Sunday , November 24 2024

News

Marcos nanawagan kampanya vs ISIS

INALARMA ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., ang intelligence agencies ng militar at pulisya na paigtingin ang kanilang operasyon laban sa balak na pagtatag ng official faction ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Southeast Asia ng Malaysian terrorists na nagtatago sa Mindanao. Ginawa ni Marcos ang panawagan makaraan ang madugong pag-atake ng mga terorista sa Paris, …

Read More »

4 NAIA cops sinibak sa tanim-bala

SINIBAK na sa kanilang puwesto ang apat pulis mula sa National Capital Region (NCR) unit ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) bunsod nang sinasabing pangongotong kay American missionary Lane Michael White. Ayon kay PNP AVSEGROUP spokesperson, Chief Insp. Vicente Castor, ang mga sinibak sa puwesto habang iniimbestigahan ay sina SPO1 Rolando Clarin, SPO2 Romy Navarro, Chief Insp. …

Read More »

WALANG PAHINGA ANG PROTESTA. Mahigpit man ang seguridad na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) tuloy ang protesta ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa harapan ng Korte Suprema sa Padre Faura St., sa Ermita, Maynila para kondenahin ang magarbong preparasyon at perhuwisyo sa traffic at pangkaraniwang mamamayan nang isara ang Roxas Blvd., at iba pang pangunahing kalye sa …

Read More »

Katutubong Bicolano kinalinga ng INC (Pabahay at kabuhayan ipinagkaloob)

DAHIL sa kawalan ng sapat na pagkakakitaan at tirahan para sa mga pamilyang bahagi ng Kabihug indigenous community, inilunsad kamakailan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation ang isang housing project at proyektong pangkabuhayan para sa mga Kabihug na nakatira sa Barangay Bakal, Paracale, Camarines Norte. Ang Kabihug ay katutubong grupo na kabilang sa hanay …

Read More »

TR-APEC-TA’DO (Angal ng commuters at motorista)

TRAFFIC tinarantado ng APEC o tr-APEC-ta’do. Ito ang sentimyento ng commuters na napilitang maglakad mula Coastal Road sa Parañaque City patungo sa Plaza Lawton sa lungsod ng Maynila kahapon resulta ng pagsasara sa Roxas Boulevard at iba pang kalsada sa Pasay City at Maynila upang bigyang-daan ang world leaders na lalahok sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit. Ang iba …

Read More »

Public hearing sa mall voting kasado na — Comelec (Sa 2016 polls)

NAKAHANDA na ang idaraos na public hearing ng Commission on Elections (Comelec) para sa isinusulong na kauna-unahang mall voting para sa 2016 presidential elections. Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, iimbitahan nila sa nasabing pagdinig ang mga political party, media at iba pang stake holders. Itinakda ang hearing sa huling bahagi ng Nobyembre. Bagama’t positibo ang feedback ng publiko sa …

Read More »

Botohan sa EDCA legality iniliban

INILIBAN ng Supreme Court (SC) ang botohan para sa Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).  Matatandaan, mainit na usapin ito dahil sinaabing walang basbas ng Senado ang pinasok na kasunduan sa Estados Unidos. Naging paksa rin ito ng mga diskusyon makaraang masangkot ang isa sa mga sundalo ng Amerika na si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton sa pagpatay sa …

Read More »

NBI employee, negosyante nagbarilan, 1 patay, 1 sugatan

ILOILO CITY – Pinasusuko ni National Bureau of Investigation (NBI) Reg. 6 Dir. Atty. Mario Sison ang kanilang contractual employee makaraang barilin at mapatay ang isang negosyante sa music bar sa Smallville Complec, Mandurriao, Iloilo City kamakalawa. Sinabi ni Atty. Sison, tumawag sa kanya ang suspek na si Mark Blancaflor ng Jaro, Iloilo City, at nagsabi na susuko siya ngunit hindi na makontak. …

Read More »

10 buwan sanggol binugbog ng ina

LEGAZPI CITY – Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang isang 10 buwan gulang sanggol na binugbog ng inang may problema sa pag-iisip, makaraang masagip sa Castilla, Sorsogon. Napag-alaman, matagal nang binubugbog ng ina ang sanggol na labis na ikinaalarma ng mga kapitbahay kaya nagsumbong sa mga awtoridad. Kasama ang mga tauhan ng DSWD …

Read More »

Utang sa shabu ‘di binayaran, tulak itinumba

BINARIL hanggang mapatay ang isang tulak ng shabu ng kapwa niya drug pusher kahapon ng madaling-araw sa Meycauayan City, Bulacan. Isang tama ng bala sa noo na tumagos sa likod ang tumapos sa buhay ni Zend Rick Calma, 29, habang pinaghahanap ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Parah ‘Bukol’ Pangkuga Ajinoor, kapwa residente ng Northville 3, Brgy. Bayugo …

Read More »

Kelot utas sa illegal connection

PATAY ang isang lalaki makaraang barilin ng dalawang lalaking sinasabing karibal ng biktima sa pagkakabit ng illegal connection sa koryente kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Danilo Zinampan, 41, residente ng Phase 3, Flovi Homes, Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod. Habang masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang …

Read More »

Suporta ng volunteers kay Leni lumolobo

PATULOY ang paglobo ng bilang ng volunteers mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagtakbo ni Leni Gerona Robredo, ang vice presidential candidate ng Liberal Party, katambal ni pre-sidential candidate Mar Roxas. Nagtipon-tipon ang volunteers mula sa civil society organizations, propesyonal, may-ari ng small at medium-size enterprises, academe at mga estud-yante, ang iba’y galing pa sa labas ng Metro …

Read More »

DOJ patas sa kaso ng INC – Kapunan (Kay Sec. Ben Caguioa)

NAGPAHAYAG ng pananalig si Atty. Lorna Kapunan na ang Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng bago nitong kalihim na si Sec. Alfredo Benjamin Caguioa ay magpapasya sa kaso ng Iglesia Ni Cristo (INC) batay sa “merito” dahil malinis ang reputasyon nito at kilala sa katapatan. “Nasa kasong isinampa ni Samson ang atensiyon ng media ngayon, at sigurado ako na …

Read More »

Cabanatuan truck ‘inagaw’ ng Palayan City at Kapitolyo (Politika sa NE umiinit na)

UMIINIT na ang politika sa Nueva Ecija matapos ‘kompiskahin’ ng Palayan City police at ng provincial government ang ten-wheeler truck na pag-aari ng Cabanatuan City. Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lando nagresponde ang engineering team ng Cabanatuan City sa utos ni mayor Jay Vergara sa bayan ng Gabaldon dahil naharangan ng mga batong inagos ng baha ang mga daanan. …

Read More »

Atake sa Paris WWIII piecemeal (Ayon kay Pope Francis)

ITINURING ni Pope Francis na “inhuman at piecemeal ng World War III” ang madugong pag-atake sa Paris na ikinamatay ng mahigit sa 120 katao. Labis na nasaktan ang Santo Papa sa aniya’y dahil mga inosenteng sibilyan ang mga nabiktima. Malapit si Pope Francis sa mga mamamayan ng France kaya ipinagdarasal niya lalo na ang mga biktima ng terroristic attacks. Nabatid …

Read More »

Sabwatang prison guards at inmates sa NBP sinisilip

MAYROONG nagaganap na sabwatan sa pagitan ng mga guwardiya ng maximum security compound ng National Bilibid Prisons (NBP) at mga inmate. Kinompirma ito ni Bureau of Corrections (BUCOR) Director Ranier Cruz patungkol sa hindi maubos-ubos na kontrabando sa loob ng Bilibid. Ayon Kay Cruz, isa ang sabwatan ng mga guwardya at inmates sa ilang dahilan kaya nakapapasok ang kontrabando sa …

Read More »

Junior ni Fariñas patay (Motorsiklo sumalpok)

PATAY ang bunsong anak ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo “Rudy” Fariñas nang maaksidente sa Bacarra, Ilocos Norte, dakong 5 a.m. kahapon. Kinilala ang biktimang si Rodolfo Farinas Jr., dati ring Sangguniang Kabataan president ng Ilocos Norte, idineklarang dead on arrival sa isang ospital sa Laoag City. Ayon sa mga awtoridad, sakay ng motorsiklo si Fariñas nang sumalpok sa isang concrete …

Read More »

4 paslit todas sa sunog

ILOILO CITY – Patay ang apat na bata nang makulong sa nasunog na bahay kamakalawa sa lungsod na ito. Nangyari ang insidente sa Poblacion, Nueva Valencia, Guimaras. Ayon kay PO2 Elmar Tolledo, natutulog ang mga biktimang magpipinsan na kinabibilangan ng dalawang 4-anyos, isang 5-anyos, at isang 10-anyos, nang maganap ang insidente. Nagkataon na wala ang kanilang mga magulang sa bahay …

Read More »

Non-Pinoys sa protesta vs APEC huhulihin

AARESTUHIN ang sino mang foreigner na sasali sa mga kilos-protesta sa kaugnay sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit. Giit ni Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Director Jonathan Ferdinand Maino, dapat sumunod ang lahat ng mga dayuhan sa mga batas. Dagdag ni Maino, kanilang aarestuhin ang mga dayuhan na lalabag sa batas na nagbabawal sa kanila na sumali …

Read More »

Lapid pasok sa magic 12 (Base sa RMN survey)

PASOK at bumulusok na sa magic 12 senators si senatorial candidate Mark Lapid batay sa RMN 2016 election survey. Halos naungusan pa ni Lapid na makapasok sa magic 12 ang re-electionist senators at senatorial candidates na sunod-sunod na ang political at campaign ads sa mga radio at telebisyon at maging sa social media. Dahil dito, ganoon na lamang ang lubos …

Read More »

SINUNOG ng mga miyembro ng militanteng grupong Anakbayan at Bayan Muna ang bandila ng Estados Unidos sa kanilang protesta sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard,   Maynila kaugnay sa kanilang pagtutol sa APEC Summit at pagtuligsa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) (BONG SON)

Read More »

Habla laban sa Iglesia ibabasura (Sa tingin ng eksperto sa depensang legal)

ISANG kilalang eksperto sa depensang legal ang matapang na nagbigay ng kanyang prediksyon sa reklamong “harassment, illegal detention, threats and coercion” na isinampa ng dating ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Isaias Samson laban sa pangasiwaan ng INC na kasalukuyang nakabinbin ang resolusyon sa Department of Justice (DOJ). “Gaya ng aking nakinita noon, ang kaso laban sa mga …

Read More »

NAGKALAT pa rin ang mga batang lansangan at pulubi sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Pasay City na itinuturing na makasisira sa imahe ng bansa sa mata ng mga delegado na dadalo sa APEC Summit. (JERRY SABINO)

Read More »

NAKALAWIT ng mga operatiba ng MPD PS-8 sa pamumuno nina Supt. Santiago Pascual at Senior Insp. Cicero Pura ang sampu katao na naaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa Islamic Center sa Palanca St., Quiapo, Maynila kamakalawa. Ang operasyon ay kaugnay sa isinasagawang ‘Oplan Galugad’ na direktiba ni MPD district director, Chief Supt. Rolando Nana. (BRIAN BILASANO)

Read More »

VENDORS APEC-TADO. Nagkilos-protesta ang mga vendor at militanteng grupo sa harap ng Manila City Hall bilang pagkondena sa pagbuwag sa kanilang pwesto sa public market at pagkompiska sa kanilang mga paninda ng mga tauhan ng Manila City Hall at MMDA bunsod ng gaganaping APEC Summit. (BONG SON)

Read More »