LAOAG CITY – Inoobserbahan sa isang pribadong ospital sa San Nicolas, Ilocos Norte, ang isang 6-anyos totoy bunsod nang matinding sugat sa ulo makaraan pagkakagatin ng alagang pit bull kamakalawa. Ayon kay Brgy. Chairman Emmanuel Ragingan ng Brgy. 13 sa nasabing bayan, nagpasaklolo sila sa mga pulis dahil hindi nila maawat ang pit bull sa pagkagat sa bata na nabutas …
Read More »BBL nabinbin sa Kongreso (‘Di naihabol sa deadline)
NABIGO ang Kongreso na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagtatapos ng sesyon nitong Miyerkoles. Nagsara ang pagdinig kamakalawa nang hindi pa rin natutuldukan ang interpellations at debateng magbibigay-daan sa pag-amyenda sa BBL. Inihayag ni House Speaker Sonny Belmonte na ipagpapatuloy nila ang paghimay sa panukala sa muling pagbubukas ng sesyon sa Hulyo. Setyembre o Oktubre ang bagong target …
Read More »Bebot pinatay, sinunog ng live-in partner
PINATAY sa sakal ang isang babae ng kanyang kinakasama at sinunog ang kanyang bangkay sa gitna ng bukirin sa Brgy. Catacte, Bustos, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng kanyang mga kamag-anak sa pamamagitan ng suot na underwear ang biktimang si Aprilyn Estrella, 27, ng Brgy. Malawak sa nasabing bayan. Habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Joselito Bregino, pahinante …
Read More »P225-M shabu nasabat sa intsik at pinay (Sa Quezon City)
UMAABOT sa halagang P225 milyong shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District–District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa isang Chinese national at kasamang Filipina sa buy-bust operation kahapon ng umaga sa nasabing lungsod. Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang mga nadakip na sina Garry Go, tubong China, at Sheralyn Borromeo, kapwa pangsamantalang …
Read More »China bullying papalagan sa West Philippine Sea Coalition rally ngayon
HINDI palalagpasin ng mga Pilipino sa pangunguna ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III ang pambu-bully ng China sa ating bansa sa paglulunsad ng malawakang rally kaugnay ng pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan ngayon sa harap ng Chinese Consulate sa Buendia Avenue sa Makati City. Ayon kay Alunan, ipapadama ng West Philippine Sea Coalition …
Read More »Mag-ama todas sa trailer truck
HINDI na umabot nang buhay ang isang mag-ama makaraan sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang trailer truck sa lungsod Quezon kahapon ng hapon. Sa ulat ni Insp. Erlito Renegin, hepe ng Quezon City Police District Traffic Sector 1, kinilala ang mag-amang sina Edwin Aningalan, 58, at Albert, 32, kapwa residente ng Caloocan CIty. Habang sumuko ang driver ng truck …
Read More »Llamas itinanggi black prop vs Mison (Itinuro ng tagapagsalita ng BI)
SI Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas ang tinutukoy na Cabinet Secretary na utak ng black propaganda laban kay Immigration Commissioner Siegfred Mison. Ito ang lumalabas sa media release ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Atty. Elaine Tan, kamakalawa sa kasagsagan ng pulong ng mga Gabinete sa Malacañang. Kaugnay nito pina-bulaanan ni Llamas na siya at ang grupong Akbayan …
Read More »Mison sinabon (Ipinatawag ni De Lima)
IPINATAWAG ni Justice Secretary Leila de Lima si Bureau of Immigration Chief Siegfred Mison kaugnay sa sinasabing pagbibigay ng payola ng Chinese fugitive na si Wang Bo upang hindi mai-deport sa kanilang bansa. Sinasabing sinabon ni De Lima si Mison kaugnay sa isyu na mariing itinanggi ng BI chief. Kaugnay nito, iminungkahi ni Mison na bumuo ng karagdagang dibisyon sa …
Read More »Direct flights mula SOKOR hinigpitan sa Kalibo Airport (Dahil sa MERS-CoV)
