“Tumaas ang poverty incidence mula 41% noong dekada 60 hanggang sa 59% noong dekada otsenta” panahon na pinairal ng rehimeng Marcos ang “bagong mga pagbubuwis, malawakang tanggalan sa trabaho, at ang nagliparang antas sa pagtaas ng presyo na nasa 54% noong 1984.

Nauwi ang tagpong ito sa halos doble o 92% pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin at 5.4% na pagbagsak ng ekonomiya sa nasabing mga taon.

“Naramdaman nang husto ang paghihikahos ng karamihan sa biglang pagpaimbabaw ng dalawang usapin – ang pagkamatay ng maraming sanggol at insurgency o pag-aaklas laban sa pamahalaan. Dumami ang krimen, lumobo ang bilang ng rebelde,” ayon sa pahayag.

Binatikos din ng mga propesor ng UP Diliman ang mga hakbang tungo sa pagpapatibay ng opinyon na ‘pinigilan’ ng EDSA People Power Revolution “ang ganap na pag-unlad gaya ng Singapore” sa pagsasabing ito ay “isang kasinungalingan.”

“Sinira ni Marcos ang ekonomiya sa kanyang pangangasiwa. Giba-giba na ito bago pa man ang EDSA Revolt. Mula 1970 hanggang 1980, pinakamababa na ang 3.4% GDP ng Filipinas sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya,” paliwanag ng mga propesor.

Tinuldukan ng mga guro ng UP ang kanilang pahayag sa pagsabi na nilalansi ni Bongbong at ng kanyang pamilya ang mamamayan upang “makaligtas sa pananagutan” at ng panawagan sa mga botante na “masinsinang suriin ang nakaraan… pigilan ang panlilinlang, at panagutin” ang may kasalanan sa bayan.

About Hataw News Team

Check Also

Honey Lacuna Yul Servo Nieto Manila Seal of Good Local Governance SGLG

Mayor Honey, muling gumawa ng kauna-unahang record sa kasaysayan ng Maynila

MULI na namang gumawa si Manila Mayor Honey Lacuna ng kauna-unahang record sa kasaysayan ng …

NBI Depleted Uranium

100 kilo ng mapanganib na mineral/bakal kompiskado
ILEGAL NA KALAKALAN NG ‘DEPLETED URANIUM’ NALANSAG NG NBI
Mag-asawa, ahente arestado

nina NIÑO ACLAN at EJ DREW ISANG malaking grupo na nagbebenta ng mapanganib na mineral …

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *