CAMP OLIVAS, Pampanga – Paika-ika ang isang 14-anyos dalagita nang samahan ng kanyang ina sa San Simon Police Station upang ireklamo ang lasing na kapitbahay na ilang ulit gumahasa sa biktima sa Brgy. San Agustin, bayan ng San Simon kamakalawa ng madaling-araw. Sa ulat ni Chief Inspector Jose Charlmar F. Gundaya, hepe ng San Simon Police, sa tanggapan ni Chief …
Read More »4 drug suspect utas sa police ops sa Maynila
PATAY ang apat lalaking hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaran lumaban sa mga pulis nang maaktohan habang nagsasagawa ng pot session sa ilang barong-barong sa Parola Compound, Binondo, Maynila kahapon. Kinilala ang mga napatay na sina Gerry Bon Tagalog, alyas Jonjon, alyas Mar Barquillo, at alyas Jessie Panis, pawang may gulang na 40 hanggang 45-anyos. Batay sa sketchy report …
Read More »GANITO kahanda ang Manila Police District (MPD) SWAT sa kanilang responde gaya nang naganap kamakailan sa Hostellery, Plaza Ferguson, Ermita, Maynila na agad ikinadakip ng babaeng nagpaputok ng baril na kinilalang si Hema Bhalwart. (BONG SON)
Read More »Sister ng aktres itinumba sa droga (Drug pusher ng celebrities?)
PATAY ang kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez makaraang pagbabarilin nitong Linggo nang umaga dahil sa sinasabing pagtutulak ng ilegal na droga sa mga artista. Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Maria Aurora Moynihan sa kanto ng Temple Drive at Giraffe St., sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City. Katabi niya ang isang karatulang nagsasabing, “Drug pusher ng mga celebrities, …
Read More »Istayl ni Digong may hugot sa history (Galit sa imperyalistang mananakop)
HINDI de-kahon ang estilo ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t kailangang unawain ng media na ang kanyang mga pahayag at patakaran ay nakabase sa perspektiba ng kasaysayan. “Hindi siya ganoon, he works out of the box, you know. You know, like who am I? I’m his press secretary, and I can tell him this and that, e paano kung sasabihin sa …
Read More »May panahon ng pagtutuos – Duterte (Banta sa terorista)
TINIYAK kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabayaran ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang inihahasik nilang karahasan, lalo na ang pambobomba sa Davao City night market kamakailan, ngunit tumanggi ang Punong Ehekutibo na idetalye ang susunod na mga hakbang ng mga awtoridad kontra-terorismo. “Oh, we’re pursuing leads. Too early to be talking about it. I said do not ask me …
Read More »HR violations ng US mas marami (Walang karapatang pumuna)
IPINAGMALAKI ng Palasyo ang pinakamahalagang mensaheng naiparating ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa ASEAN summit sa Laos ay naipamukha sa US na walang karapatan ang Amerika na pumuna sa isyu ng human rights dahil maraming paglabag sa aspektong ito ang Estados Unidos. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, may sariling independent foreign policy ang Filipinas na sinusunod at …
Read More »Paggamit sa wikang Filipino dalasan – Almario (Mungkahi kay Duterte para mas maintindihan)
INIREKOMENDA ni Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulo ng Komis-yon sa Wikang Filipino (KWF) Virgilio Almario na dalasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasalita sa wikang Filipino, sa isang panayam na isinagawa sa Unibersidad ng Pilipinas sa Quezon City kamakalawa. “Sino ba ang naka-misinterpret sa kanya? Sa tingin ko iyon naman ang natural niya. May iba-iba lang talagang reaksiyon ang …
Read More »Pagtuturo ng wikang Filipino dapat isaayos – Almario
NANAWAGAN si Komisyoner Almario sa mga guro at ahensiya ng edukasyon na maging seryoso at isa-ayos ang pagtuturo ng Wikang Filipino. Sinabi ito ng Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Virgilio Almario, nang dumalo bilang tagapagsalita sa isang reoryentasyon para sa mga guro mula sa iba’t ibang pamantasan sa Benitez Hall, Unibersidad …
Read More »Pulis at LGUs isama sa anti-illegal drug lectures sa kabataan – DepEd
NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang National Capital Region Police Office (NCPRO) sa Department of Education (DepEd) kasunod nang serye ng bomb threats at mga banta sa ilegal na droga sa mga paaralan at unibersidad sa Metro Manila. Una rito, nagkaundo sina NCRPO Regional Director Chief Supt. Oscar Albayalde at DepEd Asec. Jesus Mateo na magtatag ng protocol kung paano mas mapabibilis ang pagre-report …
Read More »141 cops masisibak – PNP (Positibo sa droga)
UMAABOT sa 141 pulis ang posibleng masibak sa serbisyo makaraang magpositibo sa paggamit ng droga. Sinabi ni Chief Supt. Leo Angelo Leuterio, hepe ng PNP-Internal Affairs Service (IAS), sinampahan na ng kaukulang kaso ang nasabing mga pulis. “They are now charged with grave misconduct by violation of the anti-drugs law,” ayon kay Leuterio. Idinagdag niyang, 57 sa nasabing mga pulis …
Read More »Malaking anomalya sa Customs ibubulgar
NAKATAKDANG ibulgar ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon sa susunod na mga araw ang isang malaking anomalya sa loob ng kanilang kagawaran. Ayon sa opisyal, natumbok na nila ang naturang kaso ngunit tumanggi muna siyang isapubliko ang detalye nito. Ginawa ni Faeldon ang pahayag upang patunayan na umuusad ang direktiba niya na imbestigasyon upang linisin ang kagawaran sa …
Read More »Miriam Santiago balik-ospital pero ‘di sa ICU
INILINAW ng pamilya ni dating Sen. Miriam Defensor-Santiago, hindi dinala sa Intensive Care Unit ang dating mambabatas. Ayon sa kanyang manugang na si Mechel Santiago, nasa isang private room ng St. Lukes Medical Center sa Taguig ang 71-anyos dating senador. Kasalukuyan aniyang naka-confine ang senadora para ipagamot ang kanyang lung cancer, ngunit hindi isinugod sa ICU. Gayonman, umapela si Mechel …
Read More »Nurse na supplier ng party drugs arestado sa BGC
Arestado ang isang lalaking nurse sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa F1 hotel sa Bonifacio Global City, Taguig. Napag-alaman, hinihinalang supplier si Kenneth Santillan ng party drugs sa high-end bars sa Taguig at Makati. Narekover kay Santillan ang mga ng ecstasy, marijuana at shabu. Patuloy pang inaalam ang halaga ng nakompiskang ilegal na droga. 18,273 DRUG PERSONALITIES SA …
Read More »‘Porno king’ swak sa 69 kaso ng abuso (Australian pedophile)
INIREKOMENDA ng DoJ na sampahan ng 69 kasong kriminal ang hinihinalang Australian pedophile, binansagang “porno king” at nasa likod ng kontrobersiyal na “Destruction of Daisy” sex and physical abuse videos. Ang suspek na si Peter Gerard Scully ay nadakip ng NBI-Anti Human Trafficking Division sa kasong pagmolestiya sa mga bata kabilang ang walong buwan gulang sanggol. Sa 151-pahinang resolusyon na …
Read More »Duterte sa world leaders: walang puwedeng manghimasok sa PH
IPINAGMALAKI ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte, malinaw niyang naiparating ang mensahe sa world leaders sa ASEAN Summit sa Laos na walang bansa na puwedeng manghimasok sa Filipinas. Ipupursige aniya ng kanyang administrasyon ang isang independent foreign policy, isusulong ang tamang kaisipan hinggil sa soberanya, walang puwedeng makialam ngunit sa mapayapang paraan reresolbahin ang mga tunggalian upang mapagsilbihan nang todo ang sambayanang …
Read More »Saludo sa media si Tatay Digong
SALUDO si Pangulong Rodrigo Duterte sa papel ng media na araw-araw na tagapagtala ng kasaysayan ng Filipinas. Sa press briefing sa Davao City International Airport nang dumating mula sa 28th at 29th ASEAN summit sa Laos at state visit sa Indonesia, pinuri ni Pangulong Duterte ang mga mamamahayag , lalo na ang cameramen na naghahatid nang totoo at tamang impormasyon …
Read More »Digong naiyak sa pagkawala ng 2 apo
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, umiyak siya nang malamang wala na ang dalawa sa triplet na ipinagbubuntis ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte. Sinabi ng Pangulo, may tumawag sa kanya habang nasa ASEAN Summit para ibalita ang sinapit ng kanyang mga apo ngunit nasa lobby siya ng National Convention Center sa Vientiane, Laos kaya agad siyang …
Read More »Banta sa kriminal ‘di labag sa batas — Digong
HINDI labag sa batas na pagbantaan ang mga kriminal at kung ano man ang mangyari sa kanila ay hiwalay na usapin, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa press briefing sa Davao City International Airport makaraan ang kanyang arrival speech, bilang Punong Ehekutibo at abogado ay may karapatan siyang pagbantaan ang mga kriminal. “It is never wrong, I …
Read More »Tiwaling gov’t officials ipatatapon sa Mindanao (Banta ni Duterte)
IPATATAPON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan sa mga lugar sa Mindanao na matindi ang bakbakan. Sa press briefing kahapon ng madaling araw sa Davao City International Airport, nagbabala ang Pangulo na balak niyang italaga sa itatayong extension office ng national government sa Basilan o Jolo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Nakasentro ang lakas ng …
Read More »Maguindanao vice mayor arestado sa Davao bombing
ISINALANG na sa inquest proceedings ng Department of Justice (DoJ) si Talitay, Maguindanao Vice Mayor Abdulwahab Sabal, itinuturong isa sa mga nasa likod ng Davao bombing. Ngunit batay sa pahayag ng mga awtoridad, na-inquest si Sabal para sa usapin ng illegal drug trade. Pinangunahan nina Assistant StateProsecutor Gino Santiago at Senior Assistant StateProsecutor Clarissa Koung ang pagtatanong sa bise alkalde. …
Read More »200 bahay natupok sa Port Area
TINATAYANG aabot sa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa 200 bahay sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ng Manila Fire Department, nabatid na dakong 8:35 pm nang magsimulang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay ng isang Maritess Abanes sa Atlanta Street, sakop ng Brgy. 651, Zone 68. Umabot ng …
Read More »Delivery truck driver kakasuhan sa bomb joke
INIREKOMENDA ni DoJ Assistant State Prosecutor Phillip Dela Cruz ang pagsampa ng kaso sa deliver truck driver bunsod nang pagbibiro na may bomba ang minamaneho niyang sasakyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kasong paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree 1727 ang isasampa laban sa driver na si Marlon Soriano, may katapat na parusang limang taon pagkakakulong o P40,000 …
Read More »Human rights ‘di malalabag sa checkpoints — QCPD
MALAYANG makagagalaw at mananatili pa ring makakikilos ang mamamayan at lalong hindi malalabag ang karapatang pantao ng mamamayan ng Quezon City sa pagpapatupad ng checkpoint ng Quezon City Police District (QCPD) katulong ang militar sa pangunahing mga lugar ng lungsod. Ito ang ipinahayag ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar kasabay nang pagsasabing patuloy na igagalang ng pulisya …
Read More »Kelot nagbigti (BFF namatay)
BUNSOD nang matinding depresyon dahil sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan, nagbigti ang isang 23-anyos alaki sa kanilang bahay kahapon ng umaga sa Pasay City. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Nolasco Bathan, ang biktimang si Bernard Ramirez, ng 164 Gotamco St., Brgy. 16 Zone 1 ng nasabing lungsod. Base sa inisyal na ulat ni SPO1 Giovanie …
Read More »