KALIBO, Aklan – Tini-yak ng Kalibo International Airport ang mahigpit na pagbabantay upang masigurong hindi makapapasok sa bansa partikular sa isla ng Boracay, ang Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-COV). Sinabi ni Mr. Martin Terre, manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP-Aklan), lalo pa nilang hinigpitan ngayon ang kanilang quarantine measures. Ayon kay Terre, inalerto nila ang kanilang …
Read More »Binay ‘di manok ni PNoy sa 2016
BAGSAK sa pamantayan ni Pangulong Benigno Aquino III ang kwalipikasyon ni Vice President Jejomar Binay para iendoso bilang presidential bet sa 2016 elections. Ito ang ipinahiwatig ng Palasyo kahapon kasunod ng pahayag ni Binay na umaasa pa rin siya na ikonsidera ng Pangulo sa pagka-presidente sa 2016 polls. Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nabanggit na ni Pangulong Aquino …
Read More »Bunso pinatay ni kuya (May relasyon kay misis)
CEBU CITY – Bunsod nang matinding selos, binaril at napatay ng isang lalaki ang kanyang nakababatang kapatid sa Brgy. General Climaco sa Lungsod ng Toledo, Cebu kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Bryn Venanel, 23, walang asawa, habang ang suspek na kuya niya ay si Abondio Venanel, 43, parehong construction worker. Hindi na umabot nang buhay si Bryn sa Toledo District …
Read More »Paglilipatan ng ‘Bilibid 19’ inaayos na ng NBI
MINAMADALI nang ayusin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang selda na paglilipatan sa tinaguriang “Bilibid 19” makaraan nabuking ng mga pulis na may ipapasok na naman sanang dalawang cellphone at isang pocket wifi sa kanilang selda. Ayon kay Atty. Virgilio Mendez, Director ng National Bureau of Investigation (NBI), narekober sa bisita ng inmates ang dalawang cellphone at pocket wifi …
Read More »3-anyos paslit ginilitan sa leeg ng ama
DAGUPAN CITY – Hindi makapaniwala ang pamilya na gigilitan sa leeg ang 3-anyos paslit ng kanyang sariling ama sa Cabanatuan, Nueva Ecija kamakalawa. Nais nilang mabulok sa kulungan ang suspek makaraan ang tangkang pagpatay sa bata. Napag-alaman, nasa ibang bansa ang ina ng paslit habang nasa poder ng kanyang mga magulang ang mga anak. Una rito, binisita lamang ng suspek …
Read More »Libreng Wi-Fi lusot na sa Kamara
APRUB na sa Kamara ang panukalang magkaroon ng libreng public Wi-Fi sa bansa. Nabatid na 211 mambabatas ang kumatig sa panukala sa botohan nitong Martes. Halaw ang House Bill No. 5791 o “an Act providing free public wireless internet access” sa ipinanukala ni Kabataan party-list Rep. Terry Ridon na House Bill1550. Sa bisa ng batas, maglalagay ng libreng Wi-Fi sa …
Read More »Independence Day, araw ng protesta kontra China — Alunan
SINUPORTAHAN ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Rafael Alunan III ang protesta sa Araw ng Kalayaan sa Biyernes (Hunyo 12) ng West Philippine Sea Coalition na may temang “China Stop Bullying! Be A Responsible Asian Leader” sa harapan ng Chinese Consulate sa Buendia Avenue, Makati City. Ayon kay Alunan, napapanahon nang ipakita ng sambayanan ang pagkakaisa …
Read More »Mag-uutol tiklo sa rape vs 15-anyos dalagita
TAYABAS City – Makaraan ang limang taon, nadakip ang tatlong magsasakang magkakapatid na gumahasa sa isang 15-anyos dalagita sa Brgy. Poblacion, Tayabas City. Ang biktima ay itinago sa pangalang Abigail, residente ng naturang lungsod. Habang detinedo sa lock-up Jail ng Tayabas PNP ang magkakapatid na sina Limson Perlas Mayores, Eugene Perlas Mayores, at Rizaldy Perlas Mayores, pawang ng nasabi ring …
Read More »Pagmimina sa Bulacan posibleng magpagalaw sa West Valley Fault
NANGANGAMBA ang isang enviromental group na maging sanhi ng paggalaw ng West Valley Fault ang pagmimina sa Bulacan. Sinabi ni Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Environmental Society Inc. (SSMESI), may pabrika ng semento na malalim na lupa na ang minimina para makakuha ng limestones. Naipaabot na aniya ito ng grupo sa pamahalaan ngunit sinagot sila na hindi ito …
Read More »9 babaeng Cebu dancing inmates sinaniban ng bad spirits?
