Ama nagbigti sa problema sa pamilya

NAGA CITY – Bunsod nang matinding problema, nagbigti ang isang padre de pamilya sa Garchitorena, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Alfie Frias, 30-anyos, ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, ang 7-anyos anak ng biktima ang nakakita sa wala nang buhay na katawan ng ama habang nakabitin sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa mga kaanak ni Frias, pasado 11:30  am kamakalawa, buhay pa ang biktima at walang ibang idinaraing kundi ang kanilang nararanasang problema sa pamilya.

Ito ang tinitingnang dahilan ng pagbibigti ng biktima.