Thursday , June 4 2026

CJ Sereno posibleng i-impeach

PINAG-AARALAN ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipa-impeach si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling totoo ang naging utos niya sa  tatlong CA justices na huwag tumugon sa show cause order ng Kamara.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, hindi malayong sampahan ng impeachment complaint ng Kamara si Sereno sa oras na totoo ang utos niya sa tatlong mahistrado.

“He (Alvarez) is still contemplating. We still have to verify whether she really issued an order to the CA Justices to defy the show cause order,” ayon kay Pimentel.

Nagkasundo ang Komite na ipatawag sina CA Associate Justices Stephen Cruz, Edwin Sorongon at Nina Antonino-Valenzuela ng CA 4th Division, dahil sa pagpapa-labas ng provisional release order sa “Ilocos 6” na nananatiling naka-de-tine sa Batasan Complex.

Ang “Ilocos 6” ay sina provincial treasurer offi-cers Genedine Jambaro, Encarnacion Gaors at Josephine Calajate, Ilocos Norte accountant IV Eden Battulayan, bids and awards committee (BAC) chairman, Engr. Pedro Agcaoili, at Ilocos Norte provincial budget officer Evangeline Tabulog.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …