Tuesday , December 6 2022

Buntis pinatay isinilid sa sako

ISANG bangkay ng babaeng pinaniniwalaang buntis ang natagpuang nakasilid sa isang sako sa bakanteng lote sa Santa Rosa, Laguna kamakalawa.

Ayon sa ulat, nakita ang hindi pa nakikilalang biktima dakong 3:00 pm sa bakanteng lote ng Brgy. Ibaba sa Santa Rosa.

Isang pulang kotse ang sinasabing nagtapon sa bangkay na tinatayang edad 25 hanggang 30, at nakasuot ng itim na leggings at asul na t-shirt.

May suot na relo at anklet ang biktimang pinaniniwalaang sinakal gamit ang bra.

Ayon sa mga awtoridad, walang nakitang sugat mula sa tama ng bala ng baril o saksak ang biktimang posibleng buntis.

Sinsiyasat ng mga imbestigador kung mayroong CCTV na maaaring makatulong upang malutas ang krimen.

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

MWF hindi na bago – GMA
Makabayan tutol sa panukala

HINDI na bago ang pagbuo ng isang sovereign wealth fund kagaya ng Maharlika Wealth Fund …

High-rise housing projects BLISS

High-rise housing projects tugon sa kakapusan ng disenteng tirahan

IKINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagtatayo ng high-rise housing o matataas na yunit ng pabahay upang …

Sonny Angara Money Senate

Aprobado sa bicameral conference committee
P5.27-T NAT’L BUDGET RATIPIKADO SA SENADO
P10-B ng NTF-ELCAC, P150-M DepEd confidential funds ibinalik

RATIPIKADO na sa senado ang inaprobhang Bicameral Conference Committee report o ang P5.27 trilyon national …

120622 Hataw Frontpage

Pondo ng SSS, GSIS para sa Maharlika  ‘unconstitutional’ — retired SC justice

ni ROSE NOVENARIO UNCONSTITUTIONAL o labag sa Konstitusyon ang paggamit ng investible funds para sa …

dead gun police

Karinderya pinaulanan ng bala
2 PATAY, 2 SUGATAN

AGAD namatay ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa nang paulanan sila ng …

Leave a Reply