CEBU CITY – Iba’t ibang mga opinyon mula sa simbahan at sa mga doktor ang nangyari sa siyam na babaeng inmates na sinasabing sinaniban ng masasamang espirito. Ayon kay Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center-Jailgurad Vernon Cañete, siyam na inmates ang naging wild at nag-iba ang boses. Ayon kay Cañete, ang mga sinaniban ay nahaharap sa kasong ilegal na droga. Una …
Read More »Mison ginisa sa Kamara
GAYA ng kasabihan na ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig, mistulang ito ang nangyari kay Bureau of Immigration Commissioner Siegfried Mison sa isinagawang congressional inquiry kahapon sa Kamara. Palusot ni Mison kasama ang dalawang associate niya na sina Abdullah Mangotara at Gilberto Repizo sa Committee on Good Governance and Public Accountability, hindi ‘authenticated’ ang mga dokumentong ibinigay sa kanila …
Read More »Sambayanang Pilipino hinimok ni Alunan na kontrahin ang BBL
HINIKAYAT ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary RafaeI M. Alunan III ang milyon-milyong Pilipino na makiisa sa pagkontra sa pagsasabatas ng kontrobersiyal na BangsaMoro Basic Law (BBL) dahil sa tahasang pagtataksil sa pagtitiwala ng publiko at pambabastos sa ating Saligang Batas. Iginiit ni Alunan na bukod sa pagsira sa pagtitiwala ng sambayanan at pagsasawalang galang sa …
Read More »CoA chief, Comelec commissioner lusot sa CA
LUSOT na sa committee level ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Commission on Audit Chairman Michael Aguinaldo bilang kapalit ng nagretirong si CoA chair Grace Pulido-Tan. Walang oposisyon sa kompirmasyon ni Aguinaldo. Ngunit bago irekomenda ang kompirmasyon, pinaalalahanan muna ni Rep. Rudy Fariñas si Aguinaldo na huwag hayaang magamit siya o ang CoA bilang oppression tool. Kompiyansa si Fariñas …
Read More »3 pulis ng MPD-PS4 sinibak sa puwesto (Preso namatay sa bugbog)
SINIBAK sa puwesto ang tatlong tauhan ng Manila Police District- Station 4 habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang preso sa nasabing estas-yon makaraan pagtulungang bugbugin ng mga kapwa preso. Ayon kay Supt. Mannan Muarip, hepe ng MPD-PS4, base sa kanilang daily personnal accounting report, lima sa naka-duty na pulis ay tatlo lamang ang pumasok sa kanilang shift nang mangyari ang pagbugbog sa biktimang …
Read More »Prison guard ng PDEA-Bicol arestado sa droga
LEGAZPI CITY – Hinihintay na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang resulta ng imbestigasyon ng PNP makaraan maaresto ang isa sa kanilang prison guard na nahulihan ng baril at droga sa Albay. Ayon kay PDEA Deputy Regional Dir. Rayford Yap, nakakulong na ang kanilang kasama na si George Barizo kasama ang tatlong iba pa nang maaktohan sa bahay …
Read More »Mister nag-suicide sa harap ni misis
NAGA CITY – Patay ang isang lalaki makaraan magbaril sa sarili sa harap ng kanyang misis sa Brgy. Sta. Justina, Buhi, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Yunel Añes, 31-anyos. Nabatid na pinuntahan ng biktima ang kanyang asawang si Sarah Jane Añes, 28, sa bahay ng magulang at kinompronta tungkol sa kanilang problema. Makaraan ang sandaling pag-uusap ng mag-asawa, …
Read More »SSS pension hike aprub sa Palasyo
BUKAS ang Malacañang sa panukalang dagdagan ng P2,000 ang tinatanggap na pensyon ng Social Security System (SSS) members sa bansa. Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma ang pahayag makaraan lumusot sa Kamara ang panukalang batas na isinulong ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. Sinabi ni Coloma, isa sa mga mahalagang layunin na itinataguyod ng pamahalaan ay pangalagaan ang kapakanan ng …
Read More »