Monday , January 13 2025

Duterte kay Joma sa peace talks: Kapayapaan bago kamatayan

070717_FRONT
“HINDI ka ba magiging masaya kung bago mo ipikit ang iyong mga mata ay may kapayapaan na sa bansa?”

Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang da-ting propesor na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na self-exiled sa The Netherlands sa nakalipas na tatlong dekada.

“Here comes Sison, I hope you won’t be angry sir, since you were my teacher but you’re sick, you are not dying but you are seriously sick, would you be happy to see and to die that there is peace in this country before you finally close your eyes?” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa ika-64 Araw ng Hagonoy sa Municipal Gymnasium sa Hagonoy, Davao del Sur, kamakalawa ng gabi.

Si Sison ay may malubhang karamdaman at ilang beses na inimbitahan ni Pangulong Duterte na umuwi sa Filipinas, at kanyang ipagagamot, at tiniyak na hindi darakpin ng mga awtoridad.

Inamin ni Pangulong Duterte na ang kanyang panalangin bago siya mamatay ay maghari ang kapayapaan sa bansa.

Inihalintulad ng Pa-ngulo ang kilusang komunista sa isang bentilador, pumapaling sa kaliwa at sa kanan.

Nang magdeklara aniya siya ng martial law sa Mindanao ay nagalit ang CPP at inutusan ang New People’s Army (NPA) na atakehin ang mga tropa ng pamahalaan.

Ngunit nagbago aniya ang isip ng CPP at na-ngako na makikipagtulungan sa gobyerno na labanan ang terorismo sa Mindanao

“It’s vacillating. First you said that during the martial law proclamation, you got angry. Then you ordered your troops, the NPAs to engage us, go-vernment forces actively. Then you changed your mind and said you are going to cooperate but at the same time… I cannot understand you guys because you’re like an electric fan. Look at it, right to left, left to right. What do you really want? Do you want to talk? We’ll just wait till the crisis in Marawi cools down and we’ll talk or we’ll continue to fight?” giit ng Pa-ngulo.

Sa media interview kahapon sa Bukidnon, ini-hayag ng Pangulo na maaaring hindi umusad ang naunsiyaming peace talks dahil sa mga ulat na pangingikil ng mga rebelde.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

NGCP

Solon: Do not blame NGCP, wants ERC penalized for allowing NGCP to pass on franchise tax to consumers

The Energy Regulatory Commission (ERC) admitted issuing a resolution allowing NGCP to pass on its …

Faith in Action A Christmas of Compassion and Giving

Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving

As the Christmas season enveloped us in its joyous preparations, a heartwarming reminder of the …

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …

011025 Hataw Frontpage

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

HATAW News Team NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *